Kabanata 11 - Farrah

5.5K 99 9
                                    

Nagising akong medyo nahihilo pa. Hindi ako makadilat dahil masakit pa ulo ko pero nararamdaman kong nasa malambot akong kama. Nasa kwarto ko na ba ako? Mabuti kung ganun.

Dahan dahan kong minulat yung mata ko at iniikot sa paligid. Hindi. Hindi familiar ang mga gamit sa paligid ko. Maski ang dingding at kisame. Obvious na nga sa mga gamit kailangan ko pang tignan ang dingding at kisame? Nababaliw na nga ako.

Naupo ako. Sakto may tubig sa baso na nakapatong sa side table ng kama. Dali dali kong kinuha yun at ininom.

Tama. Naalala ko na. Si Kiel. Arrange marriage.

Kaninang umaga iniisip ko lang si Candice. Na okay na rin na hindi siya pumasok dahil hindi ko pa kayang makita siya ng personal. Ayokong lalong maguilty. Alam kong wala naman akong ginagawang masama pero pakiramdam ko nagtataksil na rin ako sa kanilang dalawa ni Kiel. Sa dalawang taong mahalaga sakin. Dalawang taong mahal ko. Hindi ko naman kasalanan na ma in love sa kaibigan hindi ba? Hindi nga.

Tapos habang tumatakbo kami ni Kiel kanina, hindi ko maiwasang umiyak. Bakit? Bakit nga ba ako hindi iiyak? Ang mga salitang binitawan ni Kiel kanina ay ang naging dahilan ng pagtibok ng malakas puso ko kanina. Pakiramdam ko unti unti akong natutunaw sa mga hawak ni Kiel. At natunaw sa higpit ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Liquid. Pure Liquid.

Nung mga oras na yun, akin si Kiel. Akin nga pero naisip ko din na hanggang kelan siya magiging akin? Pumasok din sa isip ko na magbabago din ang isip ni Kiel pagkatapos ng ilang araw tapos iiwan na akong magisa. Babalik na din siya kay Candice. Tama. Kailangan maibalik na siya kay Candice.

Sabi ko, hindi ko alam ang problema ni Kiel pero sana sa pagsama ko sakanya kanina ay may maitulong ako kahit kaunti para sa kanya. Para sana kahit konti mabawasan ang problema niya.

Para akong baliw kanina. Umiiyak magisa. Malala pa ang iniiyakan ko ay yung lalaking may hawak ng kamay ko kanina.

"Farrah ayokong mawala si Candice sa 'kin."

Nung mga oras na yun, ano nga ba ang dapat kong maramdaman? Tinawag niya ako sa pangalan ko pero ibang pangalan ang may pag aari sa kanya. Bakit ganon? Bakit ang sakit? Ang sakit sakit pero wala akong maramdamang paglabas ng mga luha ko kanina.

Ako, si Farrah lutang sa mga pangyayari. Dapat nga siguro magmove on na ako at tanggapin ang kapalaran na hindi para sakin si Kiel. Nung binitawan niya yung kamay ko, pakiramdam ko, nawala ang kalahati ng katawan ko. Nanlamig ako bigla. Ganun pala. Ganun pala ang pakiramdam pag nawala si Kiel sain. Kailangan ko na ngang bumitaw. Bumitaw sa pag asa, sa pag ibig at bumitaw kay Kiel.

Pumasok sa isip ko yan lahat sa konting oras na yun. Sa mga scenes na nangyari kanina, lahat yun sabay sabay kong naisip.

Bumitaw? Hindi ko alam kung pano pero kailangan ko nga atang gawin kahit masira na ang friendship na iningatan ko ng matagal na panahon, wala na akong pakialam. tutal, alam ko naman na sira na yon matagal na panahon na. Simula nung nalaman kong may pagtingin din ako sa kanya.

Pero hindi talaga sang ayon ang panahon sakin. Ang tadhana, ang mga tao at ang mundo. Isa pa natin ang buong universe at galaxy.

"...of course with a bonus, his fiance."

Paano ako makakapagmove on kung itong taong mahal ko ang taong napagkasunduang pakakasalan ko? Ang masakit pa ay hindi man lang niya ako mahal. One sided love lang ang dating. Hindi mutual. Walang kwenta.

Si Kiel ang fiance ko. Pero bakit parang may mali? Pano na lang kami? Yung friendship namin? Kanina handa na akong sirain yung friendship na yun, ngayon naman parang ayaw ko na. Paano si Candice? Paano na lang yung relasyon nila? Yung magandang relasyon nila at pagkakaibigan naming tatlo? Kawawa naman si Candice. Pero pano naman yung kagustuhan nila Lolo? Maganda naman yung motibo nila Lolo at nakikita ko maganda din ang kalalabasan nun. Dahil matutulungan ko si Mama at pwede na silang tumigil ni Papa sa pagtatrabaho nila.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now