C H A P T E R 40

861 43 1
                                    

Chapter 40

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nasa paligid ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ang taong hindi ko na gusto pang makita.

"Hey, how are you? What do you feel?" Sunod-sunod na tanong ni Kallix sakin habang hawak ang kamay ko.

Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nagtagumpay naman ako. Hindi ko siya binalingan ng tingin at tinignan ang paligid ko. Nandito ang wonderful family at ang tingin ay puno ng pag-aalala kahit sila Gail at Lian.

"Nasaan ako?" Tanong ko at pinilit na umupo. Inalalayan naman ako ni Kallix pero hindi ko siya pinansin.

"You're at the hospital, hija. How are you?" Alalang sabi ni ma'am Aireen sakin. Tinignan ko lang siya saglit taposay tinuon ang tingin kay manang.

"Ayos lang po." Maikli kong sabi. At binalingan si manang ng pansin. "Manang, pahingi pong tubig." Agad naman kumuha ng tubig si Manang pero ang nag abot ay si Kallix. Tinignan ko lamang ito.

"Ikaw ba pinakiusapan ko?" Malamig na sabi ko at kita ko naman ang gulat sa mata niya. Kinuha naman ni manang ang baso at siya ang umalalay sakin para ako ay makainom. Hinaplos namna niya ang buhok ko.

"Kumusta pakiramdam mo, anak?" Tanong ni manang at nilapag ang baso sa side table ng hospital bed.

"Ayos na po ko, nandito ka naman po eh." Sabi ko at malambing na niyakap siya. Natawa nman ng bahagya si manang.

"Bakit hindi ka nag-iingat? Diba bawal sayo ang mapagod?" Sabi niya na parang kami lang ang tao sa kwarto.

"Ang saya po kasi dun sa party eh. Teka, nasaan po si Nic?" Tanong ko at nilibot ang tingin pero hindi ko siya nakita.

"Kakaalis lang dahil hinahanap na raw siya sa kanila." Sabi ni manang.

"Sayang hindi ako nakapag pasalamat. Kailan daw po ko pwedeng umuwi?" Sabi ko at tinignan si manang habang nakayakap sa kaniya.

"Bukas daw sabi ng doctor, kailangan mo pa ng pahinga." Tumango naman ako.

"Manang, gusto ko na po matulog ulit." Lambing ko. Tumango naman siya.

Tinignan ko ang mga tao sa paligid ko at mukha silang malungkot. Kung malungkot kayo mas malungkot ako. Dahil noong dumating si Aislinn nag bago na lahat. Sa kaniya naman dapat ang atensyon niyo hindi sakin.

Iniwas ko na ang tingin ko sa mga tong nagdudulot ng kirot sa puso ko. Dahil baka maiyak na rin ako pag hindi ko pa iniwas ang tingin ko.

Hinalikan ni manang ng noo ko kaya nginitian ko siya.

"Good night, manang." Tumango lamang si manang ng may ngiti sa labi kaya nakatulog na rin agad ako. Kailangna ko ng pahinga sa sakit na aking nadarama.

Aireen's POV

Hindi ko maiwasang hindi maluha dahil ramdam ko ang pag alyo ng loob samin ni Abigail. Dinaluhan naman aad ako ng asawa ko.

"Bakit ganito? Diba dapat masaya na tayo dahil kasama na natin si Aislinn? Bakit parang may kulang pa rin?" Sabi ko at napahagulgol kaya niyakap ako ng asawa ko.

"Just give it time and space. We'll figure out everything soon, okay? Calm down." Paga-alo sakin ni Ainon.

Pinagmasdan namin si Abigail na mahimbing na natutulog habang hawak ang kamay ni Manang.

Ramdam ko rin ang lungkot sa mga binata ko, I hope everything will be okay.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt