Kabanata 12 - Farrah

5.6K 102 12
                                    

Tock!

Nagising ako dahil sa ingay ng pagbato sakin sa bintana. Inintay ko pero wala namang sumunod. Siguro nagkamali lang.

Nahiga na ulit ako pero hindi na ako makatulog.

Ganto ako. Hindi ko alam ang dahilan. Dahil siguro, namamahay ako o di kaya'y kabado dahil isang araw na lang ikakasal na ako.

Tock!

Sa pagkakatanda ko, pang apat na beses na yun na pagbato sa bintana ko pero hindi ko maabutan.

Nagbukas na ako ng ilaw para makita yung orasan: 3:26 am

Late na para matulog para sa kahapon at madaling araw na para sa ngayon. Nakakatuliro naman. Yung araw araw kang puyat at stressed sa pagiisip.

"Farrah!"

Napatayo ako sa kama. Kilala ko ang boses na yun. Binuksan ko yung kurtina at nakita si Kiel sa labas ng bintana ko.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko

Madilim sa labas pero nakita kong ngumiti siya, "Tara." Yaya niya

Medyo nagulat pa ako sa pagngiti niya dahil isang buwan at kalahati ko yun na hindi nakita or should I say, hindi niya pinakita sakin pero bumalik ako sa reyalidad ng yayain niya ako sa labas.

"Kiel, nagusap na tayo diba?"

"Oo at hindi ko nakakalimutan o kinakalimutan yun. Palaging nasa utak ko yun at paulit ulit na nagrereplay sa utak ko yun. Lahat ng yun. Pero hindi ako papayag na ganun na lang kadaling masisira yung pagkakaibigang matagal kong pinahalagahan. Ayokong masayang yun ng basta basta kaya please. Please Farrah, last na to. Ibigay mo na sakin tong araw na to. Ako naman yung humihiling sayo ngayon."

Huminga ako ng malalim, "Kasal na natin sa susunod na araw Kiel. Ano bang gusto mo?"

"Basta sumama ka muna sakin ngayon. A truce is a truce. Mark my word. After nito, susundin ko na lahat ng gusto mong mangyari sa pagitan natin. I promise. Please."

Napailing ako, "Fine. Wait there." Sinara ko na yung bintana at kurtina saka nagpalit ng damit

Nang matapos ako sa pagbibihis, sa bintana na ako dadaan. Baka kasi magising pa yung katulong namin. Tinulungan at inalalayan naman ako ni Kiel

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko

Sabi niya habang hinihila ako, "Basta, but for now, ikaw na ulit yung bestfriend ko."

Napatigil ako, "Pero pano yung--"

"Maguumpisa yung truce natin sa araw ng kasal," Sabi niya sabay hila ulit sakin para maglakad papunta sa isang sasakyan

"We can go somewhere, well, everywhere you want," Sabi niya "In fact, may gusto akong ipakita sayong lugar."

Hindi ako sumagot .

Pinapasok niya ako sa sasakyan. May driver na dun na nagiintay samin.

"Kung gusto mo lang?" Tanong niya ulit habang papaupo sa tabi ko

"May choice ba ako?"

"Wala." Sabay tawa niya

"See? Nagtanong ka pa."

Kinausap niya yung driver tapos umandar na kami. Tahimik lang kami ni Kiel. Walang gustong magsalita samin dalawa o wala lang talaga kaming topic na maisip kaya pinili na lang naming wag magusap.

Sa labas lang ako nakatingin. May mid night life pala ang Thailand. Mid night life kasi madaling araw. Mailaw at medyo matao pa rin ang paligid. Based sa lahat ng nakikita ko ngayon.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now