Kabanata 39 - Kiel

4.3K 65 13
                                    

Nagpunta kaming dalawa sa beach sa rest house namin, since matagal tagal na rin kaming hindi nakakapunta dito at medyo busy na kami dahil hectic na kami sa preparations for next week dahil halloween celebration ng school namin.

Sinuot namin yung couple shirt na pina customize ko pa talaga. Sabi ni Farrah, ang akala niya ay hindi na niya magagamit iyon pero look, she can still use it. At sabi ko, whenever, wherever she wants to.

Pagkadating namin sa resort ay iniwan lang namin yung mga gamit namin sa kwarto at saka nag punta sa beach side. Bihis na rin kaming dalawa. Naka beach shorts ako at topless habang naka two piece naman si Farrah at meron lang siyang see-through dress.

Tinanggal ni Farrah yung slippers niya tapos hinawakan ito. Naglakad siya sa may sand ng nakangiti.

"Ang sarap ng feeling!" Tumingin siya sa akin tapos nag smile.

Nag smile ako tapos tinanggal ko din yung slippers ko, at kinuha yung slippers ni Farrah sa kamay niya tapos ako na yung nagbitbit nun. Saka hinawakan ko yung isa pang kamay ni Farrah tapos nag smile.

SILENCE CREPT UP.

Wala na naman gustong magsalita sa aming dalawa. Siguro nga, mas maganda kung titignan na lang namin dalawa yung view at pag masdan lahat kesa magusap pa na baka mauwi na naman sa away.

"Sabihin mo lang kung pagod ka na sakin ah.. Kung pagod ka nang gawin yung mga nasa contract. Papalayain na kita." Napatigil ako sa paglalakad at humarap kay Farrah

"Pagod? Gawin yung contract? Papalayain?" Gulong tanong ko. Gets ko si Farrah at lahat ng mga ibig sabihin niya pero bakit?

Naka yuko lang si Farrah at nilalaro yung paa niya sa sand, "Kung gusto mo na talagang mag divor---"

Hindi ko na siya pinatapos mag salita, "Ayoko." Alam ko na. Divorce na naman. Wala naman akong sinabing makikipag divorce ako sa kanya

Napa tingin si Farrah sa akin, "A-ano?"

"Ayoko ng divorce. Hindi tayo magdidivorce not until I told you to. Kahit matapos pa yung contract natin sa isa't isa after one year. Hindi ako makikipag divorce. Ayoko."

"Pero, paano si Candice? Do you know that she's still waiting for you?"

"You already knew that Candice already knows about the marriage?"

Tumungo si Farrah tapos naglaro ulit ng sand

Tumingin ako sa dagat at pinagmasdan yun, "I know. I know she's still waiting pero she told me---"

"She told me too na she'll try. Yes, she's doing it. As much as possible she's letting you go. Pero Kiel, alam mo ba na masakit sa part ni Candice? She's been betrayed by me. She's my best friend and yet, I stole her life. And her Life is you. That's you Kiel. You're her life kaya nga ako nagkakaganito kasi..." Napabitaw na si Farrah sa paghawak niya ng kamay ni Kiel dahil lang naalala niya si Candice. Yes, she got him. Pero paano si Candice. She knew na hindi ganon kadali mag move on. At masakit iyon. "...It was all my fault. If I wasn't said yes and let you escape that time, siguro hindi.. H-hindi na nasasaktan si Candice ng gani---" Umiiyak na si Farrah habang nagsasalita pero she was caught off guard.

I cupped her face, surprisingly, and kissed her without asking permission to do so. Ayokong marinig lahat ng sasabihin niya. At alam kong sasabihin niya pa rin yun kahit sabihin kong tumigil siya. Kissing her is the only way to shut her up.

She kissed back.

After seconds, I pulled away and starts to speak, "Alam ko masakit yun sa part ni Candice. Pero siya din ang nakipaghiwalay sakin, diba? Alam ko yun, pero mas masakit sa part ko kung hahayaan mo akong umalis sa tabi mo. Dito lang ako. Dito lang ako sa tabi mo. Wag mo akong ipagtabuyan. And everything wasn't your fault. You're just torn between two important things in your life, diba? I understand you and Candice too, understands you so much..." Pinunasan ko yung luha ni Farrah with my thumb since I'm still holding her cheeks.

"...Ang gusto lang ni Candice ay makalimutan ako. Makalimutan yung love between us and just continue being friends. Pero syempre, hindi madali yun. Kaya please, wag mo akong ipagtabuyan ngayon.. Kasi hindi ko kaya. Hindi ko kaya since, alam ko na kung anong mas gusto ko at kung ano ang mas mahalaga sa buhay ko ngayon. At ikaw yun Farrah. Ikaw yung gusto ko at ikaw yung mahalaga sa buhay ko ngayon. I'm falling inlove with you right now, but please don't push me away from you. Wag. I love you, Farrah."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now