C H A P T E R 24

899 46 0
                                    

Chapter 24

Pag tapos niya kong ngisihan ay dumiretso siya sa counter para bumili. Sakto namang dumating na si Lian at dala ang mga pagkain namin kaya nawala ang atensyon ko sa mga impakto.

"So, nasaan 'yong chocolates ko?" Masigla kong tanong. Napailing naman ang dalawa ay may nilabas sa bag nila. Nag ningning agad ang mga mata ko.

"Yay! Da best talaga kayo." Sabi ko at nilagay na sa bag ang mga chocolates na bigay nila at nag-umpisa na kumain.

Habang nakain ay kwentuhan lang kami, lalo na sila Lian at Gail na kwinento ang experience nila sa Hawaii. Mostly, puro gwapo ang pinag kukwento nila sa'kin kaya medyo nasuya ako. Pero napatigil kami sa pag-uusap ng biglang may bumuhos na spaghetti sakin at sinabayan ng malamig na ice tea. Napatahimik naman ang lahat.

"WHAT THE HELL?!" Boses ni Gail at Lian ang umalingawngaw sa buong cafeteria.

"Masarap ba, nerd?" Nakangising sabi ni Kallix. Inalis ko ang salamin ko at nilinis ang mukha ko. Nakarinig naman kami ng yabag ng mga tumatakbo at nakita ko na lang na natumba si Kallix sa sahig.

"What the heck are you doing?" Sigaw ni kuya Aidam na siyang sumapak kay Kallix. Pinunasan naman ni Kallix ang gilid ng labi na dumugo. Hindi ko na masyadong natanaw ang mukha niya dahil humarang sina kuya Aiji, Aishton at Aion. Lumapit naman sa'kin si kuya Aidrian at Aidram.

"Are you okay, Abi?" Nag-aalala pero may inis sa boses ni kuya Aidrian. Tumango lang naman ako.

"Here. Wipe your face clean." Sabi ni kuya Aidram at tinanggal ang mga pasta na natira sa ulo ko.

Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mukha ko medyo paluha na ko pero pinipigilan ko lang. Hays sabi na lahat ng kasiyahan may kaakibat na kalungkutan.

"Why did you do that to her?" Rinig ko ang galit sa boses ni kuya Aishton.

"Trip ko lang. Bakit?" Cool na sabi ni Kallix. Sumagot pa talaga ang impakto.

"What if we destroy your face and make fun of it?" Malamig na sabi ni kuya Aiji. Nanalamig naman ako doon. Hindi ko muna sila pinansin at binalingan ang dalawa sa harapan ko.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko at pinunsan ang uniform ko.

"We just want to pay a visit and ito agad ang aabutan namin? Lagi ba 'tong nangyayari?" Tanong ni kuya Aidrian.

"Hinid po, ngayon lang po nangyari 'to." Siguradong sagot ko.

"Anong ngayon-" Nabitin sa ere ang sasabihin ni Gail nang tignan ko siya at inilingan. Napasimangaot naman siya dahil doon. Tahimik lang din si Lian.

Tumayo na ko at pumagitna kanila kuya at tinignan sila nang naka ngiti.

"Kuya, tama na. Ayos lang naman ako. Hayaan na natin." Nakangiti kong sabi.

"Anong ayos? Tignan mo nga 'yang itsura mo." Napanguso naman ako dahil sa sinabi ni kuya Aishton.

"Okay nga lang po. Magpapalit na lang po ako, may extra naman po ako sa locker ko eh. Alis na po tayo dito?" Nakangiti kong aya kaya napa buntong hininga na lang sila at tinignan sina Kallix.

"'Wag mo na sana ulitin. Ang swerte mo ngayong araw pero pag nalaman namin na ginawa mo ulit 'to. 'Di lang sapak ang aabutin mo. Consider this day as your lucky day." Banta ni kuya Adam. Hinila niya ko at sumunod naman ang iba sa amin. Hindi na pinansin ang mga bulungan.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now