C H A P T E R 9

1.1K 61 6
                                    

Chapter 9

"Sarap naman niyan Aling Belen." Sabi ko at tumabi kay Aling Belen.

"Tigilan mo ko Abigail, alam kong hihingi ka. Mamaya na." Napanguso naman ako, kilala talaga ko nito ni Aling Belen.

"Kahit konti lang Aling Belen. Sige na." Parang bata kong sabi at ngumuso pa.

"Magtigil ka. Ayusin mo na lamang ang lamesa." Sabi ni Aling Belen. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Nilagyan ko ang lamesa ng mga kailangan na parang nasa restaurant. Grabe yaman kasi eh.

Pagtapos ko ay bumalik ako sa kusina upang tumulong sa paghahain.

"Abigail, tawagin mo na sila sir dun, Dalian mo aka lumamig ang mga pagkain." Utos ni Aling Belen.

"Basta pahingi ako pagtapos." Sabi ko ng nakanguso.

"Oo na, sige na." May ngiting tagumpay naman ako at umakyat at kinatok ang mga kwarto nila. Inuna ko ang anim na lalaki. Inuna ko ang pinakamatanda, sunod sunod naman kwarto nila eh. Mula matanda hanggang bata, kaya pala nasa dulo yung pulang pinto.

"Sir Aidam, kakain na ho." Katok ko. Agad namang nagbukas 'yon at tumango lang siya. Kaya pumunta na ko sa sunod.

"Sir Aidrian, akain na ho." Lumabas naman siya.

"Sige sunod ako." Sabi niya. Tumango naman ako at pumunta sa pangatlo.

"Sir Aiji, kakain na ho." Binuksan din niya at tumango lang.

"Sir Aishton, kakain na ho."

"Sige." Sabi niya.

"Sir Ainon, kakain na ho." Katulad ng tatlo tumango lang siya.

"Sir Aidram, kakain na ho baba na po kayo." Katok ko sa panghuli bago tumungo sa kwarto ni Ma'am at Sir.

Pumunta ako sa tapat ng kwarto ng namin na anak at kinatok ang malaking pinto.

"Ma'am, sir, kakain na ho." Agad naman itong bumukas at nakita ko ang mukha ng ginang, grabe ang ganda niya parang 'di tumatanda.

"Lead us the way, hija." Nakangiting sabi ng ginang kaya nauna na ko maglakad at nasa likod ko sila lahat. Grabe ang laki nilang pamilya.

Nakarating na kami sa dining area at umupo na silang lahat.

"Enjoy po sa pagkain." Nakangiti kong sabi bago umalis at pumuntang kusina.

"Aling Belen, nasaan na yung promise mo?" Nakangiti kong sabi. Inabot naman niya ang mangkok na puno ng sabaw at gulay.

"Kilala mo talaga ko, Aling Belen. Salamat po." Masaya kong sabi at pumunta sa lugar na malapit sa mesa ng kainan. Pinilit kong umupo dahil ang taas ng upuan. Nang-iinsulto ba 'to. Napanguso ako ng hindi ako maka akyat. Hanggang sa naramdaman ko ang isang kamay na nag-angat sa'kin para maka upo.

"There." Sabi ng malaki boses.

"Salamat po sir Aidam." Nahihiyang sabi ko.

"It's okay." Sabi niya ng may maliit na ngiti at ginulo buhok ko bago umalis. Sinundan ko siya saglit ng tingin bago bumalik sa pagkain.

Grabe ang sarap talaga ng luto ni Aling Belen busog na ko rito. Pababa na sana ako ng maalala kong mataas pala to. Hala paano ako bababa?

Napa kamot naman ako ng ulo at nag-isip ng paraan. Alam ko na! Nilagay ko ang mga kamay ko sa lamesa kung saan ako naroon at nilagay ang weight ko bago ilapag ang mga paa ko sa lapag. Yung parang sa gymnast. And charan, nakababa na ko.

Nilagay ko na sa hugasan yung pinagkainan ko at naglinis na dahil may pasok na bukas kailangan kong matulog ng maaga. Pagtapos maglinis ay nahiga na ko at nakatulog din agad dahil sa pagod.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now