Kabanata 23 - Farrah

5.2K 81 5
                                    

Araw araw na paulit ulit ang nangyayari sa amin. Aalis si Kiel habang si Jared naman ay hinihintay ako sa gate ng subdivision namin. Lagi na kaming sabay pumasok at sabay umuwi. Mas nagiging close pa kaming dalawa ni Jared kahit one week pa lang kaming nagkakilala. Wala pa rin ata siyang alam sa kasal na naganap sa pagitan namin ni Kiel.

Nagulat na lang ako na malaman kong mag bestfriends pala noon sila Jared at Kiel. Kaso nag migrate si Jared sa ibang bansa. Nakaka lito lang na mag bestfriends sila pero hindi na sila nagpapansinan ngayon na kala mo naman hindi sila magkakilala.

Sumali si Jared sa basketball team na hawak ni Kiel. Si Kiel kasi ang captain nila. Sabi ni Jared, sobrang hirap daw ng training bago siya makapasok kaya ayun palaging pagod at gutom. Pero okay na din dahil nakapasok na din naman siya kaya ngayon naghahanda na sila para sa basketball league nila.

"Oh kamusta practice?" Tanong ko pagkaupo ni Jared sa tabi ko

"Okay naman medyo nakakapagod pero pagnakikita kita, nawawala yung pagod ko," Sabi ni Jared habang nakatingin sa akin

Napataas ako ng kilay at napatawa, "Sira ka talaga. Umayos ka na dyan dadating na yung teacher natin," Sagot ko

"Ito naman. Naglalambing lang ako," Tapos nag pout siya

Napangiti ako, "Sus. Tampo na agad? Ang emo talaga no?" Tanong ko habang tumatawa at siyang pasok na din ng teacher namin

Medyo nawawala ang stress ko simula nang makasama ko si Jared. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya plus medyo nawawala na rin yung pagkagusto ko kay Kiel. Hindi ko alam kung good news yun o bad news pero ewan ko ba simula nung nakilala ko si Jared ay hindi na siya nawala sa isip ko. Palaging si Jared laman ng isip ko.

Siguro nga hindi ko na nagagampanan ang pagiging asawa ko kay Kiel dahil na rin sa kasunduan naming dalawa. Okay lang may third party sa pagitan naming dalawa. Pro hanggang kailan? Hanggang kailan ko makakayanan ang pagkakaroon ng third party sa pagitan naming mag asawa?

"Sabay na tayo." Sabi ni Jared habang inaayos yung pagkakasukbit ng bag niya sa balikat niya

"Ngayon mo lang sinabi sa akin yang 'Sabay na tayo,' pro lagi naman tayong magkasabay," Sabi ko

"Oo nga no? Hayaan mo na. Halika na nga." Sabi niya at saka kami sabay na naglakad palabas ng school.

Nagintay kami ng bus ng ilang minuto bago pa naka sakay ng bus. Medyo siksikan pa sa loob ng bus. Buti na lang at may nakita pa kaming bakanteng upuan.

Umupo na si Jared sa harap ng bintana tapos ako pero nagulat na lang ako nang biglang tumabi sa akin si Kiel. Napapagitnaan nila akong dalawa.

"Farrah, may gagawin ka ba bukas?" Biglang tanong ni Jared

"Ha? Hmm, wala naman. Bakit?"

"Yayayain sana kitang lumabas bukas para mag lunch lang. Saturday naman. Okay lang?"

"Wala bang pagkain sa inyo at kailangan sa labas ka pa kumain?" Biglang sabat ni Kiel

Napatingin ako kay Kiel at nakatingin din siya sa akin, "Hindi naman sa ganun Kiel. Gusto ko lang makasama si Farrah bukas. Okay lang naman di ba Farrah?" Sabi ni Jared

Pinandilatan ako ni Kiel pero hindi ko siya pinansin. Humarap ako kay Jared at ngumiti, "Oo naman. Wala naman akong gagawin bukas at saka boring din sa bahay dahil palagi naman akong walang kasama." Emphasizing na wala akong kasama. Si Kiel kasi alam ko aalis nanaman siya bukas at makikipagkita kay Candice kaya maiiwan nanaman ako.

"Anong wala kang gagawin? Madami kang gagawin bukas. At sino may sabing wala kang kasama? Pupunta ako sa inyo bukas. Madaming madami kang gagawin at pupunta ako sa inyo kaya bawal kang lumabas ng bahay." Sabat ni Kiel

"Teka, bakit mo ba siya pinangungunahan Kiel? Ano ka ba niya? Wala naman di ba? Kaya kung pwede lang hayaan mo na lang na lumabas kami ni Farrah bukas,"

Hindi na sumagot si Kiel. Ramdam ko yung init sa pagitan nilang dalawa. Parang nagkakaasaran na. Anong gagawin ko? Sasama ba ako kay Jared o susunod sa sinabi ni Kiel? Pero bakit ko siya susundin? Pag siya nga lalabas at makikipagkita kay Candice, hindi ako nakekeelam, kaya bakit siya nakekeelam kung ako naman ang lalabas?

Ngumiti ako kay Jared at ganun din siya sa akin, "Anong oras ba bukas?" Tanong ko dahil pansin ko na na nagagalit na si Kiel.

"Before lunch time para sa labas na tayo kumain. Okay lang ba yun?"

I nodded, "Text na lang kita." Sabi ko

Buong byahe tahimik lang kami. Walang gustong magsalita. Si Jared, nakatitig lang sa labas at paminsan minsan at magtatanong sakin habang si Kiel naman naka sandal sa upuan niya, nakapikit habang nakikinig sa kung ano dahil sa earphones na nakapasak sa tenga niya

Pagkatapos ng mahabang byahe para sa akin, nakababa na din kami. Unang bumaba si Kiel at Jared saka ako hinintay makababa. Nakakailang pa dahil sabay nilang inabot yung kamay nila para alalayan akong makababa pero bumababa na lang ako mag isa. Baka kasi ibang commotion ang mangyari.

Nauna na kong maglakad sa dalawa. Ramdam ko naman na naka sunod lang sila sakin. First time kong makasabay si Kiel sa bus. Lagi kasi itong naka sasakyan kaya medyo nagulat talaga ako nang mag bus to.

"Farrah, dito na ako." Paalam ni Jared

"Okay Jared. Ingat ka." Sagot ko

Ngumiti sakin si Jared at nag nod naman kay Kiel. Tumugon naman si Kiel sa ginawa niya.

Naglakad na ako. Inunahan ko na si Kiel. Sigurado akong sabon ako nito paguwi ng bahay.

"Lalabas ka bukas ng iika ika? Tignan mo nga yang sarili mo, ni hindi ka nga maka lakad ng maayos dahil dyan sa cast mo," Sabi ni Kiel

"May walker naman ako kaya kaya kong maglakad bukas," Sagot ko

Hinawakan niya ako sa braso kaya napa tigil ako at napaharap sa kanya. Lumuhod siya sa harap ko, "Sakay na."

"Wag na kaya ko na,"

"Malayo pa tayo. Sumakay ka na para mabilis ang paglalakad."

Ginawa ko na lang yung sinabi niya kesa makipagaway pa.

Pagpasok namin ng gate, napansin kong wala yung sasakyan ni Kiel.

"Nasaan yung sasakyan mo?"

"Nasa pagawaan." Sagot niya awt daretso kaming pasok ng bahay. Iniupo niya ako sa sofa at siyang tabi niya sakin na naguunat. Bumigat ata ako.

"Hindi ka pwedeng lumabas bukjas."

Napatingin ako sa kanya, "Ano?"

"Tulungan mo si Ate Violy sa gawaing bahay dahil wala si Manang."

"Pero may lakad ako."

Tumingin siya sakin, "Hindi ka lalabas."

"Bakit?"

Napakamot siya ng ulo, "Hindi ka lalabas. Basta. Walang lalabas sa ating dalawa bukas."

"Teka nga, ano ba kita para pagsabihan ako? ngayon lang ako lalabas. Ikaw nga palage ang lumalabas at nakikipagdate kay Candice eh."

Tumayo si Kiel at humarap sa akin "Ano kita? Asawa lang naman kita. Oo lumalabas kami ni Candice pero alam mo naman yun at pumapayag ka. Ako, hindi ako pumapayag. Kung gusto mong makipagdate sa iba na lang at wag kay Villafuerte."

Nakakunot ang noo ko, "Ano bang problema mo? Si Jared lang ang kaibigan ko sa school alam mo yan. Hayaan mo na nga ako sa sarili ko."

"Pabayaan? Asawa kita Farrah. Asawa kita."

Napa smirk ako, "Asawa? asawa mo ako? kelan pa? buti ikaw alam mo, kasi ako hindi eh. Ang akala ko nga ay dorm mate lang kita." Sabi ko sabay talikod papaakyat.

"Basta ayoko kay Villafuerte! that's final!." sigaw ni Kiel

"Che!" sigaw ko pabalik kay Kiel tapos ay binagsak ko ang pinto ng kwarto saka nagsisigaw sa galit habang naka taklob ang unan sa muka ko.

"Asawa? eh hindi ko nga ramdam na asawa kita eh. Bwiset ka!!."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin