Kabanata 31 - Farrah

5K 61 4
                                    

"Ba't andito ka pa?" Tanong ni Jared sa akin ng lumabas ito galing Gym. Nasa harap kami ng pintuan ng GYM

"Hinihintay ko si Kiel eh. Nasa loob pa siya di ba?"

"Oo. Nagsha shower lang. Sige una na ako sayo. Alam mo na, baka magalit na yun sayo pag nakitang magkausap pa tayo."

Nagnod ako saka ngumiti. "Ay teka Jared!"

"Bakit?"

"W-wala naman.. Ingat ka."

"Namiss mo ko ano?" Pangaasar ni Jared

Nagsmile ako tapos yumuko "Medyo." Totoo naman kasi. Namiss ko din siya.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang kinurot yung pisngi ko, "Cute."

Naramdaman ko na biglang uminit yung pisngi ko. Siya lang nagsabi sa akin nun.

Tumawa si Jared tapos nag lakad na papaalis.

Hinawakan ko yung pisngi kong kinurot ni Jared. Bakit? Bakit parang iba ang feeling ko? Bakit parang may something sa tyan ko? OMG~! Gutom na akoo!

Pumasok na ako ng Gym at nakita si Kiel na naglalagay ng gamit sa bag sa isang bench. Lumapit ako.

"Kiel,"

Humarap si Kiel sa akin "bakit andito ka pa? Gabi na ah. Sabi ko di ba mauna ka na?"

Tumalikod ako bigla. Kahit na magkasama na kami sa iisang bahay at ilang beses ko nang nakitang naka topless si Kiel iba pa rin ang feeling ko ngayon.

"Eh kasi, magpapasama sana ako sayo. Gutom na kasi ako." Sabi ko habang nakatalikod pa din

"Pwede ka nang humarap. Ano naman kakainin mo? Saka magpre prepare na rin naman ako ng food natin pagkauwing pagkauwi natin eh."

Humarap ako kay Kiel. May t-shirt na siya.

"Basta. Saka..."

"Saka?"

"Saka.. Sasamahan mo ba ako o hindi?"

"Pagod na kasi ako --"

"Okay. Si Jared na lang isasama ko." Tapos tumalikod na ko

"Teka!." Hinawakan ni Kiel bigla yung kamay ko, "Wala pa naman akong sagot ah."

Humarap ako kay Kiel, "Pero pagod ka na. I understand." Kinuha ko yung cellphone ko tapos dinial yung number ni Jared

Biglang kinuha ni Kiel yung cellphone ko saktong nag hello na si Jared. "Wala pare. Wrong dial lang ako. Sorry." Sabi ni Kiel habang nakatingin sa akin ng masama na akala mo ay kakainin ako ng buhay

"Hintayin mo ako dito. Kukunin ko lang yung bag ko tapos aalis na tayo. Wala akong dalang sasakyan ngayon. Hiniram ni Vince. Mag bus tayo." Binitawan ni Kiel yung kamay ko tapos tumakbo pabalik sa bench para kunin yung bag niya tapos tumakbo na ulit pabalik sa akin.

"Halika na." Hinawakan ni Kiel yung kamay ko tapos sabay kaming naglakad palabas ng GYM

For the first time sa pagiging magasawa namin, nagholding hands kami. Achievement to!

"Teka, Pano ka nga pala nagka phone?" Tanong ni Kiel habang naglalakad na kami papunta sa bus station

Hindi ako kumibo.

"Ui!.. Sabi ko pano ka nagkaphone? Binili mo ba ito?"

"Hindi. Bigay lang yan sakin."

"Talaga? Nino? Ang bait naman nun."

Yumuko ako. Alam kong magagalit siya pero mas magagalit siya pag nagsinungaling pa ako, "Si Jared."

Napahinto si Kiel sa paglalakad tapos humarap sa akin, "Akin na muna ito. Bibilhan kita ng bagong phone. Ako na rin magsasauli nito sa kanya." Tapos ngumiti si Kiel at nagpatuloy na ulit kaming maglakad.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora