C H A P T E R 36

876 39 1
                                    

Chapter 36

Lumipas ang ilang buwan at malapit na ang Christmas break at lahat ay excited na. Buti wala masiyadong iiwan ang mga teacher. Sana maenjoy ko ang pasko ngayon kasi di na lang kaming dalawa ni manang ang magce-celebrate. Pero sa mga buwan na lumipas ay may mga ibang nangyayari tulad ng...

Naglalakad lakad lang ako sa campus dahil wala naman ng gagawin. Nag paalam sila Gial at Lian na may gagawin saglit sa Student Council Office.

Habang natingin sa paligid ay may biglang humila sakin kaya nagulat ako at napasabay sa nang hihila sakin na si Kallix

"Hoy! Ano na naman 'to? Ha?" Masungit na sabi ko pero hindi niya ko pinansin at dinala sa garden kung saan kami tumambay noong exam.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa likod niya. Pero hindi siya nagsasalita.

"Hoy! Sabi ko anong ginagawa natin dito? At humarap ka nga sakin." Nakahalukipkip na ko habang hinihintay siya. Dahan dahan naman siyang lumingon kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano bang trip- Gusto kitang ligawan!" Hindi niya ko pinatapos at para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig. Tulala akong nakatingin lang sa kaniya.

"Hoy!" Pag tawag niya ulit sa pansin ko kaya napakurap kurap ako at biglang tumawa ng malakas.

"Bakit ka natawa?" Nakakunot noong tanong niya pero tawa pa rin ako ng tawa.

"Tumigil ka nga!" Urat niyang sabi.

"Sorry. Ikaw kasi ang galling mag joke." Sabi ko at pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko.

"Sinong may sabing nag bibiru ako?" Seryosong tanong niya kaya gulat akong napatingin sa kaniya.

"Ewan ko sayo! Humanap ka ng ibang pagt-tripan mo." Sabi ko at nagsimula ng umalis doon.

"Totoo yun! Kahit hindi ka pumayag manliligaw pa rin ako!" Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko at paglakas ng kabog ng dibdib ko. Umalis na lang ako at hindi na siya pinansin pa.

Totoo nga siya sa sinabi niya na hindi niya ko titigilan at hito nasa gilid ko na naman ang makulit na 'to. Ramdam ko rin ang talim ng tingin sakin ng mga babae.

"Hoy. Nakikinig ka ba?" Napatingin naman ako sa kaniya ng nagtataka.

"Nandyan ka pala?" Balewala kong tanong sa kaniya at nagpatuloy lang sa paglalakad

"Sabi ko ikaw ang magiging date ko sa Christmas party at wala ka ng magagawa dun. Bye!" At tuluyan na siyang umalis bago pa ko makapag react.

Ibang klase talaga sa kapal ng mukha ang lalaki na yun. Naglakad ulit ako at may sumabay sakin at Makita kong si Margaret ito.

"Lumayo ka kay Kallix, kung gusto mo ng matahimik na buhay." Banta niya sakin.

Huminto naman ako sa pag lalakad at hinarap siya. Huminto rin naman siya sa paglalakad

"Sa kaniya mo sabihin yan at hindi sakin. Guluhin mo man ulit buhay ko wala na kong pake. Matagal ng magulo ang buhay ko." Gulat naman siya ng iwan ko. Hindi siguro inaasahan na sasagutin ko siya. Pwes iba na ang panahon ngayon. Di lang ako dapat dumepende sa mga nag tatanggol sakin kailangan ko ring ipagtanggol sarili ko.

Pumunta na lang ako sa library para mag relieve g stress dahil sa nangyayari sa paligid ko. Sana wala ng asungot na susulpot dahil nananakit na ang ulo ko. Pumili ako ng pwesto sa dulo at doon umupo sa couch para makapag basa ng matiwasay. Dahil gulong-gulo na ko. Kahit ang wonderful family iba ang kinikilos.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now