Kabanata 18 - Kiel

5.1K 76 11
                                    

Maaga akong nagising. Hindi na ako papasok ngayon kahit pwede na. Mag rerelax na lang muna ako. Sobra pa akong na stress sa mga pangyayari tapos ito pang marriage ko at yung girlfriend ko.

Si Candice. Hindi naman kami talaga naghiwalay. Space lang para sa isa't isa. Gaya nga ng sabi niya, masyado akong aloof at nawawala ang attention ko sa kanya.

Naligo na muna ako. Mainit ang pakiramdam ng katawan ko. Hindi pwede akong lagnatin.

Nang matapos ako, dumaretso ako sa kwarto ni Farrah. Pero walang sumagot kaya pumasok na ako. Maayos na ang kama niya at walang tao. Inilapat ko yung tenga ko sa pintuan ng cr niya para malaman ko kung naliligo langsiya. Hinawakan ko yung door knob. Hindi naka lock. Kumatok ako pero wala din sumagot.

Dumaretso baba na lang ako. Mag so-sorry na sana ako sa ginawa ko kagabi kaso wala naman siya kaya wag na lang.

"Manang, nasaan si Farrah?" Tanong ko kay Manang Medz habang nagluluto ng almusal

Kumukuha ako ng tubig sa ref ng medyo tumigil siya sa pag luluto at nag salita

"Umalis na"

Napatigil ako, "Saan po nag punta?"

Humarap sa akin si Manang Medz sabay lapag ng pot holder na hawa sa working table, "Nakauniform nung umalis. Pumasok na yun."

"Ahh, ano pong gamit na sasakyan?" Wala kasi kaming sasakyan. Ibabalik ko pa yung ginamit namin kahapon

"Sabi niya byahe lang daw siya. Kaya nga nagmamadaling umalis dahil baka daw ma traffic at late na daw kasi siya." Sabi ni Manang tapos ipinagpatuloy na yung pagluluto

Ibinalik ko na yung hawak kong tubig. Hindi siya marunong mag commute. Unless mag tricycle siya mula dito hanggang School. Pero malaking bayad yun.

"Sige po manang. Nood lang ako ng TV." Sabi ko sabay alis ng kusina

"Hindi ka ba papasok?" Habol tanong niya

"Hindi na po. Sa susunod na linggo na lang. Baka po kasi mahalata sa school. Bakit po?"

"Wala naman. Papadalhan ko lang sana siya ng pagkain sayo dahil hindi siya kumain kanina."

Nag nod ako, "Sige po."

Sira ulo talaga yung babaeng yun. Baka mamaya atakihin na naman siya ng migraine niya dahil sa hindi niya pagkain. Over used pa man utak niya.

Dumaretso na ako sa entertainment room at nagbukas ng TV. Walang kwentang TV. Walang magandang panoorin.

I keep on flipping through channels. Wala akong mapanood na maayos. Hindi sa ayaw ko ng mga palabas sa cable kundi dahil hindi ako makapag concentrate since iba naman ang nasa utak ko. Dalawa lang naman. Si Candice at si Farrah.

Si Candice. Kasi sobrang miss ko na siya pero may kasalanan naman ako sa kanya. Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa sarili ko na mahal ko si Candice? paulit ulit na. At uulitin ko pa kung kinakailangan. Alam ko sa sarili ko kung sino ang mas matimbang sa puso ko. Kilala ko. At hindi ako nagkakamali.

At si Farrah. Dahil asawa ko na siya. And I'm still wondering kung paano ko paninindigan ang mga gusto niyang mangyari? Sumasakit na ulo ko at lalo akong nai-stress.

Tumayo ako at dumaretso sa kwarto. Itutulog ko na lang to.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now