C H A P T E R 29

862 51 0
                                    

Chapter 29

Huling araw na ng foundation week at mag-isa lang akong nag-iikot. Wala sila Gail at Lian dahil may pinuntahan ang mga parents nilang party at kasama sila doon.

Habang naikot ang paningin ko ay may biglang nag takip nito. Hinawakan ko naman ang kamay nito at malaki ito. Lalaki sabi ko sa isipan ko.

"Sino ka?" Tanong ko pero hindi siya nag salita.

"Sino ka? Pag di ka sumagot aapakan kita." Matapang kong sabi dahil nasa likod ko lamang siya.

"Ang amazona mo talaga." Rinig kong sabi niya at tinanggal ang kamay. Boses pa lang alam ko na kung sino ito.

"Ano na naman kailangan mong impakto ka?" Mataray kong sabi at tinaasan siya ng kilay.

"Ang taray mo naman. Pwede ba? Kahit isang araw lang 'wag ka munang mag taray?" Sabi niya at may ngiti sa labi.

"Oh, eh ano nga ang kailangan mo?" Sabi ko at medyo nilambutan ang ekspresyon ko at mukha naman siyang natuwa.

"Because this is the last day of foundation week, I want you to spend it to me. And yes, I am commanding you."Sabi niya at hinila na ko.

"Teka, sino ka para utus-utusan ako?" Sabi ko at pilit hinihila ang kamay ko na hindi ko magawa kasi ang higpit ng hawak niya.

"This is the exchange of being late for yesterday's game." Sabi niya at dinala ako sa picture booth. Nag bayad siya at pumasok na kami. Ito yung picture booth na kusang mag ki-click at lalabas agad ang pictures na kinuha niyo.

"Mamaya ka na makipag talo. Pose ka muna." Una ay sarcastic na ngiti ang pinakita ko, sunod wacky at sunod naman ay nilagay ko ang dalawang daliri ko sa likod ng ulo niya na parang sungay.

Pag labas namin ay hinintay muna namin ang picture at paglabas nito ay tawa ng tawa 'tong isang 'to kaya pinagtitinginan na kami.

"Napakasaya na po natin ano? Baka pwede umalis na tayo dito?" Sarkastiko kong sabi.

"Sorry, can't just help it. Ang pangit mo rito. Tignan mo." At hinarap niya sakin ang picture ko na naka wacky. Kukunin ko na sana kaso bigla niyang nilayo.

"I'll keep it. Para kung sakaling bad trip ako ito titugnan ko." Nginitian ko naman siya ng sarcastic.

"Ito ang sayo." At inabot niya sakin ang picture namin na yung daliri ko ay mukhang sungay tapos nakatingin ako sa camera siya naman sakin. Medyo namula naman ako.

"You're blushing." Puna niya kaya tinignan ko siya.

"Utot mo, mainit lang kaya namumula ako." Kontra ko sa sinabi niya.

"Feeling mo mestiza ka?" Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natawa siya.

"Halika ka na, let's enjoy the day. Mamaya maging amazon ka na naman." Sabi niya at hinila niya ko sa booth ng pagkain.

Iyon lang ang ginawa namin. Kumain, nag-Ikot at nag laro sa mga booth games. Nanalo pa siya sa game na barilan at binigay sakin ang teddy bear.

"Oh, bakit sakin? Bigay mo 'to sa girlfriend mo." Sabi ko at nilahad pabalik sa kaniya ang teddy bear.

"Hawak na niya." Nakangisi niyang sabi. Medyo di ko na gets at nung nag process na ay hinampas ko sa kaniya ang teddy bear. Ang impakto tawa naman ng tawa.

"Ewan ko sayo! Bahala ka na nga diyan, uuwi na ko." Hinawakan ko ng mahigpit ang teddy bear at nag lakad na palayo.

"Thank you for today! I had fun!" Rinig kong sigaw niya kaya pinag tinginan siya kaya nag madali ako at lumabas na ng school para umuwi. Saglit akong lumingon sa pinanggalingan ko at ngumiti.

Me too, I had fun. Thank you, Kallix.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora