Kabanata 21 - Farrah

5.1K 84 10
                                    

Maghapon na kaming magkasama ni Jared. Sinamahan ko na siya dahil wala pa siyang masyadong alam sa school namin kaya ako na yung nagturo sa kanya lahat lahat. Parang bayad na din sa pagbalik niya ng libro ko.

"Dito naman yung canteen namin. Maraming nang pagkain dito kaya hindi mo na kailangan lumabas pa. Dito na rin halos lahat ng students kumakain tapos meron pa isang canteen don sa kabila pero maliit lang." paliwag ko habang papasok ng canteen

"Ah malaki nga ito. Ang daming students buti hindi mainit dito no?"

"Ahh oo. Pina aircon na nila dahil na rin sa sabay sabay ang lunch break ng lahat kaya medyo crowded. Buti nga at nagkaron pa ng isang canteen kundi suffocated na tayo dito," Paliwanag ko

"Oo nga tapos imagine-in mong walang aircon dito. Halo halong pawis at amoy na,"

"Yuck,"

Sabay kaming natawa.

Mabait si Jared. Gentleman at gwapo. Boy Next Door ang dating.

"Tara order na tayo," Sabi ko saka pumunta sa pilahan. Nasa likod ko lang si Jared.

"Hi Farrah,"

"Hello," Ngiti ko

"Oorder ka?"

"Oo. Medyo gutom na nga ako eh,"

"Una ka na,"

"Naku wag na. Nakakahiya naman,"

"Hindi okay lang. Sige na. Hindi pa naman ako ganun kagutom eh,"

"Sure ka? Naku! Salamat ha." Sabi ko sabay hila kay Jared

Mabilis kaming naka bili ng pagkain dahil halos lahat ng kilala kong lalaki ay pinapauna ako pero syempre, sorry sila. Hindi nila ako tinatanong kung may kasama ako o wala. Kaya hinihila ko si Jared.

"Grabe," Sabi ni Jared pagkaupo namin

"Bakit?"

"Kung nakakamatay lang ang titig ng mga lalaki tapos hinila mo ako, lahat sila binigyan ako ng death glares. Nakakatakot."

Tumawa ako, "Hayaan mo na. Yun lang naman kaya nila. Dahil pag sinaktan ka nila lagot sila sa akin,"

"Ang dami mong manliligaw no?"

"Sus hindi no,"

"Anong hindi? Tignan mo nga, halos lahat sila nakatingin sa akin ng masam dahil kasama kita. Kulang na lang ay batuhin nila ako ng kutsilyo ng mga yun. Sikat ka pala ano?" Sabi niya habang paikot ikot yung tingin sa canteen

Tumawa ulit ako, "Kumain ka na nga lang at wag mo silang intindihin."

Nagumpisa na din siya kumain habang napapailing. Parang mali ba na sinamahan ko siya? Friendly lang eh.

Inikot ko yung tingin ko sa canteen at tama nga siya. May mga tumitingin tingin nga sa amin. Bakit? Anong problema nila?

Sa kakatingin ko, napansin ko sila Candice at Kiel na nakaupo malapit lang sa amin. Masaya silang dalawa. I looked at Kiel.

Tss. Parang walang asawa ah. Sige mag enjoy ka lang. Kala mo ha.

"Oh bakit ka nakasimangot dyan? Ngumiti ka nga. Hindi bagay sayo." Sabi ni Jared

Napatingin ako kay Jared, "Eh kasi naman eh. Basta! Bilisan na lang natin at umalis na tayo dito. Ipapasyal pa kita sa buong school."

Nag nod si Jared, "Okay."

Binilisan ko nang kumain. Ganun din si Jared. Nagkwentuhan din kami habang kumakain.

"Tapos ka na?" tanong ko kay Jared

Nag nod siya tapos sumandal, "Busog."

Napa ngiti ako. Kung titignan kasi si Jared, parang anak mayaman kaya feeling ko hindi siya komportable dito pero hindi pala. Nabusog pa siya.

"Tara na?" Aya ko sabay tayo

Sumunod lang siya sakin.

Saktong paglabas namin ng canteen, nag alarm na yung bell. Hudyat na tapos na ang break.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now