C H A P T E R 6

1.2K 51 1
                                    

Chapter 6

"Abigail gising." Sabi ng isang boses at niyugyog ang balikat ko.

Inangat ko ang mukha ko at nakita sila Gail at Lian nang nakangiti. Tinanggal ko ang salamin ko at kinusot.

"Anong oras na?" Tanong ko na pipikit-pikit pa.

"Recess na." Sabay at nakangiti nilang sabi. Napamulat naman ang inaantok kong mata kanina.

"Ano?!" Gulat kong tanong at tumingin sa paligid. Kami na nga lang ang tao.

"Bakit hindi niyo ko ginising?! Yari ako sa mga prof nito." Sabi ko ng nanlulumo.

"Okay lang yun, sinabi namin na masakit ang ulo mo kaya hindi ka na ulit nila pinagising. Ginigising ka kasi namin kanina eh, ayaw mo naman gumising." Sabi ni Gail.

"Thank you. Napuyat kasi ako sa panaginip ko eh." Sabi ko at nilagay kamay ko sa noo ko pagtapos ay hinilot ang sentido ko.

"Panaginip? Tara kwento mo samin 'yan sa canteen." Yaya ni Lian at hinila kaming dalawa ni Gail sa cafeteria.

Umupo kami sa usual spot namin at um-order sila. Ganun lagi ang scene maya-maya lang ay nakita ko na silang palapit. Kinakabahan tuloy ako.

"So kwento mo na dali." Excited na sabi nila Gail at Lian pagkatapos ilapag mga pagkain namin. Kwinento ko mula dun sa mga bata at dun sa nakidnap.

"'Yon na 'yon." Sabi ko. Tinignan ko reaksyon nilang dalawa at halata ang gulat at pagkaputla nila.

"Ayos lang kayo?" Nag-aalala kong tanong.

"O-oo ayos lang kami." Sabi ni Gail at uminom ng tubig na sinundan ni Lian.

"Kain na tayo." Sabi ni Lian. Hindi ako sanay, ang tahimik nila. Hindi na lang muna ko nagtanong. Tungkol ba to dun sa panaginip ko?

Bumalik na kami sa klase at wala akong ganang makinig kaya hanggang last subject tumungo na lang ako. Mga ilang minuto lang ay tumunog na ang bell.

"Abi, tara na." Nakangiti na sabi ni Gail. Tumango lang ako at sumunod. Nakarating na kami sa parking at sumakay agad. Tahimik lang kaming tatlo at tulala. Tinignan ko silang dalawa at mukhang may malalim na iniisip. Hanggang sa natapat kami sa bahay tahimik pa rin sila. Hindi nga ata nila napansin kaya dumiretso na ko sa loob.

Nagulat naman ako pagpasok dahil naka-empake lahat ng gamit namin. Nakita ko si Aling Belen na nilabas ang isang maleta.

"Saan tayo pupunta Aling Belen?" Tanong ko.

"Nakahanap ako ng trabaho, malaki-laki ang kita do'n. Nakiusap ako kung pwede akong magsama buti pumayag. Tulungan mo ko rito at ilagay natin sa labas." Kinuha ko ang dalawang maleta at nilabas sa gate. Biglaan naman ata? Paano 'yong karenderya? Pero wala akong sinabi.

"Nandyan na ba ang taxi?" Sakto pagsabi ni Aling Belen ay nasa tapat na namin ang taxi. Tinulungan din kami sa mga maleta.

"Sakay na, Abi." Sabi ni Aling Belen. Kaya sumakay na ko sa likod. Hindi pa ko nagpapalit ng damit, do'n na lang sa pagtatrabahuhan namin ni Aling Belen.

Umandar na ang taxi at sigurado mahaba-habang byahe to. Buti na lang sapat ang kinain ko kanina.

"Aling Belen, paano po 'yong karenderya?" Tanong ko habang nakatanaw sa labas.

"Sa susunod na lang natin pag-usapan, Abi. Magpahinga ka muna." At napatingin ako sa kamay ni Aling Belen na nakapatong sa kamay ko.

Tumingin ulit ako sa labas at napreskuhan dahil puro puno ang nakita ko. What a nice view. Unti-unting naramdaman ko ang pamimigat ng talukap ng aking mata at nakatulog na.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now