C H A P T E R 19

958 55 6
                                    

Chapter 19

Maaga pa ay bumangon na 'ko, Sabado pala ngayon pero wala naman na kong gagawin dahil tapos ko na lahat ng assignments ko kagabi. Medyo gumaan din ang pakiramdam ko dahil may napagsabihan ako ng problema ko. Pumunta ako ng kusina at nakita si Ate Cristina na naghahain.

"Oh, Abigail, gising ka na pala. Halika kain tayo, mamaya pa naman ang gising nila ma'am at sir dahil weekend ngayon." Pansin sa'kin ni Ate Cristina.

"Wala po ba silang pasok pag weekend?" Tanong ko at umupo sa pinaka malapit na upuan sa'kin.

"Naku wala, family day nila ng weekends kaya dapat clear ang schedule nila kapag sumapit ang weekends." Sabi ni Ate Cristina at napatango naman ako.

Sana may ganun din ako 'no? 'Di ko mapigilan makaramdam ng lungkot at inggit. Pero winaksi ko agad 'yon. Weekends it means free day ko from bullying, napatawa naman ako sa naisip ko.

"Nasaan po si Aling Belen, ate?" Tanong ko habang kumakain na.

"Ay nandun sa garden at nagdidilig ng mga halaman. Puntahan mo na lang pagtapos mo at pakain mo na rin dito." Bilin naman ni Ate Tina. Ang haba kasi ng Cristina.

Kaya nag madali akong tapusin ang pagkain ko at inilagay iyon sa lababo.

"Ate, tatawagin ko na po si Aling Belen." Paalam ko at tumango naman siya. Kaya umalis na ko para pumunta ng garden at nakita ko naman agad si Aling Belen.

Grabe ang ganda ng garden ang daming bulaklak at amoy ang mabangong halimuyak nun, natuwa naman ako sa mga nakikita ko. Ang refreshing!

"Aling Belen, ako na po muna dyan kain po muna kayo sa loob. Nagluto po si Ate Tina." Pukaw ko kay Aling Belen. Tinignan naman niya 'ko.

"Sige, ikaw munang bahala rito. Siguraduhin mong madidiligan lahat ah?" Paalala ni Aling Belen sa akin.

"Oo naman po, ang ganda ng mga bulaklak dito Aling Belen!" Masiglang sabi ko.

"Naku, ikaw na bata ka. 'Di pa rin nagbabago ang hilig mo sa bulaklak." Naka ngiting sabi ni Aling Belen.

"Syempre po, kasi katulad ako ng mga bulaklak, maganda." Biro ko. Natawa naman si Aling Belen.

"Sige na, ikaw talagang bata ka mapag biro pa rin. Kakain na ko sa loob. 'Yong bilin ko ah?" Sabi pa niya.

"Opo!" Sabi ko at kinuha ang hose. Tumango naman si Aling Belen at pumasok na siya sa loob.

Tinignan ko naman ang mga bulaklak at napangiti, grabe ang gaganda niyo parang ako!

"Alam niyo, dapat mag palago pa kayo. Hayaan niyo ako ang mag-aalaga sa inyo." Sabi ko sa mga bulaklak habang dinidiligan.

"Ba't mo kinakausap 'yong mga bulaklak?" Sabi ng isang malalim na boses sa likod ko kaya napaharap ako.

Dahil hindi pa patay ang hose ay nabasa ko kung sino iyon. Hala sila sir Aidrian!

"Hala! Sorry po!" At iniwas sa kaniya ang hose pero nabasa nun ang tatlong nasa gilid kanan niya na sina sir Aidram, Aiji at Aion.

"Hala sorry po ulit. Naku!" Binaling ko naman sa kaliwa at nakita kong nabasa ang dalawang sila sir Aishton at Aidam.

"Halaaa!" Sabi ko at tinutok na lang sakin ang hose. Napatawa naman ang anim na lalaki.

"What the hell?" Sabi ni sir Aidam habang natawa. Napanguso naman ako.

Tinapat ko na lang ulit sa mga bulaklak ang hose at tinignan ang sarili ko.

"Wengyaaa! Basa na ko." Sabi ko at napanguso ulit. Natawa naman ulit ang magkakapatid.

"Sino ba kasing may sabi na itapat mo 'yong hose sa'yo?" Natatawang sabi ni sir Aishton.

"Eh, nababasa po kayo eh. Tignan niyo po damit niyo. Sorry!" Sabi ko at nag peace sign. Napangiti naman sila. Di ko namalayang kinuha pala ni sir Aidram ang hose na binaba ko sa lapag at binasa kami.

"Waaah! Sir, tama na po. Makukurot ako ni Aling Belen!" Sabi ko at tumawa lang sila. Hanggang sa kumuha rin ang iba ng hose na nasa garden din at binasa nila ko.

"Ang unfair! Mga madadaya." Napanguso naman ako habang pinagt-tripan nila.

"What's happening here?!" Napalingon kami sa likod namin at nakita si ma'am Airene at sir Aion.

"Waaah! Ma'am, tulungan niyo ko. Binubully ako nila sir Aidam!" Sabi ko at nag tago sa likod nila. Tinignan ko naman sila sir Aishton at dinilaan.

"Stop it, boys. Basang basa na si Abigail." Sabi ni ma'am Airene. Tumango-tango naman ako.

"Hindi pwede. Siya nauna." Sabi nina sir Ainon at Aiji at pumunta sakin kaya tumakbo ako sa malawak na garden. Hinabol naman nila ko.

'Yon na ang pinakamasayang araw ko sa buong buhay ko.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora