Kabanata 10 - Kiel

5.6K 85 9
                                    

Mula nung sunday hanggang ngayon, naka ilang miss call na sila mama sakin. Pero kahit isa hindi ko sinasagot. Ganun din si Farrah. Nakitira kami ni Farrah kila Leah. Wala naman kasi ang parents niya dahil nasa abroad pareho at Lola lang niya ang kasama niya.

Kinausap ko na din yung lola niya about sa situation ko at ganun din si Farrah pero hindi niya sinabi sakin yung dahilan niya kung bakit siya naglayas. Welcome naman kami ni Farrah pero hindi kami nakapasok ng dalawang araw.

Natakot kasi kami na baka andun sila mama or mama niya.

"Hindi na naman tayo makakapasok ngayon?" tanong ni Farrah habang nakapout

Naka upo kami sa labas ng bahay ni Leah.

"Bakit? Gusto mo na ba pumasok?"

Nag nod siya, "Naiinggit ako kay Leah. Gusto kong pumasok ngayon."

Di ako sumagot. Baka kasi andun sila Mama. Delikado.

"Tara na. Pasok na tayo." Aya niya

"Wala tayong uniform." Ayoko talaga.

"Ano ka ba. Wednesday ngayon. Civilian day."

Oo nga pala. Isip Kiel. "Pano mga gamit natin?"

"Andyan naman si Lola. Di naman mawawala yan."

Napakamot ako ng ulo. Walang lusot. "Sige. Bahala ka."

Pinagayos ko na si Farrah agad para maka sabay kami kay Leah pag pasok. Classmates sila Leah at Farrah kaya alam kong magiging okay siya dun.

Kinausap ko pa yung guard sa school dahil naiwan ni Farrah yung ID niya sa bahay nila. Buti na lang pumayag yung guard. Yun nga lang may record na siya dun sa mga studyanteng walang ID.

Hinatid ko na sila sa room nila. Magka tapat lang naman yung room namin pero magkabilang building. Pagka hatid ko sa kanya, pumunta na din ako sa room ko.

Madaming nagtanong agad kung bakit nawala ako at si Farrah nang sabay. Ang akala nila, nagtanan na kami ni Farrah. Medyo natawa pa sa kumalat na chismis na ganun.

Wala si Candice. Absent daw sabi nung mga classmates nila Farrah. Tatawagan ko na lang siya o kaya ay pupuntahan sa kanila. Ilang araw ko na din kasi siyang hindi kinokontak. Baka nagaalala na din yun o baka may sakit na naman siya.

These past few weeks, sakitin na si Candice kaya talagang nagaalala ako pag umaabsent siya.

Mula sa kinauupuan ko, kita ko si Farrah. Malapit lang din kasi siya sa bintana tulad ko. Active pa rin si Farrah sa klase kahit medyo matagal na siyang absent. Ganyan ata talaga pag pinanganak kang genius. Kahit hindi mag aral nakakasabay pa rin.

Buong klase pinagmamasdan ko lang si Farrah.

Ganun pa rin, tulad nang dati. Mannerisms and attitudes. Hindi nagbago. Mahilig pa rin siyang mag thumb suck tuwing sasagot ng question. Tahimik. Laging nakatungo. Still Farrah. Kahit matagal na kaming magkakilala, hindi pa rin siya nagbabago.

Mabilis na nagdaan ang mga oras na hindi ko na namalayan. Nakikinig naman ako sa mga teachers ko na nag di-discuss sa unahan pero bakit parang walang pumasok sa utak ko na mga sinabi nila? Pasok dito, labas doon.

Napansin kong lumabas na yung teacher nila Farrah kaya lumabas na din ako ng room namin para sunduin siya.

Pag dating ko dun, nakatayo na si Farrah at nagliligpit ng mga gamit niya. Wala nang tao.

I knocked on the door to catch her attention. Para kasing ang lalim lalim na naman ng iniisip niya.

Tumingin siya sakin. I smiled.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon