C H A P T E R 23

898 46 1
                                    

Chapter 23

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school dahil ngayon ang uwi nila Gail at Lian galling sa Hawaii. Nalalasahan ko na ang chocolates. Yum!

As usual tahimik pa dahil maaga pa, pero 'di ko ine-expect na maaga rin pala ang impakto at nasalubong ko pa. Huminto naman siya sa harap ko kaya napahinto rin ako. Kasama niya ang mga kaibigan niya na busy sa kulitan kanina pero nahinto dahil bumangga sa likod ni kupal.

"Oh, ikaw 'yong babae noong nakaraan diba?" Sabi nung Nicholas.

"Ay hindi, konsensiya ko lang 'yon." Sarcastic kong sabi. Natawa naman ang mga kasama niya.

"Barado ka, pre." Sabi nung Kallan.

"Siraulo! Hindi ako inidoro!" Sabi ni Nicholas at binatukan si Kallan kaya napasimangot ang huli.

"Ang aga-aga ikaw agad ang nakita ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa sa pangit." Tawa ni Impakto.

"Okay lang, kaysa naman sa mukhang ibinagsak sa lupa kagaya mo." Napahinto naman siya sa sinabi ko at inis na tumingin sa'kin. Kaya ngumisi ako.

"Sinasabi mo bang pangit ako?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hindi sana eh, pero kung ini-insist mo pwede na rin." Natatawang sabi ko at nilagpasan na sila.

"May araw ka rin sa'kin!" Rinig kong sigaw niya.

"Sige lang maghihintay ako. Marami pa kong araw." Balik kong sabi at pumunta na sa room at doon na lang tumambay dahil baka makita ko na naman ang hari ng mga impakto kasama ang mga alagad niya.

Tumungo muna ko saglit at hinintay ang bell, pero bago pa mag bell ay may kumalabit sa'kin kaya napa-angat ako ng ulo at nakita ko ang mga nakangiting mukha nina Gail at Lian.

"Hi Abi! How are you?" Masiglang bati ni LIan. Mukhang hyper 'to ngayon ah? "Ayos lang kayo? How was Hawaii?" Tanong ko.

"Ayos lang naman, pero sana sa susunod ikaw na kasama namin." Nakangusong sabi ni Gail. Medyo natawa naman ako. "Alam mo naming wala akong pera for the ticket." Sabi ko nang nakangiti.

"Ayaw mo naman kasing pumayag na sagot namin ang ticket mo." Nakanguso ring sabi ni Lian.

"Alam niyo naman ang reason kaya ayoko. Tsaka sa susunod makakasama na ko sa inyo pag yumaman ako." I chuckle at ngumiti sa kanila.

"Mayaman ka naman talaga." Sabay nilang bulong kaya medyo hindi ko nadinig.

"Ano 'yon?" Taka kong tanong.

"Wala!" They both exclaimed.

Nag-bell na at saktong dating ng ibang kaklase namin kasama na sila impakto. Tinignan aman niya ko ng matalim pero inirapan ko lang siya.

"Ako lang ba o talagang inirapan ka niya Abi?" Tanong ni Lian.

"'Wag niyo na lang pansinin ang impakto na 'yon. Wala lang magawa sa buhay 'yon." Nagkatinginan naman sila ni Gail at nagkibit-balikat na lang.

Dumating na ann prof namin kaya hindi na kami nakapag usap pa. Discussion at puro takte down notes lang ang ginawa namin kaya medyo nangalay ang kamay ko.

Pagtapos ay vacant na namin 1 hour din 'yon kaya sa canteen ang tambay namin nito pustahan. Hindi nga ko nagkamali dahil hinila kami ni Gail papunta sa canteen. Umupo kami sa usual na upuan namin sa canteen si Lian naman ang um-order ng kakainin namin.

Habang naghihintay kami ay biglang nag-ingay ang paligid.

"Aaaaaaaaah! Nandyan na sila Nicholas!"

"Kobi be mine!"

"Xander anakan mo ko."

"Kallan wasakin mo ko."

"Kallix akin ka na lang!"

Grabe ang wild naman ng mga haliparot na ito. Ibang klase talaga ang charisma ng mga impaktong ito kasama ang mga ka-squad niya. Huminto naman si Kallix the impakto at parang may hinahanap. Ilang saglit pa ay nagtama ang mata namin at nginisihan niya ko, nangilabot naman ako at medyo kinabahan.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now