C H A P T E R 7

1.1K 60 0
                                    

Chapter 7

"Abigail gising na, nandito na tayo." Sabi ni Aling Belen. Agad akong bumaba at tinulungan siya sa mga maleta.

Paglingon ko sa likod ko ay namangha agad ako. Wengya mansion mga sis!

"Ang laki ng bahay." Bulong ko sa sarili ko.

"Abigail halika na rito." Sabi ni Aling Belen na nasa tapat na ng isang malaking gate. Nag doorbell na si Aling Belen at naghihintay na lang kami na magbukas ang pinto.

"Sino sila?" Nagulat ako dahil wala namang tao pero may nagsalita. Tumingin ako sa gilid at may nakita akong screen na maliit at may speaker. Ang galing! Manghang-mangha ako at mukha akong ignorante.

"Kami ho ang bagong katulong." Sabi ni Aling Belen at maya maya lang ay bumukas ang gate at mas lalo pa kong namangha dahil sa lawak at sobrang laki talaga parang palasyo. Swerte naman ng mga anak ng nandito.

May sumalubong samin na isang babae na may edad na rin.

"Tara na, kanina pa sila naghihintay." Sabi niya at tumingin sakin bago ngumiti.

Pagpasok ko parang iba ang pakiramdam, parang nasa sarili kong bahay ako. Parang finally nakauwi na ko. Weird.

"Welcome. Feel free, lahat tayo dito pamilya. Ako nga pala si Cristina. Ate Cristina na lang." Sabi ni ate Cristina. Tumango naman kami ni Aling Belen.

Pero ang isang napansin ko sa bahay parang ang lungkot at ang tahimik.

Hinatid kami ni ate Cristina sa maids quarter. Kahit ito malaki din. Nakakatuwa naman. Naligo at nagpalit agad ako. Paglabas ko nandun pa rin si ate Cristina na nakikipag-usap kay Aling Belen. Mukhang napansin naman nila ko. Time ko na para magtanong.

"Ate Cristina, pwede magtanong?" Sabi ko at tumabi sa kanila at inayos salamin ko.

"Ano yun?" Sabi niya ng nakangiti.

"Bakit po ang tahimik dito at parang malungkot?" Puno ng kuryosidad ang boses ko.

"Simula yan nung mawala ang anak nila na nag iisang babae. Dati hindi naman ganito ang bahay na ito. Puno ito lagi ng tawanan at puno ng saya. Dahil 'yon sa anak na babae. Bungisngis kasi siya at makulit. Mahal 'yon ng lahat ng nandito kasi parang stress reliever siya ng mga taong nandito sa bahay. Kahit katulong gusto niya kasabay nila kumain dahil pamilya ang turing niya sa lahat. Pero nawala lahat 'yon nang biglang nawala ang bata at hanggang ngayon hindi pa rin nakikita. Kahit ang anim na anak na lalaki hindi na naging masaya simula noon. Laging masungit at minsan na lang magsalita." Mahabang kwento ni ate Cristina.

"Kaya po pala. Sayang naman po, sana makita na nila ang anak na babae nila para masaya na ulit dito." Malungkot na sabi ko. Parang bumigat ang puso ko sa nalaman ko.

"Kaya nga eh. Tara labas tayo, kain muna tayo. Bukas na kayo magsimula." Aya ni ate Cristina.

"Pwede pong sa hapon na ko tumulong? May pasok po kasi ako eh." Paalam ko kay ate Cristina.

"Okay lang." Nakangiti niyang sagot.

Lumabas na kami ng kwarto at pumunta sa sala. Madadaanan kasi bago mag kusina. Bukas ang TV. Grabe kahit TV ang laki. Nilibot kong mabuti ang mga mata ko at mukhang mamahalin lahat ng gamit.

"Good afternoon mga sir." Bati ni ate Cristina sa anim na lalaki na nanonood ng basketball. Lumingon naman ang mga lalaki at tinitigan ko lahat sila.

Napahawak ako kay Aling Belen dahil biglang sumakit ang ulo ko.

"Okay ka lang, Abigail?" Alalang tanong ni Aling Belen. Tumango naman ako at umayos ng tayo bago tinignan ulit ang limang lalaki. Nakatingin pa rin sila samin, parang gulat na gulat ang mukha nila.

"May problema po ba?" Tanong ko. Mukhang nabalik naman sila sa realidad.

"H-ha?" Sabay-sabay nilang sabi.

"'yong mga mukha niyo ho kasi mga sir parang gulat na gulat. Gusto niyo ho tubig?" Alok ko. Tumango naman silang lahat.

"Sandali." Madali akong pumunta sa kusina at kumuha ng limang tubig, may nakita rin akong tray at do'n ko nilagay ang mga tubig.

Lumabas ako ng kusina at dumiretso sa table sa gitna ng sala.

"Ayan na ho." Sabi at tumalikod na sa kanila.

"Imposible." Sabay-sabay nilang sabi. Kaya lumingon ako sa kanila.

"Ano hong imposible?" Tumingin sila sakin at agad umiling. Kaya tumalikod na ulit ako at pumunta na sa kusina para kumain, nauna na pala rito sila ate Cristina at Aling Belen.

Weird naman ng magkakapatid na 'yon. Ipinagkibit balikat ko na lang.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now