C H A P T E R 21

935 49 0
                                    

Chapter 21

Sumapit ang Linggo at mamaya ay mag sisimba kami ayon kay Manang, parang pasasalamat na maayos at maganda na ang takbo ng lahat. Weird nga eh, parang yung tono niya naayon lahat sa pangyayaring parang nasa plano niya. Pinagkibit-balikat ko na lang naman.

"Abigail, tapos ka na ba? Tara na at baka mahuli tayo sa misa." Dinig kong tawag ni Aling Belen.

"Opo manang! Patapos na po ako." Imporma ko kaya nag madali na ko at agad na nag bihis. Pagkaraan ng ilang minuto ay tapos na ko kaya lumabas na ko ng silid.

"Oh, ayan na si Abigail. Tara na." Nagulat ako ng makita sila ma'am Airene na bihis at mukhang sasama rin.

"Sama po kayo ma'am?" Tanong ko habang palabas kami.

"Oo, matagal-tagal na rin kasi mula noong nagsimba kaming lahat." Naka ngiting sabi ni ma'am Airene kaya tumango ako tinignan ang anim.

"Hindi po ba masusunog 'iyang and, ma'am?" Tanong ko at malalaki ang mata na tinignan ako ng anim, habang sila ma'am Airene at sir Aion ay natawa.

"Aba't!" Aamba sana si sir Aidrian pero nagbago agad ako sa likod ni ma'am Airene at sir Aion.

Dinilaan ko lang sila at pumasok sa sasakyan. Sabi kasi nila ma'am at sir Aion ay yung van ang gagamitin namin. Ako ang nasa bintana katabi ko si ma'am Airene at sir Aion habang nasa likod naman ang anim. Habang nasa biyahe ay sinuot ko sa tainga ko ang earphone at hawak ko ang iPod. Hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog ako.

After 30 minutes

Naalimpungatan ako nung may marinig akong mga bulungan pero 'di ko muna minulat ang mga mata ko.

"Hoy Ainon, 'wag ka ngang maingay mamaya magising siya eh." Palagay ko kay sir Aiji ang boses na 'yon.

"Anong ako? Ikaw 'yong kanina pa maingay dito eh." Rinig ko naming sabi ni sir Aishton.

"Kaya nga, ang lakas-lakas ng boses mo. Pinaglihi ka siguro ni mommy sa puwet ng manok." Segunda naman ni sir Aidrian. Hanggang sa pagtatalo na lang ang narinig ko kaya nagmulat ako.

Nakatingin lang ako sa kanila habang 'yong mga kamay na may cellphone ay nakatapat sa'kin. Ah, kinukuhaan pala nila ko habang tulog ah. Humanda kayo sa'kin 'pag ako nagka cellphone.

"Ang iingay niyo niyo, para kayong mga timang." Sabi ni sir Adam at pinagbabatukan ang mga kapatid niya.

"Bakit ang iingay niyo?" Agaw ko sa atensyon nila noong mukhang wala silang balak tumigil sa away.

Napatingin naman sila sa'kin at mga awkward na ngiti ang binigay nila sa'kin kaya tinaasan ko sila ng kilay. Taray ko 'no? Daig ko pa ang amo.

"Para kayong mga babae kung makapag-ingay jusko." Sabi ko at bumaba na, mukhang kami na lang ang naiwan sa van dahil Nakita kong papasok na sila ma'am Airene kaya humabol ako. Napansin naman ako agad ni ma'am Airene.

"Oh, Hija, nasaan sila Aidam?" Tanong niya sa'kin.

"Naku ma'am, baka natakot po masunog kaya ayaw pumasok dito sa loob." Napatawa naman si ma'am Airene.

"Naku ka talagang bata ka, buti natagalan mo ang mga 'yon at nakikipagkulitan pa sa kanila. Ngayon ko na lang ulit sila Nakita na ganyan kasaya." Sabi ni ma'am at may mga ngiti pa sa kanyang mga labi habang sinasabi niya 'yon.

"Buti na lang po talaga, ma'am. Halos kaya ko naman pong sabayan 'yong kabaliwan nila kaya ayos lang po iyong." Nakangiti ko ring tugon.

"Laki talaga ng pasalamat ko na dumating ka sa Bahay at buhay namin. Maraming salamat. Abigail." At hinawakan ni ma'am Airene ang kamay ko. Ngumiti na lang ako.

Napatingin ako sa likod noong makarinig ako ng ingay at nakitang ang anim iyon. Pinagtitinginan tuloy sila hindi lang dahil sa ingay nila kundi pati na rin sa kagwapuhan nila.

"Hoy, ang iingay niyo hindi lang kayo ang tao sa simbahan." Sabi ko noong makalapit sila sa pwesto namin. Para naman silang maamomg tuta na natahimik kaya napangiti ako.

Maya-maya pa ay nagsimula na nga ang misa.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now