Kabanata 30 - Kiel/Farrah

4.9K 69 9
                                    

After that night, hindi na kami masyado naguusap. Laging ako na lang ang nagluluto since hindi nga marunong si Farrah pero syempre hinding hindi magbabago sa amin ang sigawan at awayan. Parang hindi na mabubuo yung buhay naming dalawa kung wala noon.

Tinawagan ko si Farrah para kumain sa McDonald's since halos wala na naman ginagawa sa school namin dahil puro preparations lang for Month-Long Celebration ng Halloween at wala kaming practice ngayon. Astig diba? Month long parang hindi lang school.

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ni Farrah habang nakatingin sa akin na kaharap ko habang kumakain ng burger

"If it isn't obvious yet, kakain tayo. Malamang, nasa McDonald's tayo ngayon eh." Sabi ko sabay kagat sa burger ko

She rolled her eyes "Malamang, hindi naman pu-pwedeng pumasok tayo dito at magpaload, hindi ba?" Tapos kumuha ng fries si Farrah tapos isinawsaw sa ketchup at saka isinubo

Tumawa ako, "Silly. Ano bang kakainin mo? hindi ka pa umoorder."

"Ano ba sa tingin mo eto?." Ipinakita ni Farrah yung fries na hawak niya sa akin, "Bato? Eh busog pa ako kasi kakakain lang namin ni Jared bago ka tumawag. Ano ba kasing meron?"

"Kasama mo na naman yang Jared na yan. Sinabi ko naman sayo na wag ka nang makikipagusap dun ah."

"I can't help it. Classmate ko siya and the same time, katabi ko siya, kagrupo, ka-org at kaibigan slash bodyguard. Ayaw mo nun may nagbabantay sakin kahit papano."

"Oo nagbabantay siya sayo, bantay sarado nga na parang kahit ako bawal nang lumapit sayo eh." Bulong ko

"Ano?"

"Wala."

"Tss. Wag mo ngang ibahin ang usapan Cyrus. Bakit ba kasi bigla ka nag ayang kumain dito?"

"Hindi mo ba talaga alam o nakalimutan mo?"

"Ano nga kasi?"

Napakamot ako ng ulo, "Monthsary natin. 3rd monthsary."

"Ha? Ay oo nga. Sorry. Nakalimutan ko. Kasi naman sobrang daming ginagawa sa school kaya nakalimutan ko na. Pasensya na."

Magsasalita na sana ako nang big naman tumunog yung cellphone niya. Napatingin si Farrah sa akin tapos kinuha ang phone niya sa ibabaw ng lamesa.

"Yes?" Sagot niya

"Oo nga pala. Babalik na ako dyan. Wait lang." Sagot ulit ni Farrah

"Lumabas lang kami ni Kiel, saglit. Yaan mo babalik na rin agad ako." Sabi niya ulit

Tumayo na ako at lumabas ng food chain. Ayoko na. Una nakalimutan niya which is really amusing. Kasi alam ko mga babae ang unang nakakaalala nang mga bagay na ganyan pero ewan ko sa kanya at nakalimutan niya.

"Kiel, bakit mo naman ako iniwan doon?" tanong niya pero hindi sumagot ako sumagot. Sumunod pala siya

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ulit ni Farrah

"Ui! Kiel naman." Hinawakan na niya ako sa braso kaya tumigil ako sa paglalakad

Tumingin ako sa kanya "Alam mo, I tried to be a good to you. I really tried to, pero ewan ko, feeling ko kahit anong gawin ko, hindi mo maa-appreciate. I tried to skip my class for you today, yun pala wala sa isip mo na mahalaga ang araw na to para sa atin. Mas naalala mo pang kamustahin kaninang umaga si Jared kesa ang batiin ako ng 'Happy Monthsary' Pero ano? Wala. Ano ba pa ang kulang? Akala ko magiging maayos na ang lahat dahil hindi nanaman sikreto tong kasal natin. Pero mas naging worst. Lagi tayong nagaaway, nagkakatampuhan. Mas lagi mo pang kasama yang Jared na yan kesa sa akin. Sabihin mo nga, ano pa ang kulang ko? Ano pa ang dapat kong gawin?" Mababa ang tono ko pero alam kong ramdam ni Farrah yung galit ko

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now