Kabanata 8 - Kiel

5.7K 99 12
                                    

Connect with me!
Twitter: @OwtgWattpad
Facebook: Rozen Montefero
Facebook Page: Tales of Officialwhosthatgirl

----------

Nakatulog na si Farrah. Halatang pagod siya. Hinila ko ang ulo niya sa balikat ko. Medyo malamig ang panahon kaya nilagyan ko pa siya ng isa pang jacket. May jacket naman siya pero manipis lang.

Hindi ako makatulog dahil sa sobrang dami kong iniisip.

Iniisip ko kung pano ko mapipigilan ang kasalang magaganap. Paano nga ba? Hindi ko alam. Wala akong masagot. Parang exam na walang tamang sagot o walang tamang choices. Kahit essay hindi kayang sagutin. Math problem na walang solution. Walang formula.

"Hmm." ungol ni Farrah

Hinaplos ko ang ulo niya gamit ang kanang kamay ko tapos ay hinawakan ang kamay niya ng mahigpit saka marahang pi-nat ang balikat para makatulog ulit. Hindi ko alam kung anong problema niya pero may hihigit pa ba sa problema ko?

Nalulungkot ako dahil malungkot si Farrah. Nang makita ko siya kanina, iba ang aura niya. Kahit tumatawa at ngumingiti ay bakas pa din ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam kung pano siya ico-comfort since ayaw naman niyang sabihin ang problema niya sakin. Dahil kung balak naman niyang sabihin, hindi ko na kailangan tanungin. Siya na mismo ang magsasabi sakin.

Hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya. Ngayon, mas iniisip ko pa ang problema niya kesa sa problema ko. Ano ba ang pwede kong gawin para sumaya ito and at the same time ay makatakas sa problema ko? takas? Yun na nga lang ba ang kaya kong gawin? Ang tumakas sa lahat? Sa problema? Sa mapapangasawa ko? Ano na lang ang sasabihin ng iba? Immature ako? Bobo at hindi nagiisip? Paano si Candice? Anong mangyayari sa relasyon namin? Makikipaghiwalay na ba siya sakin? Hindi ko kakayanin pag nangyari pa iyon. Mahal ko si Candice more than anyone else. Oo. Mahal ko din si Farrah pero bilang kaibigan na lang.

At hingi na hihigit pa don.

Hindi na nga ba talaga hihigit pa don ang kayang kong ibigay na pagmamahal kay Farrah? Hanggang doon na nga lang ba talaga kaming dalawa? Ang maging magkaibigan habang buhay? Tulungan sa problema at hingian ng karamay? Yun nga lang ba talaga kami? Tapos na nga ba lahat ng nararamdaman ko para sa kanya? kaibigan na nga lang ba talaga si Farrah para sakin? Wala na nga ba talaga?

Minahal ko naman si Farrah. Mahal ko siya pero mas pinahalagahan ko yung pagkakaibigan naming dalawa kesa sa nararamdaman ko para sakanya dati. Atleast, ngayon, magkasama pa rin kaming dalawa. Mawala na ang lahat, nasa akin pa rin ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang babaeng nag pakita ng magandang mundo sa kabila ng lahat lahat sa buhay ko. Si Farrah yung babaeng nagkulay ng boring kong mundo.

Mas pinili ko ang friendship kesa ipagpatuloy ang panliligaw sa kanya. Alam ko at ramdam kong hindi ako kayang mahalin ni Farrah at hanggang pag kakaibigan lang talaga kami.

Itinuon ko ang pagmamahal na iyon kay Candice. Nung una isang panakit butas lang si Candice hanggang sa matutunan ko na rin siyang mahalin ng higit kay Farrah. Hanggang sa mawala na ng tuluyan lahat ng nararamdaman ko. Ngayon, mahal ko si Candice higit sa pagmamahal ko kay Farrah.

Two timer? Oo. Sa lagay ko ngayon, two timer ako. Mahal ko sila pareho. At mas pipiliin kong tawagin akong two timer. Makasama lang ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko. Si Farrah, ang minahal kong kaibigan at si Candice ang babaeng mamahalin ko habang buhay.

Hindi ko na alam kung anong oras na. Hindi pa ako nakakaramdam ng antok o kahit pagod. Manhid na nga siguro ako. Wala na akong pakialam. Bakit ganito? Bakit? Pauulit ulit kong tanong na kahit kaunting sagot ay walang pumasok sa utak ko. Ano pa ba ang pwede kong isipin kung lahat naman ay naisip ko na?

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now