Kabanata 36 - Farrah

4.6K 72 9
                                    

Tumayo si Kiel at humarap sa akin, "After ng game, pupuntahan sana kita sa upuan mo pero nakasalubong ko si Candice at binati niya ako. Tapos hindi na kita nakita, halos lumalabas na lahat ng tao sa GYM at hindi na kita nakita kaya niyaya ko yung team ko na lumabas na.. Dahil girlfriend ni Mark si Annie na cheerleader sabay sabay na kami nagsilabasan. Akala ko ay makikita pa rin kita sa labas pero hindi na kita makita. Nagtext ako sayo pero hindi ka sumagot kaya hindi na ako sumama sa Party kila Jake, at umuwi na agad ako. Ang akala ko naman ay andito ka na."

Na guilty naman ako sa sinabi ni Kiel. Ang buong akala ko ay kasama niya talaga si Candice at iniwan na ako.

Tumungo ako. Lumapit si Kiel sa akin at hinawakan yung kamay ko, "Ikaw? saan ka ba talaga galing?" Tapos ay hinawakan ni Kiel yung chin ko para tumingin ako sa kanya.

Nag pout ako, "Ang totoo? Ganito kasi yun." Umupo ko sa kama ko, "Nung natapos yung game, eh! Wag kang magagalet!? Ha?!"

"Promise." Sabi ni Kiel na naka tayo pa rin sa harap ko

"Talaga?" Nagtaas pa ako ng kilay

"Oo nga."

"Basta wag kang magagalet kundi hindi ako magkekwento!."

"Oo nga! Aish! Ang kulet naman eh!"

"Oh sige. Dito ka." Hinila ko si Kiel paupo sa tabi ko sa kama, "Ganito, si Jared talaga yung una kong pinuntahan. Binati ko lang talaga siya tapos nagpunta na ako sayo, pero kasi nakita kong yakap yakap mo si Candice kaya hindi na ako pumunta pa sayo... Tapos yun lumabas na ako, hinintay kita sa labas pero paglabas mo ay kasama mo si Candice kaya ang akala ko, magkasama talaga kayo. Umalis na lang ako. Pumunta ako dun sa lugar na pinuntahan natin kagabi. Tapos yun, nag ice cream lang ako tapos nakalimutan ko na yung oras."

"Ibig sabihin hindi ka talaga inatake kanina? at excuse mo lang yun?"

Umiling ako, "Hindi no. Inatake talaga ako kanina pero saglit lang kaya nga lumabas na agad ako nung makita ko kayo ni Candice eh,"

"Ahh. Ang akala ko kaya ka lang lumabas ay dahil nagselos kang nakita mo kami."

"Sira! Hindi no!.. Alam ko naman na si Candice pa rin kaya bakit ako magseselos saka friends lang tayo diba?" tumayo ako saka nagsuklay ng buhok.

"Friends lang tayo?!"

Napatingin ako kay Kiel "Oo di ba? Sabi mo,"

Napatayo si Kiel, "Sabi ko? Kelan? Ang sabi ko asawa kita. Akin ka. Gets?"

Nag nod ako, "Ah. Asawa nga pala kita. Ako iyo. Ikaw? Akin ka ba?"

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Kiel sa braso.

"Hindi mo alam kung ano mo ako? hinalikan na kita pero hindi mo pa rin alam kung kanino ako?"

Ramdam ko na naman ang pagpupula nang mukha ko.

Nakahawak si Kiel sa mukha ko at sobrang lapit ng mga mukha naming dalawa na parang naghahalikan na.

"A-a-a-asawa kita!.. at a-a-akin k-ka na, di ba?" Tanong ko na nauutal utal pa

Binitawan ko bigla ni Kiel, "Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!" sabi niya sabay labas ng kwarto ko.

Napatulala na lang ako.

Napaupo ako bigla sa sahig, "Konti na lang yun. Konting konti na lang.." Napahinga ako ng malakas at tumayo na ulit. Nagsusuklay na ako ng biglang pumasok ulit si Kiel.

Hinawakan niya ako sa kamay at iniharap ulit sa kanya, "Sorry kung akala mo ay kasama ko si Candice. Pero sabi ko naman sayo na hindi na kami pero andun parin yung friendship kaya hindi maiiwasan. Wag ka nang aalis ulit ng hindi ko alam ha!." Tapos ay niyakap ako

"Alam mo bang nainis ako sayo? Nagalet ako. Ang akala ko talaga bigla mo na lang akong iiwan ng ganun ganun eh."

"Pwede ba naman yun? Eh asawa na nga kita. Kasal na tayo. Akin ka. Sayo ako. Kasal tayo. Okay?"

Nag nod ako tapos humiwalay sa yakap ni Kiel, "Akin ka na ba talaga?" Tanong ko

"Oo. At hindi na pwedeng may ibang umangkin sayo ha?"

"Pero.. Si Jared,"

"Ano si Jared?"

"Nag confess kasi siya sa akin. Sabi niya, mahal niya daw ako."

Naupo si Kiel sa kama tapos hinila ako papaupo sa lap niya, "Alam ko. Kaya nga ako nababahala eh."

Napa kunot ako ng noo, "Nababahala? Saan naman?"

"Na baka makuha ka niya sakin at sumama ka sa kanya."

Napa ngiti ako bigla sa sinabi ni Kiel. Pakiramdam ko ngayon, takot na siyang makuha ako nang iba sa kanya, "Kaya nga wag mo kong iiwan kundi sasama talaga ako sa kanya."

"Samama ka talaga sa kanya?"

"Yun ay kung sasaktan mo ako? Tanda mo ba yung nagusap tayo sa phone noon, nung time na hindi pa natin alam na tayo pala yung ikakasal? Tanda mo ba yung sinabi mong nasa puso ko? Tapos sabi mo iingatan mo?"

Tumungo si Kiel "Oo.. Oh ano naman?"

"Ibig sabihin, wag mong susugatan yung puso ko dahil pagnangyari yun, babawiin ko sayo puso ko at ibibigay ko yun kay Jared!"

"Hindi mangyayari yun.. Kahit anong gawin mo. Kahit lumuhod ka pa sa harap ko, hinding hindi yun mangyayari."

"Talaga?"

"Talaga." Tapos nagsmile kami pareho sa isa't isa.

"Halika na nga at kumaen na tayo. Gutom na ako." Sabi ko tapos hinila si Kiel patayo.

Bumaba na kami para kumain.

Nagulat ako dahil madilim ang buong kusina ngayon at kandila lang ang naka sindi. Niloko ko pa si Kiel kung brown out ba pero yun pala may pa echos lang siya na candle light dinner kami ngayon. Walang kahit anong ilaw sa paligid kundi ang tatlong scented candles sa gitna ng lamesang puno ng rose petals.

"Teka, hindi man lang ako naka pagayos. Naka shorts lang ako tapos naka sando na butas pa sa gilid.. teka, mag aayos lang ako." sabi ko at akmang tatakbo na paakyat pero hinawakan ni Kiel ang kamay ko

"Wag na. Mas maganda ka pagsimple ka lang. Kaninang umaga nga, gandang ganda ako sayo eh. Kahit na simpleng t-shirt at jeans ka lang. Mas gusto kita pag ganun ka lang."

Ramdam ko na naman yung dugong kumulo sa pisngi ko,

May itatamis pa ba siya?

"Maupo ka na nga at nag bablush ka na naman," Sabi ni Kiel

Iniurong ni Kiel yung upuan para makaupo ako saka siya umupo sa harap ko.

"Pano mo naman nalaman na nagblush ako? eh ang dilim dilim kaya?"

"Ako pa.. Kilala kita."

"Sus! Kumaen na nga tayo. Gutom na rin ako."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang