C H A P T E R 5

1.2K 57 0
                                    

Chapter 5

Bata. 'Yan ang una kong nakita. May nakapalibot sa kaniya, puro lalaki pero malalabo ang mga mukha. Masaya sila na parang wala ng bukas. Bakit ko 'to napapanaginipan? Ramdam ko ang saya nila habang nakatingin sa batang babae na masayang tumatawa.

Kahit mukha ng batang babae malabo, naririnig ko tawa ng bata at ng mga batang lalaki. Bakit nakakaramdam din ako ng kasiyahan? Bakit parang gusto ko silang puntahan at yakapin? Bakit parang nakauwi na 'ko? 'Di ko mapigilang mapaluha hindi ko rin alam kung bakit

"Kuya ayoko na." Rinig kong sabi ng batang babae at tumawa ulit.

"Ano lalabas ka pa ulit nang hindi nagpapaalam?" Tanong ng isang batang lalaki habang kinikiliti ang batang babae.

"Hindi na po. Sorry na kuys, stop na po." Hingal na sabi ng batang babae kaya tumigil na ang mga batang lalaki sa kakakiliti.

"Very good. Let's go home? Mom and Dad is waiting." Aya ng isa pang batang lalaki. Masaya namang tumango ang batang babae at hinawakan ang kamay ng tingin ko ay pinakamatanda.

"Okaaay." At siya ang nasa gitna ng mga lalaki. Total of 6 siguro ang mga lalaki, ang dami sheet.

Naiba naman ang scene, mag-isa lang ang batang babae habang naglalaro sa park. May mga bodyguard sa paligid at may isang yaya sa isang upuan at nagce-cellphone. Biglang umalis ang batang babae at walang nakapansin sa kaniya, napunta siya sa isang lugar na may kadiliman, sinundan kasi ng bata ang isang kuneho. Hindi alam ng batang babae na may lalaki sa likod niya. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Gusto kong tigilan ang lalaki pero walang salitang namutawi sa bibig ko. Hindi rin ako makaalis sa pwesto ko kahit anong pilot ko para pigilan ang lalaki at iligtas ang batang babae. Shit!

Tinakip ng lalaki ang isang panyo sa ilong ng batang babae at nawalan na ng malay. Biglang dumilim ang lahat at napabangon agad ako. Hingal at pawisan ako. Napahawak ako sa ulo ko at pumikit. Ang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa oras at 4:30 AM na, bumangon na ko at naghanda para sa pagpasok.

Pagbaba ko ay naghahain na si Aling Belen. Nakita naman niya ko agad.

"Salamat naman at hindi na kita gigisingin. Hala, maupo ka na kumain baka ika'y mahuli ka sa klase." Tumango lang ako at tahimik na kumain. Habang nakain ay iniisip ko ang panaginip ko.

Ano kaya ang nangyari sa bata na 'yon? Bakit ko rin napanaginipan 'yon?

"Abigail, natulala ka riyan?" Nabalik ako sa realidad dahil kay Aling Belen.

Tumayo ako nang hindi sinasagot si Aling Belen at kinuha na ang bag ko. Hinalikan ko sa pisngi si Aling Belen.

"Alis na ho ako." Sabi ko at diretso na umalis at naglakad na. Alam kong nagtataka siya sa pagiging tahimik ko bigla sasabihin ko na lang siguro sa kaniya mamaya.

Sana walang mang-inis sa'kin ngayon o mang-bully. Baka mapatulan ko talaga eh, wala pa naman ako sa mood.

Pagpasok ko ay diretso room ako agad. Buti walang tumapon o nahulog nung binuksan ko ang pinto. Agad akong umupo at tumungo sa upuan ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ko, medyo maaga pa kasi.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now