C H A P T E R 26

901 46 0
                                    

Chapter 26

Ang bilis ng pagdaan ng mga araw at linggo. Busy na sila sa pag hahanda para sa foundation week na gaganapin. May laban din ang iba't ibang school when it comes to sports. Nilibot ko ang paningin ko at tinignan ang mga dekorasyon, ang gaganda.

"Para kang tanga d'yan." Napapikit ako ng marinig ang boses ng isang impakto.

Isa pa pala 'to. Mula nang araw naa 'yon ay hindi na niya ko tinigilan pa. Nadyan 'yong aasarin niya ko pag dadaan. Pagt-tripan at bubuhusan ng kung ano-ano habang wala sina Gail at Lian dahil busy sila. Kasama kasi silang dalawa sa student council na nag-aayos para sa gaganaping foundation week. Nag-offer din ang SC na sumali ako sa kanila, kaso tinanggihan ko. Bukod sa hindi ako sanay sa ibang tao, hindi ko rin gusto ang mga ugali ng mga kasama rito.

"Hoy tulala ka d'yan?" Pukaw ni Kallix sa atensyon ko.

"Ano na naman ba ang gusto mo? 'Di ka ba napapagod? Kasi ako pagod na. I'm so tired of your childishness. Kung wala ka namang gagawing maganda at puro pang-aasar lang tumigil ka na lang. Why not make something productive? Hindi 'yong inaaksaya mo ang oras mo sa mga walang kwentang bagay. Oo na, panalo ka na. Hindi na kita papatulan, kaya pwede ba?" Galit kong sabi. Hindi ko na napigilan. Sobra na kasi lahat. Halata naman ang gulat sa kaniyang mga mata at medyo umawang pa ang labi niya.

"Wow." 'Yon lang ang nasabi niya kaya inirapan ko siya at nagsimula ng naglakad paalis. Nakarinig naman ako ng yabag sa likod ko at naramdaman kong may humawak sa braso ko. Inalis ko agad 'yon at hinarap siya.

"Ano pa bang gusto mo?!" Asik ko. Medyo naka agaw na kami ng atensyon at kita ko sa mata nila ang pang-huhusga.

"Sumama ka sa'kin." Sabi niya at agad akong hinila.

"Teka, sa'an mo ko dadalhin?! Kailangan ko ng pumunta ng room!" Sabi ko at pili na nagpupumiglas sa hawak niya pero mahigpit ang hawak niya sa'kin. Aish!

Pagkarating naming sa garden ay agad niya kong binitawan at nanatiling nakatalikod sa'kin. Hinawakan ko naman ang braso ko na medyo namumila.

"Ano bang problema mo?!" Asik ko habang hinihimas pa rin ang braso ko. Lumingon naman siya sa'kin.

"L-look. I'm-I'm sorry sa lahat ng nawaga ko, okay? I was just so angry at you kasi ikaw lang ang nakayanan akong sagut-sagutin ako ng ganun. I felt like my ego was being stomp. I'm sorry. Can we call it cease fire now?" Napanganga ako sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang nag sasalita at ganun din siya. Nag sanp naman siya sa harap ko kaya napabalik ako sa huwisyo.

"I-I'm sorry din sa lahat ng nasabi ko. Call." Inangat ko ang kamay ko para makipag shake hands at tinanggap naman agad niya 'yon. Nginitian ko siya ng matamis at kita kong medyo naiilang siya.

"'Wag ka ngang ngumiti para kang tanga." Sabi niya at nginisihan ako. Suminghal ako at binatukan siya.

"Bakit ka nambabatok?!" Sabi niya at hinimas ang kaniyang ulo.

"Kakabati lang nang-aasar ka na naman." Umismid lang siya.

"Tara na nga, baka kailangan sa tayo doon. Hindi pa tayo tapos sa booth natin." Sabi ko at nauna ng maglakad. Ramdam ko namang nakasunod siya sa'kin.

"Mauna ka na, may meeting pa ang basketball team." Prente niyang sabi.

"Ay kasali ka ba? Mag practice ka maiigi, lampa ka pa naman." Nginisihan ko siya kita ko ang inis sa mukha niya at inangat ang kamay. Pero bago niya ko mabatukan ay tumakbo na ko.

"Hoy! Bumalik ka rito!" Dinilaan ko lang siya at tumakbo na ulit papunta sa room.

Haaaaay. Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag. Magiging tahimik na rin ang araw ko. Si Marga na lang ang problema pero di ko na lang siya papansinin. Siya na rin ang kusang mapapagod pag nagkataon. Nakabalik na siya noong nakaraang lingo at so far wala pa siyang ginagawa ulit undi saaman lang ako ng tingin.

Nakarating na ko sa room at agad tumulong sa mga bagay na dapat unahin at tapusin para sa booth naming.

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now