Kabanata 4 - Farrah

6.7K 134 15
                                    

One week na ang nakalipas since umalis ako ng walang paalam kila Kiel at Candice. One week na pero tuliro pa rin ako.

Last last Saturday, dinala ako ng hospital dahil sa taas ng lagnat ko dahil sa migraine ko. Monday nakauwi na din ako ng hospital kaso pina-excuse ako ni papa dahil hindi nawawala yung lagnat ko.

Sa loob ng one week na yun, hindi ako tumanggap ng bisita kahit si Kiel. Text, call, internet, hindi ako nagparamdam sa kanya.

Lahat ng call niya automatic na voice call at lahat ng texts niya hindi ko nirereplyan. Pag dumadating naman siya dito sa bahay, palaging si Ate Violy o kaya si Gino ang nakakausap niya.

Hindi ko siya nilalabas. Palagi kong pinapasabi na tulog ako o kaya nagpapahinga. Ganun din kay Candice. Kahit anong message niya sakin sa friendster, hindi ko sinasagot.

Napatingin ako sa cellphone ko. Kanina pa yun nagri-ring ng nagri-ring pero hindi ko alam kung sasagutin ko ba yun o hindi o hahayaan na lang.

Nagi-guilty ako. Bakit? Dahil sa mga bagay na narealized ko after ko umuwi nung Friday. Yung araw na yun. Yung mga sandaling naramdaman ko na hindi ko kayang mawala si Kiel sa tabi ko pero nawala na siya dahil nasa tabi na siya ng iba.

Ako ang bestfriend nila. Kaya alam ko ang mga plano nila in the near future. Kaya ako ganito. Dahil alam ko sooner or later talagang wala nang matitira para sakin, dahil hindi sakin si Kiel. Nababaliw na ako kakaisip kung pano ang gagawin sa oras na makita ko ulit sila.

Sana nga. Sana nga hindi ko na alng nalaman yun. Sana nga. Sana nga naging manhid na lang ako sa nararamdaman ko.

After ko umalis sa school ay nagdaretso na muna ako sa park malapit sa subdivision namin. Sa park kung saan kami unang nagkita ni Kiel at kung saan kami naging mag best friends. That was 3 years ago. Grabe. Ganun na nga katagal. Nakakatawa lang na sa loob ng tatlong taon madaming nagbago sakin, sakanya, samin pareho.

Si Kiel na mukang nerd at payatot noong elementary days namin ay ngayon matalinong gwapo na sikat sa pagiging varsity player ng basketball team namin ng school ngayon. Si Kiel na mahilig magsungit. Si Kiel na kabiruan ko sa lahat ng bagay. Si Kiel na madali kong napapatawa kahit corny na yung mga jokes ko. Si Kiel na mahilig magpaiyak sakin. Si Kiel na best enemy ko noon. Si Kiel na superhero ko. Si Kiel na bestfriend ko ngayon. Si Kiel na mahal ko ngayon.

Oo. Mahal ko si Kiel. Kelan pa? Hindi ko alam. Yun yung bagay na narealize ko after ko tumambay sa park ng ilang oras. Ngayon naiintindihan ko na.

Kaya pala ako naiinis noon sa mga nagiging girlfriends niya noon. Kaya pala naiinis ako tuwing may pinopormahan siya noon. Ang akala ko lang noon ay ayaw ko lang talaga sa mga nagiging girlfriends niya at natatakot lang ako na kalimutan niya ako.

Yun pala ay iba ang dahilan ko. Bakit ko nga ba kailangan pang mahulog ako sa masungit na preskong best friend ko na minsan lang naman ako minahal ang kaso ay sumuko lang din naman?

Kaibigan. Yan na lang ako ngayon sa harap ni Kiel. At kahit kailan ay hindi na magbabago pa yun.

Tinignan ko yung cellphone ko ng tumigil na ito sa kakatunog. Si Kiel na naman ang tumatawag. 45 missed calls at kahit isa dun ay hindi ko tinangkang sagutin. Last week pa siya tawag ng tawag sakin.

Kahapon ay pumunta pa ito at kaninang umaga, nagbabakasakaling makakausap ako pero tinaguan ko lang siya.

Ayaw kong malaman ni Kiel na mahal ko na siya.

Naalala ko pa nung mga panahon na nagtapat si Kiel na gusto niya ako. Binasted ko siya dahil sabi ko, hanggang friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya. After a year, nakamoved on naman siya at nakilala si Candice.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon