Chapter 1 - Kiel

13.5K 188 31
                                    

Kanina pa ako naghihintay sa tapat ng building sa loob ng school, kakaantay kay Farrah at naiinis na ako dahil ilang minuto na lang magriring na yung bell at magpapasukan na lahat sa sari sarili nilang mga klase, pero ito ako, parang batang naiwanan sa gitna ng maraming estudyante na nagmamadaling hindi ma-late.

Tumingin ako sa relo ko, "Ilang minuto na lang." Sumulyap ulit ako sa gate ng school. Mula kasi sa kinatatayuan ko, makikita lahat ng kotse at estudyanteng papasok roon.

Inaantay ko si Farrah. Ang bestfriend ko na palaging late kung pumasok. Palagi kasing puyat kakabasa ng mga pocketbooks niya kaya late na kung matulog at late na din nagigising. Ugali na ni Farrah ang ganun. Minsan naman talaga may insomia siya kaya hindi nakakatulog.

"Last," sabi ko at tumingin ulit sa gate, sakto naman na pumasok ang isang itim na kotse. "Sigh." buntong hininga ko

Pinagmasdan ko yung sasakyan na makahinto at bumama si Farrah. Sinukbit niya yung bag pack niya sa isang balikat saka sinara yung pinto ng kotse at tumakbo sa direksyon ko. Hindi ko naman nireregret na makilala si Farrah, dahil matagal ko ng gusto si Farrah. Elementary days palang talagang nakuha na niya ang atensyon ko.

Kumaway siya habang nakangiti papalapit sakin. Kumaway din ako.

"Hi Kiel!" Bati niya sakin

"You're late Farrah! Ilang minuto na lang magbebell na. Puyat ka na naman ano?" Di naman ako galit pero minsan kasi kailangan lang talaga niya magulat sakin. Yun eh kung magugulat nga siya

Inirapan niya ako, "Sorry ha. Ang daming projects at assignments na ginawa ko kagabi kaya late na ako nakatulog tapos.. tapos, ayun nalate na rin ako ng gising. Sorry na. Matagal ka bang naghintay dito sakin?"

Naglakad na ako papasok ng building habang nagsasalita siya. Alam ko naman na susunod siya.

"Hindi naman ganun katagal kasi alam kong late ka palagi naman na kasi Farrah." Pero ang totoo, kaninang kanina pa ako nagiintay sa kanya dito sa labas ng building. Ayoko lang nama-guilty siya lalo.

Tumakbo siya sa tabi ko at iniyakap yung braso niya sa braso ko. Paraan na naman niya para maglambing. Alam niya kasi na galit ako. Kahit hindi naman talaga. Gusto ko lang na maglambing siya sakin.

"Sorry na, promise hindi na ako male-late bukas. Promise ko yan, saka maaga na akong matutulog mamayang gabi." Sabi ni Farrah habang naka ngiti sakin pero seryoso lang yung mukha ko para hindi niya mahalata na nagloloko lang ako

"Tsk tignan mo to! Tuwing umaga at uwian na lang tayo nagkikita tapos sinusungitan mo pa ako. Nag-sorry na ako diba? Sorry na." Sabi pa niya

Medyo natatawa na ako pero hindi pwede. Kailangan stand firm Kiel.

"Tss talaga naman na hindi ka male-late bukas dahil sabado bukas baliw ka talaga saka kung hindi ako nagsusungit dahil kung nagsusungit ako, edi sana hindi kita pinapayagan na ilagay yang mga braso mo sa braso ko at lumambitin lambitin dyan."

And the best actor goes to.. KIEL ALCANTARA!!

Ngumiti na si Farrah, "Edi bati na tayo?" tanong niya na naglalambing pa rin

"May magagawa pa ba ako?"

"Tamo to?! Ang sungit na naman! Bahala ka dyan!" Bigla siyang naglakad pauna sakin pero hinawakan ko agad yung kamay niya

Hindi biro pag si Farrah na ang nag tampo dahil pag nangyari yun, matagal tagal bago ko siya masusuyo ulit.

"Oh tignan mo, initay kita ng matagal tapos iiwan mo lang ako dito? Farrah Sabel ha," Biro ko sa kanya

"Eh kasi naman ikaw eh. Nakakainis ka." Sbai niya habang naka nguso

Ngumiti na ako at niyakap siya, "Sus! Oo na. Sige na. Bati na tayo."

"Ikaw ang sus! Niyayakap mo lang ako pag alam mong magtatampo na ako eh." Lumayo siya ng konti sakin para lang tignan ako sa mata

Ganyan kasi siya makipagusap. Palaging kailangan makikita niya yung mata ng kausap niya para alam niya kung nagsasabi to ng totoo o nagsisinungaling lang.

Ngumiti ako, "Mag lunch tayo. Treat ko to promise." Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya

Ngumiti siya, "Talaga? Sabi mo yan ha?"

"Parang babawiin ko na. Sa ngiti mo pa lang parang mapapagastos ako ng sobra ah."

Hinampas niya ako sa braso, "Grabe ka. Nagpromise ka na eh."

"Oo na nga. Kelan ba ako nangako na hindi ko tinupad?"

Nilagay niya yung kamay niya sa ilalim ng baba niya na parang nagiisip talaga, "N------"

"Grabe. And sweet niyong magbest friend ha. Di ko na kinakaya. Kanina pa ako nilalanggam dito sa likod niyo. Kung hindi ko kayo kilala baka nagselos na talaga ako." Si Candice. Ang girlfriend ko

Humiwalay na ako sa yakap ko kay Farrah para humalik sa pisngi ni Candice. Pagkatapos niya humalik sakin ay kay Farrah naman

"Tara na Farrah?" Tanong ni Candice kay Farrah sabay hawak sa braso nito

Magkasundung magkasundo sila Farrah at Candice. Hindi sila katulad ng iba na nagkakaselosan. Sa katunayan mas palagi pa nga silang magkasama kesa saming dalawa. Minsan nga ako na ang nagseselos sa kanilang dalawa dahil tuwing yayayain ko si Farrah, kasama nito si Candice at ganun din naman si Candice.

Hindi naman ako galit sa ganong sitwasyon. Thankful pa nga ako dahil hindi katulad ng iba ang relasyon ng dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko.

Tumawa ako ng kaunti. Paalis na yung dalawa na parang hindi ako kasama, "Wala man lang bang goodbye Kiel dyan?" Habol ko sa kanila

Sabay silang lumingon sakin at tumawa. Lumapit sakin si Candice at humalik sa pisngi ko, "Bye babe. See you again or later?" Sabi niya. Hindi kasi sure kung kelan kami magkikita dahil parehas kaming busy

"Later maybe babe." Sagot ko tapos at tumingin kay Farrah, "Mommy, ikaw? Pagkatapos kitang hintayin, hindi ka man lang ba magpapaalam?"

Mommy at Baby ang tawagan namin. Wala lang. Trip lang namin minsan. Hindi naman nagseselos si Candice tungkol dun. Actually approved na approved daw sa kanya.

Ngumiti si Farrah, "Ayiee ang baby nagsusungit na naman. Akala mo may monthly period sa pagmo-mood swings. Sige na po una na kami baby. Salamat sa pag aantay mo sakin."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now