C H A P T E R 42

861 38 0
                                    

Chapter 42

"Abigail gising na." Napamulat agad ako at nakita si Manang kaya napabalikwas ako ng bangon.

"Anong oras na po?" Tanong ko agad.

"Alas siyete na ng gabi. Halika na at kumain para diretso na ang tulog mo." Tumayo naman agad ako sabay kami ni manang na oumunta kung nasaan ang ibang katulong. Nadaanan namin ang dining table na tahimik.

Nag-angat sila ng tingin sakin kaya yumuko ako bilang pag bati at dumiretso kubg nasaan sil manang.

Ito na ang routine ko, iniiwasan ko na ang wonderful family dahil hindi na ako ang kailangan nila. Masaya naman akong kasama ang mga katulad namin, na kahit simple ay masaya at puno ng tawa.

Pag tapos malinis lahat ay ngkaniya kaniya na kami para matulog.

"Good night, manang." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Good night, Abigail." At hinalikan ako sa noo.

CHRISTMAS DAY

"Abigail, tara na at baka marami ng tao doon sa Amusement Park." Sabi ni manang sa labs ng pinto kaya nag madali ako.

"Nandyan na po!" Sinuot ko na ang sapatos ko at lumabas na.

"Tara na po!" Masigla kong sabi. Nakasalubong namin ang wonderful family.

"Oh, manang. Saan kayo pupunta?" Tanong ni ma'am Aireen.

"Ito kasing si Abi nag lambing gusto pumunta ng amusement park." Tinignan naman ako ni ma'am kaya yumuko ako.

"Ah oh, sige. Ingat kayo." Rinig ko ang lungkot sa boses ni ma'am na hindi ko alam kung bakit.

"Sige po, una na po kami." Sab ni manang at lumabas na kami.

Pag labas ay sumakay agad kami ng jeep. Hindi naman kalayuan ang amusement park dito. Ilang sandali pa ay nakaeating na kami.

Nag ningning naman ang mga mata ko at agad na hinila si manang papasok.

"Dahan dahan, di halatang sabik na sabik ka sumakay sa mga rides na iyan." Pumila naman kami ni manang sa caterpillar. My favorite ride!

Ilang ride pa ang sinakyan namin bago kami nag pasyang kumain. Nag hanap kami ng pwesto matapo bumili ng makakakain.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ni manang.

"Opo! Sana lagi na lang pasko manang." Natawa naman siya sa reaksyon ko.

Pero nagulat na lang kami ng may humila sakin nabhindi ko kilala pero malaki ang katawan.

"Sumama ka samin!" Sabi niya at hinihila ako. Tinignan ko si manang na pinipigilan ng ilan pang lalaki.

"Manang! Tulong po!" Sigaw ko pero tila takot din ata ang mga tao dahil armado ang mga lalaki.

"Abigail!" Yun ang huli kong narinig bago nawalan ng malay dahil may panyong tumakip sa ilong ko at agad na ikinahilo ko.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now