C H A P T E R 25

891 55 0
                                    

Chapter 25

Pag tapos ko magbihis ulit ng bagong damit ay lumabas na ko at nandun lang silang walo sa labas. Nung nakita nila ko ay tumayo na sila ng tuwid. Agad naman silang lumapit sa akin kaya nginitian ko sila.

"Are you sure Abi that it is the first that it happen. What about the last we were also here? The blood thingy?" Tanong ni kuya Adam.

"Yes po, kuya. At 'yong about do'n accident lang po nilang nabuhos kasi may cooking session ang mga cookery club since malapit na raw po ang foundation week. Kaya naghahanda na po sila."

"Ang galing talaga magpalusot." Rinig kong bulong ni Gail buti kami lang ni Lian nakarinig. Kinurot ko naman siya sa tagiliran kaya napairit niya ng mahina.

"Okay, so, we will get going now because we have some things to do." Sabi ni kuya Adam kaya ngumiti naman agad ako ng malawak.

"Okay po!" Masigla kong sabi kaya napangiti ang anim doon.

"Call us if anything happen again, okay? Keep us in touch." Paalala ni kuya Aiji. Tumango naman agad ako.

"Resassured guys. Everything is under control. We will contact you if anything bad happen." Paninigurado ni Lian kaya tumango naman ang anim.

"And for you young miss, don't get yourself into troubles, okay?" Npanguso naman ako sa turan ni kuya Ainon.

"Grabe naman 'yong troubles, kuya. with 's' talaga ah? Anong kala mo sa'kin basagulera?" Nakangusong reklamo ko. Napangisi naman ang huli.

"Parang ganun nga nga."Pang-aasar niya pa. Sininghalan ko naman agad siya.

"Ang salbahe mo talaga. Umalis na nga kayo. Hmp!" Asik ko at tinawanan lang ako. Mga siraulo talaga eh.

"Sige na. Go to your class. Study well, girls!' Paalam ni kuya Aidram at kumaway sa'min. Ganun din ang ginawa ng iba kaya at tumalikod na sila. Hinatid lang naming sila ng tingin at nung wala na sila sa paningin naming ay sabay-sabay kaming nakahinga ng maluwag.

"Why didn't you tell them the truth?" Baling sa'kin ni Lian. Tumango naman si Gail.

"Ayoko na kasing lumaki ang gulo. Hayaan na lang natin. Matitigil din naman lahat ng ito eh. Tara na baka malate pa tayo." Aya ko sa kanila at hinila na sila papunta sa room.

Pag dating naming sa tapat ng room ay maingay pa ang loob. Wala pa siguro ang professor, ayos hindi pa kami late. Pag pasok naming ay natuon lahat ng atensyon sa amin kaya natahimik ang lahat. Nakita ko rin si Impakto at nagtama ang tingin naming kaya inirapan ko siya at hinila na sila Gail at Lian sa upuan namin.

Naramdaman ko naming may dumukwang sa likod ko at bumulong sa'kin.

"We are just getting started, nerd." Bulong ni Impakto kaya kinilabutan agad ako.

Feel ko talaga hindi magiging masaya ang school year na 'to. Ang dami na agad nangyari three months pa lang may 7 months pa kaming gugugulin. Tulala lang ako hanggang sa dumating ang prof ay nakatulala pa rin ako.

Hanggang sa nag umpisa na ang discussion ay parang lumilipad lang ang utak ko sa kung saan. Lordie, ikaw na pong bahala sa'kin.

A/N: Thank you for 5k reads guys! I really appreciate it. I hope y'all can keep supporting me 'til the end. Please keep on voting, commenting and sharing this story. Sorry for typos and grammatical errors.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt