C H A P T E R 13

1K 60 1
                                    

Chapter 13

"No, please tama na po." Iyak ng batang babae.

"Pwes, manahimik ka! Gusto mo pang nasasaktan ka eh." Galit na sabi ng isang may katandaang lalaki. Natakot naman ang batang babae.

Iyak lang ng iyak ang isang batang babae na katatapos lang paluin ng sinturon. Siya 'yong bata sa panaginip ko! Ito ba ang kumuha sa kaniya sa park? Gusto kong lapitan ang bata pero hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

Mag-isa ang batang babae rito sa isang malamig at walang kalaman-laman na lugar. Paano nila naaatim na gawin to? Sa isang batang wala pang muwang. Mga hayop. Ni walang kamang pwedeng tulugan, paano kung magkasakit ang bata?

Iyak lang ng iyak ang bata hanggang sa bumukas ang pinto at nagkaroon ng konting liwanag. May pumasok na isang matandang babae.

"Kumain ka na hija." Sabi ng isang malumanay na boses. Parang kilala ko ang boses na yun ha?

"Ate, pakiusap po tulungan niyo po kong makalabas. Ayoko na po rito." Iyak na pakiusap ng batang babae. Tahimik lamang ang matanda habang nilalapag ang pagkain na dala niya.

"Ate sige na naman po parang awa niyo na po, pagod na pagod na po ako." Humihikbi na ang batang babae. Kaya natigilan ang matanda, hindi ko makita ang mukha ng matanda dahil madilim.

"Mamayang gabi, itatakas kita. 'Wag ka ng maingay." Malumanay na sabi ng matanda at hinaplos ang mukha ng bata.

"Maraming salamat po." Niyakap at pa ulit-ulit na nagpa salamat ang bata sa matandang babae. Kilala ko talaga ang boses na 'yon eh. 'Yon lang at unti-unti na ulit ako hinila ng dilim at naramdaman kong may yumuyugyog sakin.

Agad naman akong nagmulat ng mata at unang bumungad ang anim na lalaki at tumama ang mata ko kay sir Aidam.

"Are you okay? You're having a nightmare." Mababang boses na sabi niya. Tumango naman ako at nag-iwas ng tingin. Hinanap ng mata ko sila Gail at Lian.

"Looking for them?" Tanong ni sir Ainon. Tumango lang ulit ako.

"Umuwi lang sila para kumuha ng mga gamit." Sabi ni sir Aishton.

"Hanggang kailan pa daw ho ako dito? Kailangan ko na pong pumasok." Sabi ko at umupo.

"Ayos lang 'yon. Kami na ang bahala, Gail and Lian will hand you their notes." Sabi ni sir Ainon ng nakangiti.

"Baka po may mga pasok kayo, ayos lang po ako dito." Sabi ko at ngumiti ng konti.

Ganun ba kalala ang naging allergy? Aish! Nakakafrustrate naman 'to. Ayoko ng hospital.

"Okay lang, kami na muna magbabantay sayo." Nakangiting sabi ni sir Aidrian.

Bakit ang bait nila sakin? Kala ko ba mga cold-hearted 'tong mga 'to? Bakit sila ngumingiti. Pero bagay sa kanila ang ngumiti ah, ang gwapo nilang lahat. Sana lang madalas na silang ngumiti. Kita naman sa mga mata nila na masaya talaga sila eh. Nawala yung lungkot, lamig at pangungulila sa mga mata nila.

No choice, I have to spend my day with them. Humiga na lang ako at nagmuni-muni ulit at nakatulog. This time wala ng madilim na lugar at kung ano man.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin