C H A P T E R 22

951 55 3
                                    

CHAPTER 22

Pagtapos ng misa ay sabay-sabay na kaming lumabas. Ang daming tao kaya siksikan, naramdaman kong may umalalay sa'kin at nakita sila sir Aidam na nakapalibot sakin parang mga body guard.

"Gwapo niyo naman pong mga body guard." Sabi ko at tumawa.

"Okay na 'yon. Choosy ka pa ba?" Pag yayabang ni sir Aishton napairap naman ako.

"Anng hangin naman po. Dinaig pa ang lamig ng panahon." Napasimangot naman siya sa sagot ko at tumawa ang iba niyang kapatid.

"Alam mo kasi bro, 'wag masyadong mataas ang pangarap. Ang sakit kasi ng bagsak pag nagkataon." Sabi ni sir Aidram. Pabiro naman siyang sinapak ni sir Aishton at sinamaan ng tingin.

Kulitan lang ang nangyari habang papunta kami sa van. Nasa likod naman namin sina ma'am Airene at sir Aion kasama si Aling Belen. Mukhang may pinag-uusapang importante. Nang tumingin sila sa'kin ay ngumiti lang silang tatlo.

Nang makapasok sa van ay ganun ulit ang pwesto namin.

"Saan mo gustong kumain, Abi?" Tanong ni ma'am Airene.

"Jollibee!" I exclaimed and I hear their chuckles because of that. Yes! Makakakain na ulit ako sa Jollibee. Ilang months weeks na rin akong 'di nakakakain do'n at ang huling kasama ko ay sina Gail at Lian.

Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakaratig kami sa mall at pinagtitinginan na naman ang mga lalaki naming kasama.

"Gawd gurl! Today is our lucky day, anim na gwapo agad ang nakita natin."

"Tama ka, gurl. Buti na lang lumabas tayo ngayon. Kunan mo ng pic dali."

At madami pang iba. At hayon nga pinagkaguluhan sila at kinuhaan ng litrato. 'Di na ko magugulat na nasa social media na mga mukha nila bukas.

"Mga sir, famous kayo ah? 'di na ko magugulat nasa social media na kayo bukas at may fans club na. Iba talaga charisma niyong anim." Sabi ko sa kanila.

"Kuya na lang, Abi. Masyadong formal ang sir. Baka bukas isa ka na sa kasali sa fans club namin ah?" Sabi ni sir Aidrian. Umarte naman akong nasusuka kaya natawa sila ma'am Airene at sir Aion kasama si Aling Belen.

"Isa ka rin pala sa mga kapatid mong mahangin kuya Aidrian eh. Hindi ako sasali sa fans club niyo kung nagkataon, baka ako pa maging president ng mga basher niyo." Sabi ko at napasimangot naman sila do'on kaya natawa ako.

"Ang bully mo rin pala Abi 'no? Hintayin mo ang paghihiganti naming apat." Dinilaan ko lang si kua Ainon dahil doon. Pumasok na kami sa Jollibee yay! Buti may nakita kaming lamesa na pang pamilya kaya nagkasya kami.

"Kami na mago-order, mom." Sabi ni kuya Aidam at umalis na sila.

"Hala, hindi manlang sila nagtanong kung anong gusto natin." Natawa naman si sir Airene at sir Aion.

"Hayan mo na, Abi. Alam naman nila kung anong kukunin." Makahulugang sabi ni ma'am Airene.

Nanatili lang kami sa upuan namin at nag kwentuhan ng saglit hanggang sa nakita na namin ang mga lalaki na may hawak na mga tray. Pagkalapag ay nakita kong nandun ang paborito ko. Nag ningning naman agad ang mga mata ko.

"Thank you!" Sabi ko sa kanila at nginitian lang nila ko. Inuna ko ang sundae at fries. Ito kasi lagi ang inuuna ko bago kumain ng kanina. Parang wala akong napansin sa paligid ko at tutok lang sa kinakain ko.

"Wala pa ring pinagbago." Sabay-sabay na sabi nung anim kaya napatingin ako sa kanila.

"Ha?" Takang tanong ko.

"Halaman." Pangunguna ni kua Aidam.

"Hamburger." Segunda ni kuya Aiji.

"Harvest." Kuya Ainon.

"Hakdog." Kuya Aidrian.

"Halimaw." Kuya Aidram.

Sinamaan ko naman sila ng tingin sa mga naging tugon nila. Natawa sina Manang, ma'am Airene at sir Aion. Pati sila natawa sa sarili nilang kalokohan. Humanda kayo, gaganti ako.

Pagtapos kumain ay agad kaming umuwi ng bahay. Pagpasok ay lahat kami pagod at napagpasyahan na magpahinga na.

"Good night everyone!" Sabi ko ng may ngiti.

"Good night din, Abi." Sabay-sabay na sabi nila at nag kaniya-kaniya na kami.

THE BEST DAY EVER!

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat