Kabanata 20 - Farrah

5K 76 7
                                    

Back to normal na ang lahat.

Gaya ng sabi ko, babalik din lahat sa simula. May mga konting pagbabago. Gaya ngayon, mga hindi inaasahang pagbabago sa buhay may asawa ko. Pero kahit na ganito, atleast may pagbabago pa rin naman.

One month na ang nakalipas simula ng kasal namin ni Kiel. Legal na rin iyon sa ibang bansa at legal na dito sa Pilipinas dahil na approved na dahil sa legal consent na pinadala ni Mama Isabel.

Ano nga ba ang mga pagbabago simula noong kasal namin ni Kiel?

Ito, hindi na talaga ako kinakausap ni Kiel sa labas man o sa loob ng bahay. Mga konting usapan lang. Gaya ng 'Mauna na ako sayong pumasok,' tapos puro si Ate Violy at Manang Medz na ang nakakausap ko maghapon.

Pag umalis si Kiel, hindi na siya nagpapaalam sa akin at hindi ko na rin inaalam kung saan siya pupunta dahil alam ko na naman kung saan siya pupunta. Nagka balikan na din sila ni Candice habang kasal kami. Okay lang. Pumayag naman ako sa ganung sitwasyon, una pa lang. At hindi naman si Kiel ang humiling nun, ako mismo ang yung nag sabi sa kanya.

Payag ako sa ganun kahit hindi ko alam kung sino ang kabit sa amin ni Candice, kung ako ba o siya.

Lumipat si Candice ng section. Hindi ko alam kung bakit. Lagi naman kaming nagkakasalubong sa school dahil same building lang naman kami. Nag ngingitian pero walang imikan. Madalas ko silang makitang magkasama sa school. Magkayakap. Magkaholding hands. Nagtatawanan. Sabay sa lahat at kung anu ano pa. What else can I do? Ako ang gumawa ng ganung contract sa pagitan namin.

Pangangatawanan ko na alng ang kontrata dahil half a year lang naman kami magsasama. Makakayanan ko na rin to.

Sa february, tapos na ang lahat.

"Mauna na ako sayo," Sabi ni Kiel sabay labas ng pintuan na hindi man lang inintay yung sagot ko

"Okay. Ingat ka," bulong ko kahit wala na si Kiel

Nagsasapatos pa lang ako umalis na siya. Narinig ko na lang yung pag harurot ng kotse ni Kiel.

Tumayo na ako. Wala nang pag asa tong pag sasamang ganito.

Napansin ko si Manang Medz na dala dala yung bag ko habang nakatingin sa labas kung saan galing si Kiel.

Ngumiti ako nang mapansin niya ako, "Mauna na po ako. Late na ako eh," Sabi ko habang kinukuha yung gamit ko kay Manang

"Oh sige anak. Magiingat ka. Hayaan mo na lang yang si Kiel."

"Opo. Okay lang po yun."

Ngumiti si Manang Medz sa akin, "Sige na. Umalis ka na at malayo ka pa,"

"Opo!" tapos tumakbo na ako paalis.

Wala akong kotse. Hindi din ako marunong mag drive at isa pa, wala din makitang driver sila Manang para sa akin.

Tuwing umaga, tinatakbo ko lang tong palabas ng subdivision namin. Wala kasing pumapasok ng tricycle dito dahil bawal nga. Lahat ng nakatira puro naka sasakyan. Ako lang ang katangi tanging tumatakbo palabas at naglalakad papasok.

Bago pa ako makarating sa sakayan ng bus ay sobrang pawis na pawis na ako sa pagtakbo sa umaga. Okay lang din. Kasi naisip ko na exercise ko na din ito. Para naman pumayat ako kahit konti. Tumaba na kasi ako dahil sa kakakain ko ng kung anu ano dahil sa depression ko.

Simula nung kinasal kami, walang araw ang hindi ako nadepressed.

Mabilis naman akong nakasakay ng bus. Buti na lang at hindi traffic kaya maaga akong nakarating. Nilakad ko na lang mula dun sa sakayan ng bus hanggang school. Malayo pa pero okay na din. Marami naman akong kasabay na mga estudyanteng naglalakad din.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now