Kabanata 19 - Farrah

5.1K 72 4
                                    

"Matagal kang nawala. Na miss tuloy kita."

Napaharap ako sa nag salita. Si Candice. Naka tingin siya sakin at naka ngiti. Mas lalo akong nagiguilty.

Ngumti ako ng pilit, "Marami kasi akong ginawa." Sabi ko tapos naglakad na

Nagulat ako ng biglang yumakap si Candice sa akin.

"May.. problema ba?" Kinakabahang tanong ko

"Wala. Wala naman. Na miss lang talaga kita,"

Humarap ako para mayakap ko rin siya, "I miss you too. Okay ka na ba?"

Humiwalay siya sa yakap at tumingin sa akin. Mata sa mata. Ngumiti siya, "Okay na kasi okay ka na."

Kumunot yung noo ko, "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala ka bang sasabihin sa akin Farrah?" Tanong ni Candice

Natahimik ako. Anong sasabihin ko? Candice, kasal na ako sa boyfriend mo? Ganun ba sasabihin ko? Syempre pag sinabi ko yun, masasaktan si Candice. Alam yon ni Farrah. Pero pag mas pinatagal ko pa, lalo akong magiguilty sa isang bagay na hindi ko naman plinano at kahit na mahagip sa utak ko ay hindi nangyari.

Umiling ako, "Wala. Wala naman akong maki kwento sayo. Ano bang gusto mong malaman?"

Seeing Candice, it's like there's a big lump on my throat. Mabigat ang dibdib ko.

Ini link ni Candice ang braso ko sa braso niya at sumabay sa pag lalakad. "Okay. Wala naman. Baka lang may gusto kang ikwento sakin. Alam mo na, matagal na tayong hindi nagkita. Lagi na lang kasi akong mag isa. Puro practice ang ginagawa ko."

Nakarating kami ni Candice sa room na puro siya lang ang nagsasalita. Nagkukwento. Aaminin ko, may feeling nang awkwardness sa pagitan namin ni Candice.

Sa buong klase, magkakatinginan kami, magngingitian, magkasabay sa lahat pero hindi nag uusap.

Pinipilit kong umiwas ng tingin kay Candice pero binibigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti. Hindi ko na kaya. Kailangan nang malaman ni Candice lahat.

Ayoko nang madagdagan yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Parang akong inaatake ng asthma sa nangyayari.

Bago umuwi, dumaretso na muna ako sa gym kung saan nag papractice ng cheer dance sila Candice. Pinapanood ko lang siyang sumayaw.

Ang galing niya talaga. Lahat ng kilos niya swabe at full of grace. Dancer talaga.

"Oh," Iniabot ko yung isang bottled water na hawak ko kay Candice tapos umupo siya sa tabi ko

"Salamat," Uminom muna siya bago nagsalita ulit, "Bakit ka nga pala andito?"

"Wala naman, gusto ko lang mapanood ka. Na miss kitang sumayaw eh,"

"Ganon ba?" Tumawa siya, "Wala ka bang gagawin? o wala bang naiintay sayo paguwi mo? Baka naman nakakasagabal na ako sa inyo?"

"Ha? Niyo? Nino?" Kinabahan ako. Alam na niya?

Hindi ako tanga pag dating sa pagbabasa ng isip ng mga tao. Base sa kilos, galaw at pananalita. At kanina ko pa napapansin kay Candice na parang may alam na siya.

Ngumiti siya habang nagpupunas ng pawis, "Wala naman. Mauna ka na. Matagal pa tong practice ko. Gabi na kami natatapos." Sabi niya sabay tayo sa harap ko

"Sure ka? Wala kang kasama pauwi. Wala pa si Kiel."

Saying Kiel's name infront of Candice, hindi ata magandang term ang pangalan niya ngayon.

Umiling si Candice, "Oo naman. Don't worry, madami naman akong makakasabay umuwi. Hayaan mo na si Kiel. Masyado na siyang busy ngayon." tapos ngumiti siya at nag wave habang patakbo pabalik sa mga kasama niya

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now