Kabanata 22 - Kiel

5.2K 77 4
                                    

Kitang kita ko si Farrah mula sa kinauupuan ko. Magkatapat lang naman kami ng room kaya kitang kita ko siya. Sakto pa na tapat din kami ng inuupuan.

Magkatabi sila nung bagong studyante. Si Jared. Nakakainis lang dahil kahit saan mag punta si Farrah, nakasunod ng nakasunod si Jared.

Buti na lang at mabilis na natapos ang araw namin dito sa school. Lagot ka talaga sa akin Farrah. Para kang walang asawa sa ginawa mo ah.

Mabilis na akong lumabas. Susunduin ko si Farrah.

Ang kaso bago pa ako makarating sa room niya, nakita ko na siya agad kasama si Jared. Dahil maraming studyante hindi nila ako napansin. Nang medyo mauna na sila sa paglalakad, sumunod na ako.

Naiinis ako na hindi ko mawari. Bakit ba niya kailangan samahan at kaibiganin si Jared? Bad trip naman oh.

Biglang nadulas si Farrah. Nasalo naman siya ni Jared. Parang mag syota lang ang dating.

Lumapit na ako. Pinagtitinginan na sila ng mga ibang estudyante. Tss.

"Tumayo ka na nga dyan. Nakakahiya sa ibang tao." Sabi ko habang kay Farrah lang naka tingin. Ayokong tignan si Jared. Baka iba pa ang mangyari.

Biglang tumayo si Farrah at ngumiti pa kay Jared

"Nadulas kasi siya dude. Mas nakakahiya kung hahayaan ko siyang matumba magisa habang kasama niya ako hindi ba?"

Napa ngisi ako, "Careless as ever Farrah." bulong ko tapos umuna na ako. Dumaretso ako kay Candice. Nagpromise ako sa kanya na mag kakain kami ngayon.

Dumaretso na ako sa kotse. Dun ko na lang hihintayin si Candice. Saka kami dadaretso sa restaurant.

Inaayos ko na yung seatbelt ko nang mapansin ko si Farrah at Jared papalabas ng school.

Naka piggy back ride siya kay Jared. Hmm. Talagang nagpabuhat pa.

"Kiel," Tawag ni Candice

"Pasok ka na. Medyo gutom na ako." Sabi ko habang ina unlock yung kabilang pintuan ng kotse

Pumasok siya at nagsuot ng seatbelt, "Okay lang ba si Farrah?"

"Bakit?"

"Nakita ko kasi siya kanina. Hindi makalakad. Binuhat na lang siya ni Jared. Namamaga yung paa. Napilayan ata."

"Hindi ko pansin." Sabi ko at pinaandar na yung kotse. Dinaanan ko lang sila

"Tignan mo, kawawa naman. Hindi pa rin talaga siya sanay maglakad lakad," Sabi ni Candice habang naka tingin kila Farrah

Hindi na ako nagsalita. Kanina pa ako naiinis sa kanila. Sa canteen palang. Iba na yung pakiramdam ko. Nakakainis na.

Pag pasok pa lang nila ng canteen nakita ko na sila agad. Mukhang nag eenjoy si Farrah. Kala mo walang asawa kung makipagngitian at makipagtawanan kay Jared.

Isa pa, yung makipagusap pa siya sa ibang mga lalaki. Umpisa lang yan tapos sa susunod na, manliligaw na. Hindi pwede yun. Asawa na niya ako kaya lalong hindi pwede.

"Oh, ano bang gusto mo Kiel?" Tanong ni Candice. Nasa Sambo Kojin na kami ngayon.

"Ikaw na bahala. Kahit ano na lang," Sabi ko habang naka tingin sa cellphone ko

Usapan namin, itetext niya ako pag nakauwi na siya. May twenty minutes na kami ni Candice dito at yung arrival time pa? Sabihin na nating may mga thirty minutes na kami ni Candice dito.

So, pwede nang nasa bahay na siya pero bakit hindi pa rin siya nagtetext? Tsk.

"Ako na lang kukuha ng food natin. Hanap ka na lang ng table."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now