C H A P T E R 34

868 45 0
                                    

Chapter 34

Ilang saglit pa ay narinig ko ang bell at hindi ko na napansin na hindi ako sinipot nila Gail at Lian. Bakit kaya? Inayos ko naman agad ang gamit ko at ginising ang taong nakaunan sa hita ko. Nangangalay na ko.

"Hoy! Gising na. Kailangan na natin pumasok para sa next subject." Sabi ko mabilis naman siyang tumayo at ganun din ako pero dahil siguro sa ngalay ay na out of balance ko.

"AH!" Tili ko at napapikit dahil akala ko ay babagsak ako sa sahig pero may braso akong naramdaman na nakapulupot sa bewang ko.

"Be careful."Sabi niya at nakatitig sakin kaya umayos ako ng tayo.

"Kasalanan mo naman. Nangalay ako dahil sayo." Sisi ko sa kaniya at tumalikod sa kaniya at nagsimula na mag lakad. Rinig ko pa ang mahina niyang tawa pero hindi ko na nilingon.

Nakarating naman agad kami sa room at Nakita kong nandoon si Gail at Lian na nakaupo at nang Makita ako ay may mga ngising nag lalaro sa kanilang labi. Pag lapit ko sa kanila ay kinunutan ko sila ng noo.

"Problema niyo? Bakit ganiyan mga mukha niyo? At bakit hindi kayo pumunta kanina?" Sunod sunod na tanong ko pagka upo ko.

"Baka po kasi masira namin ang mala pelikulang eksena doon. Si babae nag babasa habang hinahawi ang buhok ni lalaki na naka unan sa kaniyang hita." Namula ako sa sinabi ni Gail dahil kanina ay kinuha ni Kallix ang kamay ko at pinahawi-hawi ang buhok.

"Walang meaning yun. Ang chismosa niyong dalawa." Sabi ko at buti na lang dumating na ulit ang teacher namin kaya hindi na nila ko naasar at alam kong pag labas namin ay aasarin nila ulit ako.

Ilang oras pa ang lumipas ay tapos na kami sa aming test. Buti at half day lang pag may exam kaya maaga ako makakauwi. Pag labas namin ay hindi nga ko nagkamali at inasar nila ko.

"So, ano nga meron sa inyo? Mag secret on ba kayo?" Nagulat ako sa bulgar na tanong ni Gail kaya nahampas ko siya at napadaing siya.

"Manahimik ka nga, walang kami no at hindi mangyayari yun." Pag tanggi ko at naglakad na palabas ng gate ng school.

"Baka kainin mo yang sinsabi mo." Makahulugang sabi ni Lian. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"Andyan na sundo niyo. Tigilan na ninyo ko." Pag iiba ko pero may mga ngiti pa rin silang makahulugan.

"Bukas na lang ulit." Natatawang sabi nila kaya inirapan ko sila kaya tuluyan silang natawa. Nag paalam na sila at sumakay sa mga service nila.

Ako naman ay nag simula ng maglakad papunta sa mansiyon. Today is really a tiring day. Pustahan pag dating ko sa kwarto namin ni Manang ay bagsak agad ako. Sana hindi na mang-asar yung limang barako.

Hindi nga ko nag kamali at bagsak agad ako sa kama at agad na nakatulog. Buti wala yung lima at may kaniya-kaniya raw silang lakad sabi ni Manang.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum