Kabanata 33 - Farrah

4.5K 63 5
                                    

"Farrah, aalis na ako," Rinig ko na sinabi ni Kiel pero hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin at hindi ko kayang idilat ang mga mata ko sa sobrang antok ko ngayon.

Ramdam ko pa ang paghalik ni Kiel ang pisngi ko at narinig ko pa ang paglabas niya ng kwarto ko.

After minutes siguro o hindi ko alam na ilang oras, nawala na yung sobrang pagka antok ko kaya tumayo na ako at naligo. Laro ni Kiel ngayon kaya manonood ako at magchicheer sa asawa.

Habang naghahanap ng damit para maisuot ay may napansin akong ang isang malaking box na nakapatong sa lamesa ko.

To my wife Honeylove,

Honeybabe, Good morning! Gift ko para sayo! You don't have to give me gift in return. Just stay beside me is all I want. I already cooked a breakfast for you. Kung gusto mong manood ng laro ko, I reserve a seat for you. ;) Kay? See you!

--Your husband, HoneyLove

Napangiti ako tapos dali daling binuksan yung box. Meron doong isang white shirt na may nakasulat na I ♥ Honeybabe, saka isa pang maliit na box na nakabalot pa sa isang pink na wrapper at may white na ribbon.

Binuksan ko iyon na excited. Cellphone ang laman noon tapos may maliit na sulat.

Honeylove! Suotin mo yung T-shirt ha! Tapos pagnakita mo na tong Phone press 1 mo lang. ;)

Cute yung cellphone. Full touch screen yon tapos color pink yung kulay. Meron na rin yung chain na letter 'K' tapos nakasulat sa likod ay 'HoneyLove'.

Pinindot ko na yung phone para mag light na tapos ay nagbukas, nagtouch ulit siya para lumabas yung numbers saka niya priness yung number one

"Buti naman at nakita mo na. Nagustuhan mo ba?" Bungad ni Kiel sa kabilang linya

"Oo. Salamat."

"Buti naman at nagustuhan mo kala ko kasi baka ayawan mo kasi touch screen. Diba ayaw mo ng touch screen? Yaan mo tuturuan kita."

"Ok lang naman. Ang cute nga. Kelan mo ba to binili? Bakit parang hindi naman kita nakitang umalis ng bahay kahapon ah."

"Kagabi. Nung tulog ka na. Naalala ko kasi na wala ka pang phone kaya ayun."

"Kagabi? Eh gabi na tayo umuwi ah."

"Tss. Dami mo naman tanong, Loves. Pupunta ka ba dito?"

"Loves? Ah, oo nagaayos na nga ako. Binuksan ko lang tong regalo mo."

"Ah. Suotin mo yung t-shirt ha!.. Ingat ka! See you later Hon!" Tapos binaba na ni Kiel

Napailing na lang ako tapos sinuot na yung t-shirt na bigay niya at buti naman at sakto lang sa akin. Hindi masyadong masikip hindi din masyadong maluwag. Komportableng suotin.

Itinali ko na lang yung buhok ko saka bumaba para kumain. Nakita ko yung breakfast na pancake sa lamesa na ginawa ni Kiel para sa akin. Meron pang isang red rose sa lamesa.

Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi.

"Be my wife and I promise to court you forever." Sabi ni Kiel

"Forever? As in forever? walang bawian?"

"Tss. ang kulit naman ng asawa ko eh. Oo nga. Forever."

"Hindi naman ako makulit eh, sige na nga.."

Nagpout si Kiel "Wag na nga! Napilitan ka lang ata eh!.."

Bigla kong hinila yung t-shirt ni Kiel at kiniss ito sa lips pero mabilis lang. "I won't kiss you if napipilitan lang ako."

Napangiti ako at kinain na yung pancakes saka umalis ng bahay.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now