Kabanata 38 - Farrah

4.2K 58 8
                                    

Pagkatapos kumain ay pinaligo na muna ako ni Kiel habang siya yung nag huhugas ng mga pinagkainan namin. Niyaya niya kasi ako. Aalis daw kami at secret kung saan

Nang matapos akong mag ayos ay dumaretso ako sa kwarto ni Kiel. Kumatok ako sa pintuan niya. "Kiel, tapos ka na?"

Pero hindi sumagot si Kiel kaya pumasok na lang ako. First time kong pumasok dito.

"Kiel?"

"Nasa banyo!." Sigaw niya

"Ang tagal mo naman!"

"Hintay lang!.."

"Okay! Bilisan mo!.."

"Eto na!" Sabi ni Kiel tapos lumabas ng banyo habang naka tapis lang yung towel sa bewang nito.

Teka, bakit parang uminit ata? Kakaligo ko lang ah

"Lalabas muna ako.." sabi ko at akmang tatayo na sa couch

"Hindi okay lang. Don't worry may boxer shorts na ako." Sabi ni Kiel tapos tumalikod sa akin at nagsuot ng Short niya na nasa kama habang meron pa rin towel sa bewang.

Napa kagat labi ako. Hindi naman kasi yun eh. Nakikita ko yung abs niya. Nagiinit ako dito.

Tapos humarap si Kiel sa akin at tinanggal yung towel. Nakasuot na ito ng pants pero wala pa ring shirt.

"Bakit ka naka dress?" tanong ni Kiel sa akin

"Wala na akong pants eh. Ayaw mo naman akong pag suotin ng shorts,"

"Mag short ka na lang. Basta wag yung super short shorts ah. Ang panget ng legs mo eh."

Nanlait pa talaga? Para naman ang ganda ng legs niya. Legs ko nga ang pinaka sexy sa katawan ko eh. Tss. "Yabang. Ikaw na may magandang legs." Sabi ko tapos binato ng throw pillow si Kiel at saka naglakad palabas ng kwarto.

Hindi pa ako nakaka labas ng ayos ay naramdaman ko na yung pag yakap ni Kiel mula sa likod ko.

"Farrah..."

"Ano?"

"Magbihis ka na.."

"Baliw ka talaga ano?! Baka gusto mong bitawan muna ako para makapagbihis na ako?"

Humigpit yung yakap ni Kiel. "Ayaw kitang bitawan. Ayaw ko."

"Ngee. Pano ako magbibihis nyan?"

"Wag mo akong iwan. Sama ako."

"Magbibihis ako sasama ka?"

Nagnod si Kiel habang naka tuon ang ulo nito sa balikat ko.

"Sira ka talaga. Bitaw na para makapagbihis na ako. Babalik ako. Ano ka ba, ayun lang kwarto ko oh." Turo ko sa pinto ng kwarto ko

"Sama pa rin ako."

"Oh siya siya! Halika na. Para makaalis na tayo."

Humiwalay si Kiel at hinawakan ako sa kamay at saka hinila papasok ng kwarto ko.

"Sa harap ko ha!" Ngiting sabi ni Kiel pagkaupo sa kama sa kwarto ko.

"Ano?! Gusto mo sapak. Umayos ka nga." Sabi ko tapos papasok na ng banyo pero nahawakan ako ni Kiel at niyakap na naman mula sa likod

"Wag na lang kaya tayong umalis?"

Humarap ako sa kanya, "Bakit?"

Naka yakap pa rin yung kamay ni Kiel sa bewang ko, "Dito na lang tayo."

"Okay lang sakin. Pabor ako dyan. Pero ano naman gagawin natin dito? Sabado ngayon. D-day natin."

"Madami. Madami tayong pwedeng gawin at mageenjoy ka. Magiging busy tayo pareho." Tapos ngumisi ito

"Madami? Tulad naman ng ano?"

Bumulong si Kiel, "Gawa tayo ng first baby natin,"

Bigla kong tinulak si Kiel kaya natumba ito at naka higa sa sahig.

Compose yourself Farrah. Paalala ko sa sarili, Naku! Isa na lang at papatulan ko na tong lalaking to talaga, "KIEL!"

"Joke lang~! ang OA mo." Sabi ni Kiel tapos tumayo na sa sahig.

"Hindi joke yun! Asar ka!"

"Eh bakit ba? Mag asawa naman tayo ah. Saka nagtatanong lang naman ako! Yun eh kung gusto mo lang naman."

"Che! Aalis tayo! Aalis tayo! delikado pala akong maiwan sayo magisa eh! Tatawagan ko na nga si Manang para bumalik na!" Sabi ko tapos ay pumasok na ng banyo.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now