Kabanata 35 - Farrah

4.4K 67 5
                                    

Next thing I know, naka yakap na ako kay Jared at si Jared ay pilit akong pinapatahan.

Tinap ni Jared yung likod ko, "Hush. Tama na, Sab. Tama na. Sabihin mo, may masakit ba? Ano bang nangyari? Okay ka lang ba?"

Umiling ako habang naka yakap pa rin kay Jared, "Walang masakit. Sobrang sakit, meron."

Bumitaw sa yakap ko si Jared para tignan yung mukha ko. Hinawakan niya iyon at pinunasan yung luha ko gamit ang mga thumb niya. Tapos ngumiti na labas yung dimples, "Saan ang masakit?"

Tinuro ko yung dibdib ko sa bandang puso ko, "Ang sakit na dito oh."

Ngumiti Jared at hinawakan ang kamay ko tapos tumingin sa court, "Dahil ba kay Kiel?"

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Jared. Pagkasama ko siya, feeling ko, sobrang secured na ako. Parang wala nang makakasakit sa akin pag si Jared ang kasama ko. Feeling ko buo na ako ulit.

"Hindi na masakit." Sabi ko

"Huh?" Takang tanong ni Jared

Tumingin ako kay Jared at ngumiti, "Ewan ko ba. Nung hinawakan mo yung kamay ko, nawala yung sakit. Nawala yung inis, galit, at kung anu ano pa na nararamdaman ko. Feeling ko, secured ako sayo."

Ngumiti si Jared na labas ang dimples. "Eh di dapat pala tayo ang nagpakasal eh."

"Ano? anong sinasabi mo?"

Nilaro ni Jared ang mga daliri ko "Ewan ko din ba. Nung hinawakan ko yung kamay mo, feeling ko nakagaan ako sa puso mo. Feeling ko, may nagawa ako. Yung inis, pagod, galit sa puso ko tuwing makikita ko si Kiel nawawala tuwing ikaw ang makikita ko. Parang nasa utak ko na ata ang pag alaga sayo. Kung pwede lang. Kung pwede lang, sakin ka na. Akin ka na."

Ngumiti ako.

"Mahal mo na ba si Kiel?" Tanong niya

Hindi ako sumagot. Mahal ko naman di ba? Pero bakit parang may something sa akin na ewan. Hindi ko masabi na mahal ko siya.

"Jared," Panimula ko pero bigla siyang nagsalita

"Kung mahal mo siya ibig sabihin wala na akong pagasa?"

Napa titig lang ako sa kanya, "Wala ka naman gusto sakin di ba. Bakit mo sinasabi yan?"

Tumawa ng mahina si Jared at tumayo saka humarap sa akin habang naka upo ako, "Hindi nga kita gusto."

"See? ta--"

"Dahil mahal kita,"

Nagulat ako. Bakit tumatalon yung puso ko? Bakit ang daming kung ano sa loob ng tyan ko? Mahal ko si Kiel hindi ba? Pero bakit iba ang impact sa akin nung sinabi ni Jared? Mahalaga si Jared sa akin. Oo. Magkaiba ang mahalaga sa mahal. Spelling. Pero, SERYOSO!

Si Jared? Si Jared lang naman ang ideal man ko. Matangkad. Gwapo. Maputi. May dimples. Gentleman. At higit sa lahat sweet.

Ngumiti ako.

"Mahal kita Sab. Oo at sa dalawang buwan nating pagsasama, mahal na kita at hindi ko alam kung pano, kung kelan, kung saan nagumpisa. Basta ang alam ko mahal kita."

Umiling ako. Mali. Kahit na gusto ko pa siya o mutual ang nararamdaman naming sa isa't isa o kung ano pa man. Mali pa rin dahil kasal na ako. Kasal ako sa taong mahal ko, "Salamat. Pero, kasal na ako Jared. Alam mo yan."

Ngumiti si Jared. "Alam ko. Kaya nga kung hahayaan mo lang ako, ipaparamdam ko sayo ang halaga mo sa buhay ko. Mahalaga ka para sa akin. Kahit ano gagawin ko para lang sayo. Kung sana, may chance pa ako para dyan sa buhay mo.. Hayaan mo ako. Dito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Kahit iwan ka pa ni Kiel."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now