C H A P T E R 10

1.1K 54 3
                                    

Chapter 10

Kinabukasan. Maaga akong nagasikaso. Ako na ang naghanda ng agahan nila lahat dahil maaga pa naman. Naghain na 'ko sa mesa at siguro maya maya ay narito na sila.

Tapos na. Tinignan ko ang hapag kung may kulang at nang makita kong wala ay napangiti ako.

"Oh hija, ang aga mo naman." Rinig kong sabi ng isang malumanay na boses kaya tinignan ko ito.

"Ma'am, good morning po. Kain na ho kayo." Nakangiti kong aya, napangiti rin siya.

"Good morning rin, tara kain tayo." Aya niya sakin at umupo na.

"Hindi na ho, hindi po kasi ako nakain ng umaga eh." Nakangiti kong sagot.

"Ganun ba? Sige tawagin mo na lang sila Aidam." Nakangiti siyang sabi.

"Sige po." Kaya tulad kagabi ay ganun ang ginawa ko. Hindi ko na sila hinintay at bumaba agad ako.

"Papasok ka na ba hija?" Tanong sakin ni ma'am.

"Opo." Sagot ko.

"Saan ka nga ulit nag-aaral?" Kuryosong tanong niya.

"Sa Nakahara Lee University po. Thankful nga po ko kasi ang lapit ng bahay niyo po dun. Ang ganda pa ng school." Masayang sabi ko kay ma'am Airene.

"Can you tell me a story about that school?" Pakiusap ni ma'am.

"Sige po. Kaya ko po do'n napili kasi ang ganda ng facilities. Pinaka favorite ko pong room dun is yung badminton. Ako nga lang po lagi dun kasi 'di naman puntahan, boring daw po kasi pero para sa'kin hindi naman. Tambayan ko po 'yon minsan pag wala sila Gail at Lian." Napahinto ako saglit.

"Bakit ka huminto hija? Continue." Sabi ni ma'am.

"Kapag wala po kasi sila Gail at Lian, nabubully po ako do'n. Pero okay lang po yun, sanay naman na po ko eh. Kaya pag alam kong wala po sila Gail at Lian dun lang po ko maghapon, kaysa ako na naman po maging tampulan ng boredom nila." Nakangiti kong sabi.

"They bullied you? Kahit ngayon?" Tumango naman ako bilang sagot.

"Pero sanayan na lang po siguro. Kasama ko naman po sila Gail at Lian eh." Nakangiti kong sabi.

Maya-maya lang ay may narinig kaming mga yapak kaya tumayo na ko.

"Good morning po." Bati ko sa anim na lalaki na dumating sa hapag.

"Good morning too." Sagot ni sir Ainon at tango naman sa iba.

"Sige ho, alis na po ko. Baka mahuli po ko eh." Sabi ko.

"Sige. Taka care hija." Sabi ni ma'am Airene.

"Sige po, enjoy po sa pagkain." At umalis na para pumuntang school para simulan ang bagong araw, sana nandyan sila Gail at Lian.

Walking distance lang din pala 'tong mansyon, kahit malayo ang gate at napakahaba ng lalakarin bago makapunta do'n ay ayos lang. Exercise na rin 'to.

Presko rin ang hangin dahil sa lawak ng mansyon at may mga puno sa daan kaya napapa ngiti ako ng wala sa oras. Sa susunod nga ay hahanap ako ng tambayan dito.

Nang marating ko ang gate ay nakita ko si manong guard.

"Hi kuya! Good morning!" Masigla kong bati, napangiti naman si Kuya.

"Good morning din, papasok ka na?" Tanong ni kuya.

"Opo." Nakangiti kong sagot.

"Sige ingat ka ah?" Paalala niya at binuksan ang maliit na gate. Tumango naman ako at nag palaam bago lumabas.

Sa labas pa lang tanaw ko na ang NLU. Kaya nag-umpisa na kong maglakad, sana maging maganda ang araw na ito.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now