C H A P T E R 4

1.3K 59 0
                                    

Chapter 4

Yes! Today is Saturday it means girls date day. Susunduin ako nila Gail dito maya maya lang. Kaya nagsuot ako ng disenteng damit. Ang bilis ng araw no? So far, mula ng dumating sila Gail at Lian naging tahimik ang buhay ko. They always bully me when Gail and Lian is not around. Hindi ko na lang sinasabi.

May narinig akong bumusina sa labas, sila na yun.

"Aling Belen alis na ho kami." Paalam ko nasa kusina kasi siya kaya sumigaw na lang ako.

"Sige. Mag-iingat kayo ha? Wag masyadong magpapagabi." Balik na sigaw niya.

"Opo." At umalis na ko para pumunta sa kotse nila Gail. Agad naman akong pumasok at niyakap nila ko.

"Let's go?" Tumango lang ako.

Sa halos isang oras na byahe wala kaming ibang ginawa kundi magkwentuhan at tawanan. Nakwento din sila sa bansang pinuntahan nila which is Europe. Nang makarating sa mall ay dumiretso sila sa salon, ako nakaupo lang at nagbabasa ng magazine. Alam nilang 'di nila ko mapipilit sa ganyan eh.

Pagtapos ay sa mga damit, pants at t-shirts lang nagustuhan ko, masyadong girly yung iba.

"Kahit kailan ka talaga. Magdamit babae ka nga minsan." Sabi ni Gail.

"Oo nga, sayang ganda mo." Segunda ni Lian.

"You know I don't like those stuff. 'Di niyo ko mapipilit." Sabi ko at tumingin sa mga bag na pinamili nila. May magdadala na lang nun sa kotse nila. Libre nila 'to.

"Oo na, pero one day mag-aayos ka rin pag nainlove ka." Hagikhik ni Lian.

"'Di mangyayari 'yon." Pinal na sabi ko.

"Wag magsalita ng tapos baka kainin mo yan." Natatawang sabi ni Gail. Umiling na lang ako.

Next stop namin ay sa arcade! Halos lahat ata ng pwedeng laruin dito kahit baskteball nalaro namin at marami ang nanonood dahil marunong din naman kami. Nakakuha kami ng madaming ticket at nakuha namin ang 3 teddy bear. Akin red, kay Gail yellow, kay Lian purple. Ang cute.

Pumunta naman kasi sa Jollibee. Favorite fast food chain namin 'to. Wala eh mga isip bata kami. Pagtapos ay umuwi na kami, hinatid muna nila ko.

"Bye Abi, kita-kita na lang sa Monday and chat-chat na lang." Nakangiting sabi ni Gail.

"We love you, Abi." Sabay na sabi nila ni Lian.

"I love you too, both. Thank you, you made my day happy again. Sige na baka gabihin kayo pauwi. Ingat ha?" Sabi ko at nagflying kiss sa kanila. Kumaway naman sila bago tuluyang umalis, at tinanaw ko ang kotse hanggang sa mawala ito sa paningin ko bago ako pumasok.

"Nandito na po ako." Deklara ko.

"Oh kumusta? Enjoy ba?" Tanong ni Aling Belen.

"Sobra po." Nakangiti kong sabi.

"Kumain ka na ba? Tara kain tayo." Tumango naman ako at dumiretso na sa hapag. Pag tapos ay hinugasan ko ang pinagkainan at dumiretso na sa kwarto at humiga. Sinulat ko muna sa journal ko ang lahat ng nangyari, oo makaluma ako. Uso pa rin sakin ito. Gusto ko lang magsulat ng magsulat.

Pagtapos ay nakatulog ako at nananaginip ng isang bagay na hindi pamilyar sa'kin.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now