C H A P T E R 27

900 42 0
                                    

Chapter 27

Ilang araw pa ang lumipas at foundation week na it means no classes at pwede kang pumasok kahit anong oras. This is heaven! No morning classes is great. Definitely great! 8 na ko gumising at saktong pag ring ng maliit na phone ko sa gilid. Natawag si Gail, agad ko naman itong sinagot.

"Hello. Good morning!" Masigla kong bati kay Gail. Rinig ko ang ingay sa kabilang linya. Nandoon na siguro sila ni Lian sa school since isa sila sa student council at sila ang mago-organize ng mga event doon.

"Good morning too. What time ka pupunta rito sa school?" She ask.

"Mag-aayos lang ako tapos puounta na ko dyan." Imporma ko.

"Make it fast! May game ang basketball ngayon." Excited niyang sabi at rinig ko ang tili niya.

"Oo na. Sige na baba mo na, mag-aayos na ko." Sabi ko at tumayo na sa kama.

"Bye! See you later." Binaba na niya ang tawag kaya pumunta na kong banyo at nag simula na kong maligo.

Matapos ang ilang minute ay tapos na ko. Nag pants, shirt at rubber shoes lang ako para komportable ako pag nag-Ikot mamaya. 'Yong sa booth naming, kung sino ang hindi tumulong sa paggawa ay siya ang mag babantay doon. Kinuha ko ang cellphone at lumabas na.

Pag labas ko ay hinanap ko agad si Aling Belen. Nakita ko naman siya na nag wawalis sa tapat ng mansion.

"Manang!" Tawag ko sa pansin niya. Agad naman siyang lumingon sa akin kaya lumapit na ko sa kaniya.

"Oh, wala ba kayong klase?" Tanong ni Aling Belen.

"Wala po, foundation week po kasi eh. Alis na po ako ah? Hinihintay na po ko nila Gail."Paalam ko. Tumango naman siya at tinignan muna ko.

"Mag-iingat ka ah? Umuwi ka agad." Paalala niya. Ngumiti naman ako at tumango. Nag paalam na ko at agad na lumabas ng bahay. Binati ko rin si ManonG Guard na binati rin ako.

Matapos ang ilang miutong lakaran ay nakarating na ko sa school. Kita ko ang pag pasok ng mga estudyante. Open kasi siya for outsiders. Pumasok na rin ako at nilibot ang tingin sa paligid. Ang kulay naman ng mga 'to pero ang ganda tignan. Well organized din lahat.

Naramdaman kong may kumalabit sa likod ko pero pag tingin ko wala naming tao. Nagulat naman ako pag harap ko. Isang impakto! Sinamaan ko naman siya ng tingin pero ngumisi lang siya.

"Good morning, nerdy." May pang-asar sa boses niya kaya sininghalan ko siya at inirapan.

"Attitude ka?" Tanong niya at medyo natawa,

"Ano na namang kailangan mo?" Pinag krus ko pa ang braso ko at tinaasan siya ng kilay.

"Chill. Ang aga-aga ang init ng ulo mo. I'm just here to invite you, I want you to watch our game later." He commanded.

"Wow, inuutusan mo ba ko?" Mataray kong sabi.

"Parang ganun na nga. So be there, kung hidi ipapatalo ko ang game at ikaw sisisihin ko." Pangongonsensya niya saki. The nerve!

"Ikaw na nga nahingi ng pabor, ikaw pa nang babanta? Hanep ka rin 'no?" Sarcastic kong sabi pero nginisihan niya lang ako.

"Umalis ka na nga!" Utos ko sa kaniya.

"Promise me na pupunta ka muna mamaya." Pangungulit siya. Talgang 'di titigl 'tong Impakto na 'to.

"Oo na, oo na." Sabi ko at napa 'yes' naman siya.

"Wala ng bawian ah? Bye! See you later!" Sabi niya at tumakbo na paalis. Ako naman ay agad na hinanap sila Gail at Lian. Agad ko naman silang Nakita sa booth ng section naming kaya nilapitan ko sila.

"Oh, Abi, you're here na." Nakangiting sabi ni Gail.

"Yeah, tara na? Namiss ko kayo." Napangiti naman silang dalawa at umalis na kami doon.

Nag Ikot-Ikot lang kami at kinainan ang ibang booth na nagugustuhan naming. Nag phinga muna kami sa bench saglit dahil ngalay na kaming tatlo.

"Gail, what time 'yong basketball game?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa'kin at parang may biglang naalaal.

"Hala kanina pang 9! 9;55 na!" Agad kaming tumakbo papunta sa court at kita naming punong-puno ang mga bench. No choice kami kung hindi tumabi sa medyo gilid. Nakita ko agad si Impakto na mukhang wala sa mood at naka upo lang sa bench na para sa players. Lamang na ang kalaban 90-50 ang score at natapos ang third quarter na ganun pa rin ang score.

What the hell? Matatalo ba kami?

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now