C H A P T E R 41

856 40 0
                                    

Chapter 41

Kinabukasan ay nakalabas na ako. Buti na lang hindi ko nakita si Kallix at ang wonderful family. Kasama ko si manang habang nasa kotse pauwi ng mansyon.

"Manang, sa pasko po gala tayo?" Pag-aaya ko kay manang.

"Oh sige, saan mo gusto?" Sabi niya at hinaplos haplos ang buhok ko.

"Amusement park po tayo, namimiss ko na po doon eh." Nakangiting sabi ko.

"Oh sige. Christmas break niyo na rin naman eh." Nakangiti kaming pumasok ng mansiyon ng kami ay makarating per aad nawala ng makita ko kung sino ang nandoon.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko ng malamig kay Kallix.

"Abi, can we talk?" Tanong niya at lumapit sakin.

"Doon tayo sa grden." Sabi ko at tumalikod na papunta sa garden.

Pag punta namin ay parehas kaming tahimik at tila naninimbang. Kaya ako na ang naunang mag tanong.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Diretso kong tanong.

"About yesterday. I'm sorry kung hindi kita nasundo, my friends won't let me go." Seryosong sabi niya.

"Kaibigan mo o si Aislinn?" Pansin ko naman na medyo na bigla siya at di nakasagot.

"I heard everything, Kal. You treat me like a game! Pinagpustahan niyo ko kapalit ng ano? Nananahimik ako tapos guguluhin niyo ko? Langya, mahal na kita eh. Mahal na mahal. Pero anong ginawa mo? Sinira mo lahat. I trusted you!" Pinag susuntok ko ang dibdib niya at hinayaan niya lang ako.

"Sana noong una pa lang hindi mo na tinuloy, kasi hindi kaya nito ang masaktan ng sobra!" Turo ko sa dibdib ko.

"Abi, let me explain." Pilit niyang inaabot ang mga braso ko pero inaalis ko ito agad at lumayo ng konti sa kaniya.

"There's no explanation needed, Kal. You won. You hurted me. Hope you are happy and be happy with Aislinn. The one you truly love." Sabi ko at pinunasan ang mg aluha ko bago tumakbo papasok ng bahay.

Tinawag niya pa ko pero hindi ko na nilingon pa. Nakasalubong ko ang ibang maid na malungkot akong tinignan, nang madaan sa dining ay nandun din ang wonderful family na nag-aalalang nakatingin sakin pero hindi ko sila pinansin at pumasok sa kwarto namin ni manang.

Doon ko binuhos lang ng sakit. Lahat ng galit. Ang sakit sakit sa dibdib, lahat nawala. Pero ang sakit sa dibdib ko hindi na yata.

Narinig kong may kumakatok sa pinto pero di ko pinansin.

"Anak, pakiusap huminahon ka. Makakasama sayo yan." Rining kong sabi ni manang.

"Ayos lang po ko, gusto ko mapag-isa muna." Sagot ko, rinig ko ang buntobg hinibga niya at ybag ng papaalis na paa.

Iniyak ko lang lahat. Ayos lang naman siguro umiyak paminsa-minsan hindi ba? Lalo na kung hindi mo na kaya.

Hindi ko napansin na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Kahit sa pag tulog ang lungkot lungkot ko pa rin.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now