C H A P T E R 20

952 54 0
                                    

Chapter 20

Pag pasok ng bahay ay nakita ko agad si Aling Belen na gulat nang makita ako.

"Abigail?! Bakit basang-basa ka?!" Sabi ni Aling Belen at lumapit sa'kin pag tapos ay piningot ako.

"Aray! Manang, di ko naman kasalanan eh. Sila sir Aidam sisihin niyo kahit tanong niyo pa po sina sir Aion at ma'am Airene." Nakahawak sa kamay niyang sabi ko at ngumuso.

"Naku kang bata ka, pinag diligence lang kita sa hardin. Hala, mag palit ka na at baka magkasakit ka. Jusko, aatakihin ata kayo." Bigla ko namang hinawakan ang braso niya.

"Chill ka lang, manang. Ito judge mag chillax ka muna." Biro ko at binigyan siya ng judge. Sinamaan naman niya ko ng tingin kaya wala na kong nagawa kundi sumimangot.

"Manang, ayos lang. 'Wag mo na pagalitan si Abigail." Napatingin kami sa nagsalita at nakitang si ma'am Airene 'yon at nakangiti. Nasa likod din niya ang anim na lalaki na agad kong sinamaan ng tingin.

"'Yan manang oh, sila may kasalanan. Pingutin niyo rin dapat sila." Nakanguso kong sabi at natawa naman sila.

"Mag tigil ka, mag bihis ka na dahil lamigin ka mamaya magkasakit ka pa." Sinamaan ko ng tingin ang anim na dinilaan lang ako.

"Mga salbahe! Hmp!" Sabi ko at tumalikod na, rinig ko pa ang tawanan nila do'n.

Mga walang magawa sa buhay, ako tuloy napagalitan. Ang sakit tuloy ng tainga ko. May araw din kayong anim sa'kin. Matitikman niyo ang batas ng isang api.

Dumiretso na ko sa kwarto at naligo, pagtapos ay agad akong nagbihis dahil baka lamigin na ko at sipunin pa.

Pag labas ko ay nakita ko sa sala ang anim at bihis na sila. Nanonood na naman sila ng basketball as usual, mukhang tutok na tutok sila at 'di nila ko napansing lumapit sa pinag papatungan ng remote sa gilid. Pasimple ko itong kinuha at nagtago, nakita naman ako nila ma'am Airene at sinenyasan sila na 'wag maingay. Natatawang nailing lamang sila.

Nilipat ko ang channel sa isang action at narinig ko ang reklamo nila.

"What the hell?! Aishton ba't mo nilipat?" Reklamo ni sir Aiji.

"What?! Wala nga sa'kin 'yong remote ako pa sisisihin mo?" Inis naman na sabi ni sir Aishton. Naghanap naman sila agad ng naghanap.

Nilipat ko naman ang channel sa Disney channel at saktong opening song na nung Sofia The First. Napatigil naman sila at biglang kumanta. 'Di ko tuloy mapigilan ang pagtawa.

"I'm finding out what being royal's all about!" Kanta ni sir Aidram.

"Making my way it's an adventure everyday." Sunod na kanta ni sir Aidrian.

"It's gonna be—" Napatigil naman sila bigla at napatingin sa'kin na halos mawalan na ng hininga sa kakatawa.

"Awit! Ang galing niyo, pwede na kayong bumuo ng banda tapos ang name "The Princess' band" ang epic!" Sabi ko habang natawa napansin kong lalapit sila sakin kaya tumakbo ako ng tumakbo.

"What the! Give us the remote Abigail! May pustahan kami!" Rinig kong sabi ni sir Aidam.

"Catch me!" Sabi ko at hindi huminto.

The moment earlier and this will be forever treasured by meinside my heart and memory. I will never forget this dahil ngayon na lang ulit ako nakatawa ng ganito after how many years. I feel so alive. Thanks to this family.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now