Kabanata 7 - Farrah

6.1K 103 10
                                    

Ngani-ngani kong magimpake ng lahat ng gamit ko at maglayas nang walang balikan. Gusto kong magalit kay Mama pero bakit hindi ko magawa? Hindi ko kaya. Naaawa ako kay mama pero naiiyak din ako sa desisyon niya. Wala man lang munang habilin bago siya sumangayon. Naiiyak na ko pero tinatago ko lang yun. Ayaw kong magpatalo. Hindi ako iiyak sa konting bagay lang. Baka masolusyunan ko to.

Pero nakaka adik at nakaka baliw ang mga pangyayari. Ang sinasabi ni mama na good news ay bad news sa tenga ko.

Anu nga ba ang magagawa ko? Meron pa bang natitirang solusyon? Sana pala ay nagpaligaw na lang ako kung kani kanino dyan sa kanto kesa makasal sa isang taongkahit pangalan ay hindi ko man lang alam. Ni sila nga hindi nila kilala yung lalaking ipapakasal nila sakin tapos pumayag na sila? Incredible lang talaga.

Tumingin ako kay papa nang galit. Masama ang loob ko sa kanya dahil alam niya lahat ng planong to pero hindi niya sinabi sakin o kahit man lang hingin ang permiso ko.

"A-rrange marriage?" naiiyak at natatawang tanong ko "Hindi na uso yun. I mean, that so old school." sabi ko habang tinitignan sila pareho sa mata. Nakayuko si Mama pero si Papa nakatingin lang sakin. Mata sa mata.

"Bakit?" Tanong ko ulit dahil ayaw nila magsalita, "Bakit biglaan? Ni hindi ko kilala yung papakasalan ko. He's a total stranger. Malay mo drug addict siya. Malay mo masama siyang tao. You don't know pero pumayag kayo? Kayo na may sabi na hindi niyo pa nakikita yung lalaki but then ipapakasal niyo ako sa kanya? Bakit Ma? Pa? Bakit ganito? Sunud sunod na tanong ko

"Pasensya ka na anak. Wala akong choice. Nagulat na lang din ako ng malaman ko iyon. Ang lolo mo ang gumawa ng desisyon na yon. Nakapag-usap na kami ng mother-in-law mo. Maayos ang mapapangasawa mo. I know his parents though hindi ko pa talaga name-meet yung mapapangasawa mo. Okay sila anak. Okay sila sayo at agree ang buong pamilya sa ganon. Hindi naman kami papayag ng Papa mo kung alam naming mapapahamak ka lang," Hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama na nasa table, "Sab please intindihin mo. Malaki ang utang--"

I cut her off, "Alam ko yun Ma!!," Napasigaw na ako. Oo alam ko lahat. Lahat pero kahit minsan hindi pumasok sa utak ko ang magpakasal para lang mabayaran lahat ng utang namin, "Alam ko, malaki ang utang ni lolo sa pamilya nila pero hindi naman ata tama na ako ang maging kabayaran sa lahat ng yon. Ma, Pa, this is so unfair." Naiyak na ako sa inis.

Tumingin ako kay papa, "At alam niyo ba kung anong masakit sa lahat ng to? Yun yung alam mo pala pero kahit konti hindi mo man lang nabanggit sakin," Sabi sabay walk out

Hindi ako papayag. This is crazy. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang.

Dumaretso akong uwi. Nakakapagod ang buong maghapon. Nakakapagod ang stress, puyat at disappointments.

Pumasok ako sa kwarto. Ako lang magisa sa bahay, lahat sila nasa hotel. Sigh. Sayang naman ang damit ko at ang ayos ko ngayon. Sayang ang lahat kung badtrip naman ang may dala ng damit na to. Nagayos pa ako tapos wala din naman nangyari sa maganda kong gabi.

~~

I made up my mind. Kung hindi ko mababago ang utak nila mama, aalis na alng ako. Kahit saan ako pumunta o makarating, wala akong pakialam basta ang nasa isip ko ngayon ay ang makatakas sa mga kalokohang nangyayari. Im only seventeen and rebellion isn't late for me.

Gusto kong makatakas sa fiance kong kahit pangalan ay hindi ko alam. Who cares? Wala akong pakialam kahit yung pinaka gwapong alien pa ang mapapangasawa ko. Aalis ako. Doon sa malayo yung walang makakakilala sa akin. Baliw na ako pero ito lang ang natitirang solusyon na nasa isip ko sa mga oras na to.

Mabilis kong nilagay sa isang bag ang lahat ng gamit ko at lahat nang kakailanganin ko pa. Nag antay lang ako ng ilang oras. Alam kong sisilip pa si Papa sain dahil gabi gabi niya akong chine-check kaya nagpanggap pa akong tulog.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now