C H A P T E R 33

879 56 0
                                    

Chapter 33

After a few days

Ito na ang araw na ayaw ng lahat ng estudyante. Ang exam week o ang tinatawag na hell week. Ilang araw din akong puyat dahil sa pag-aaral. Naglalakad na ko sa hallway papasok dahil malapit na mag start ang exam. Medyo late na rin kasi ako nagising kasi nireview ko ulit lahat g ie-exam naming for 2 days.

Pag pasok ko sa room ay agad akong umupo sa tabi nila Gail at Lian. Binati naman nila ako agad.

"Good morning, Abi. Muntik ka na malate ah?" Puna ni Gail.

"Oo nga." Segunda ni Lian.

"Late na kasi ako nagising, napuyat kagabi kasi nag re-read ako ng mga notes. Baka kasi may makaligtaan ako eh." Sabi ko at nilabas na ang mga ballpen na kailangan lang sa pagsagot ng exam.

"Edi ikaw na ang masipag, ako nga tinulugan ko na lang mga notes ko kagabi. Pakopya ah?" Kinurot ko naman si Gail sa sinabi niya. Kaya napaigik siya sa sakit. "Aray. Ang brutal mo talaga." Nakangusong sabi niya.

"Manahimik ka nga, puro ka kasi IG at Tiktok. Mag basa ka na habang wala pa si ma'am." Sabi ko napasimangot naman siya at natawa si Lian.

"Sundin mo na, Gail. Kung ayaw mong di mapansin ng one week." Kilala talaga nila ko.

Ganiyan ang nangyari last time noong mag exam kami. Hindi sila nag-aral at inuna ang shopping ang ending ang baba ng scores nila. Kaya di ko sila pinansin ng halos isang linggo. Ayaw ko kasi na may isang nababa samin. Grade conscious na kung grade conscious pero gusto ko sabay-sabay kami ga-graduate.

"Oo na." Nakasimangot na sabi ni Gail at nilabas ang kaniyang notes. Ganun din ang ginawa namin ni Lian para sipagin si Gail. Tahimik kaming tatlo habang nagre-review at hindi pansin ang nasa paligid namin. Buti na lang hindi nang gugulo ang asungot at mukhang nag-aaral din.

Paano ko nalaman? Sinilip ko siya saglit at kita ko ang kunot niyang noo. Inalis ko na ang tingin sa kaniya bago pa niya ko mahuli.

Ilang minute pa ang lumipas ay dumating na ang prof namin.

"Okay class. I don't want to any anything at the top of your desk except your ballpen." Sabi niya at nilapag ang mga test paper sa mesa niya. One seat apart lahat ng upuan namin.

Bago kami mag simula ay nagkaroon muna ng inspection samin para walang makapag cheat o kung ano mang way na makakapag cheat. Nang matapos ay nagsimula na ang test.

A few hours after

Nag-unat unat na ko dahil tapos na ko. Agad naman akong tumayo at nakasabayan ko si Kallix. Mabilis akong pumunta sa harap at binigay agad kay Miss ang test paper ko at agad na bumalik sa pwesto ko.

"Gail, Lian."Agaw ko sa kanilang pansin ng pabulong. Tumingin naman sila sakin.

"Hintayin ko na lang kayo sa labas ah? Same spot sa garden." Sabi ko at tumango lang sila at agad na bumalik sa pag sasagot.

Kinuha ko naman ang gamit ko at agad na lumabas ng room. Ito ang maganda sa school na ito pag tapos ka na sa test at napasa mo na pwede ka na lumabas at pumunta sa gusto mong lugar pero sa campus pa rin. May isang subject pa ko para mamaya.

Ramdam kong may nakasunod sakin kaya naman mas binilisan ko pa ang lakad pero may biglang umakbay sakin. Kilala ko ang amoy na ito. Agad namang kumabog nang mabilis ang dibdib ko kaya tumingala ako.

"Saan ka pupunta, nerd? Sama ako." Nakangiti niyang sabi kaya napa iwas agad ako ng tingin.

"Wala ka bang ibang pupuntahan? Punta ka sa mga babae mo." Sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niyang naka akbay sakin pero mas hinigpitan niya ang akbay.

"Ikaw lang naman babae ko." Sabi niya. Naramdaman ko naming nag-init ang pisngi ko kaya agad akong tumakbo papunta sa garde. Rinig ko ang pag tawag niya sakin pero di ko pinansin. Nakaratng ako sa tambayan namin nila Gail at hinihingal kaya napa upo ako.

"Ang bilis mo naming tumakbo." Sabi ni Kallix na nakahabol pala sakin.

"Ba't ba ako ang kinukulit mo?" Sabi ko at nilapag ang bag ko sa gilid at nilabas ang notebook na re-review-hin ko para sa test mamaya.

"Wala lang." Hidi ko na siya pinansin at tinignan na lang ang notes ko. Pero ang siraulo umupo sa hita ko.

"Hoy! Tumayo ka nga! Mamaya may makakita." Pero hindi siya nakinig at pinikit lang ang mata. Kaya nabigyan ako ng tyansa na titgan siya. Ang guwapo niya talaga.

"Guwapo ba?" Nakangisi niyang sabi.

"Ewan ko sayo." Hinayaan ko na lang siya at nag basa na ulit.

A/N: Sana patuloy niyo po kong suportahan sa story ko na ito. Please do leave a comment and vote and recommend this to your friends. Maraming maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa, sana hindi kayo magsawa. Maraming salamat ulit!

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now