C H A P T E R 11

1.1K 56 4
                                    

Chapter 11

Pagtapak ko pa lang ng school ang tahimik. Dati naman ang ingay, may pasok na ba talaga?

Naglakad pa ko at tumingin sa paligid. Nasaan kaya mga tao? Binalewala ko na lang at pumunta sa room pero nasa gitna pa lang ako ng may biglang bumuhos sa'kin mula sa taas. Amoy kong malansa 'yon.

Shit! Allergic ako sa malalansa lalo na ang isa, at ang bumuhos sakin ay 'yong dugo ng isda. Nararamdaman ko ng nahihirapan akong huminga. Hindi maganda 'to. Wala rin akong gamot na dala dahil 'di ko naman inaasahan na aabot sa ganito.

"Abigail! Abigail!" Rinig ko ang panic sa boses ni Gail.

"Abi, breathe in breathe out. Shit! Who the hell did this?!" Nag-aalala ngunit galit na sigaw ni Lian.

"Gail, Lian. What happened?" Tanong ng isang malalim na boses. Si sir Aidam!

"Please take her to the hospital, allergic siya sa malalansa specially sa isda." Naiiyak na pakiusap ni Gail.

Naramdaman ko naman na may bumuhat sakin, unti-unti kong naramdaman ang pabigat ng talukap ng mata ko.

"Kuya..." Maninang sambit ko at 'di ko alam kung narinig ni sir Aidam. At unti-unti ng pumikit ang mata ko hanggang sa lamunin ako ng dilim.

AIDAM's POV

"Kuya..." Narinig kong sabi ni Abigail. Nang tignan ko siya ay nakapikit na. Shit, we need to hurry!

"Who ever the hell did this, you'll pay big time." Sabi ko at nagmamadaling pumunta sa parking at ramdam kong nakasunod samin sina Gail at Lian at kapwa naiyak.

Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot ng mabilis kaya ilang minuto lang ay nakarating na kami sa hospital namin. Yes, amin 'to.

Agad naman nila kaming inassist at dinala si Abigail sa emergency room, naghintay lang kaming tatlo sa labas. Habang naiyak sina Gail at Lian.

Allergic sa kahit ano specially isda? Parang katulad ni..

"Kuya, what happened?" Naputol ang pag-iisip ko ng dumating sina Ainon.

"Aishton tell this right away to mom and dad." Utos ko ko at nakakuyom ang kamay.

"What happened kuya?" Tanong ulit ni Ainon.

"May nagbuhos ng malansang bagay kay Abigail and her body immediately reacted to it. Nahirapan siyang huminga at puro pantal ang katawan." Paliwanag ko. Natahimik naman sila at naupo din.

Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor na nag check kay Abigail. Agad naman tumayo ang dalawang babae.

"Doc, how's she? She's fine right? She's fine, tell us she's fine." Paulit-ulit na sabi ni Gail at humagulgol na lang ulit. Niyakap naman siya ni Lian.

How did I know her, kalaro siya dati ni Aislinn. Family friend ang mga magulang namin at magulang nilang dalawa. Lagi silang nasa bahay at kalaro si Aislinn. Nagkakilala silang tatlo noong may isang event na ginanap sa bahay. They've been best of friends since then.

"She's fine now. She just need to rest but we will still observe her. Buti nadala niyo siya agad dito." Sabi ng doctor bago nagpaalam na aalis na.

Mukhang medyo napanatag ang dalawang babae at naupo ulit. Hindi pa pwedeng pumasok hangga't 'di pa sinasabi ng doctor.

Abigail, who are you? Bakit parang marami kayong pagkakatulad?

That Nerd Is A Princess? (COMPLETED)Where stories live. Discover now