C H A P T E R 2

1.6K 67 0
                                    

Chapter 2

Uwian na at dumiretso ako sa karenderya, maraming tao dahil tanghali na. Yep, half day lang pasok namin since kakasimula lang ng klase. Kaya pag may pasok ay sa gabi ako natulong kasi bukas din naman 'to pag gabi.

Ako ang taga kuha ng bayad at taga sukli, minsan taga sandok at si Aling Belen ang nag seserve.

"Abigail, maghugas ka muna saglit. Wala na tayong plato, magdali ka." Agad naman akong sumunod at mabilis na hinugasan ang lahat ng plato. Hugas dito, hugas doon. Banlaw dito, banlaw doon. Punas dito, punas doon at tapos na!

Nilabas ko na lahat ng plato na pwede na ulit gamitin at kinuha ang mga madumi at nilagay sa lababo. Buti maganda ang pwesto na nakuha namin. Dagsain ng tao kaya ubos lagi ang tinda namin.

Pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na araw ay nakapagpahinga din kami. Ubos na naman ang tinda.

"Abigail, pwede pakihilot ng likod ko? Sakit eh." Pakiusap ni Aling Belen.

"Okay po. Magtitinda pa po ba tayo mamayang gabi?" Agad naman akong pumunta sa likod at hinilot na ito.

"Ayan dyan. Diinan mo pa. Hindi na siguro, malaki naman ang kita dahil ubos lahat ng paninda." Sabi ni Aling Belen sakin.

"Okay na yan. Salamat." Pinisil ni Aling Belen kamay ko.

"Wala po yun. Magpahinga ka na po, ako na po bahala rito." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Sigurado ka?" Alangan niyang tanong at tiningnan ako.

"Opo." Nakangiti pa ring sabi ko.

"O siya sige. Salamat. Maglilista na lang din ako ng bibilhin bukas." Ngumiti siya at umakyat na sa taas ako naman ay hinugasan ang mga ginamit kanina, nakakapagod pero sanay naman na 'ko sa ganito.

Ito lang pinagkakakitaan namin para may pang bayad sa kuryente, tubig at pagkain pati sa pag-aaral ko. Kaya pinagbubuti ko ang pag-aaral ko para makaahon kami at matira ko sa mansyon si Aling Belen. Pambawi ko sa lahat ng kaniyang ginawa para sakin dahil kahit hindi niya 'ko kaano-ano ay inalagaan niya 'ko.

Pagkatapos gawin ang dapat gawin, pinatay ko na ang ilaw at nilock ang mga pintuan at bintana bago umakyat sa taas. Dumiretso ako sa banyo at nag linis na ng katawan, gusto ko na lang humilata ngayon.

Pagtapos magbihis ay dumiretso ako sa kama at padapang humiga. This is heaven tumihaya ako at tumitig sa kisame. Hanggang sa bumigat na ang talukap ng mata ko at nakatulog na nga.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now