Kabanata 24 - Kiel

4.9K 69 11
                                    

One week ko nang nakikita na laging magkasama ang dalawa. Kaya nung nag try-out si Jared sa basketball ay pinahirapan ko talaga. Alam ko at ramdam kong may alam itong si Jared tungkol sa amin ni Farrah.

Kilala ko si Jared. Kilalang kilala. Bakit hindi? e kababata ko ito. Tingin lang niya ay alam ko na. Kaya alam kong may alam ito sa amin.

Ang kinaiinis ko lang, bakit si Farrah? Kung alam nga niya ang tungkol sa kasal namin bakit pinopormahan niya ang asawa ko? Teka, kelan ko pa narealize na asawa ko nga si Farrah?

Naiinis ako. Nasiraan pa ko ng sasakyan. Nang pasakay na ko ng bus nakita ko si Jared at Farrah na pasakay ng bus kaya nagmadali ako at sumakay na rin.

Naiinis pa ako dahil nag aya pa itong kumaen sila sa labas at itong babaeng ito naman hindi man lang nagpakime. Nakakainis!!

Kaya pagpasok namin ng bahay ay nag snap na ako sa inis. Hindi ko naman talaga aawayin si Farrah pero ewan ko ba. Siguro nga at tama si Candice na umaatake nanaman ang pagiging brotherly-hood ko dahil kay Farrah.

Oo lumalabas kami ni Candice pero hindi date yun. Hindi date yun dahil alam na ni Candice ang lahat. Pati nga ako ay nagulat na alam ito ni Candice. Pero hindi ko siya masisisi kung maging selfish siya paminsan minsan dahil girlfriend ko ito.

FLASHBACK

"Hindi ba magagalet si Farrah pag nalaman niyang magkasama tayo?" Tanong ni Candice sa akin habang naglalakad sila sa mall papasok ng starbucks

Napatingin ako sa kanya at medyo nagulat din "Ha? Bakit naman siya magagalet?"

"Alam ko na Kiel. You don't have to lie. Kasal na kayo ni Farrah hindi ba?" Sagot ni Candice habang naka tigil kami sa gitna ng mall

"Sorry. Kasi hindi ko sinabi kaagad sayo. I'm protecting you Candice kaya hindi ko nasabi." Sabi ko

Ngumiti si Candice "I know. Alam ko naman eh. Kaya nga siguro ganun na lang ang pagiwas ni Farrah sa akin dahil sa sobrang guilty ang nararamdaman niya. Alam ko ang lahat Kiel. You don't have to explain. I understand your situation."

Hinawakan ko ang kamay ni Candice. "Thank you for understanding us. Alam mo naman rin siguro na arrange marriage lang iyon hindi ba?"

Nag nod si Candice.

"Kelan mo pa nalaman?" Tanong ko

"Nung araw ng kasal niyo."

"How? Kanino?"

She starts to walk inside the Starbucks then sat on the couch beside the glass wall as I followed her, "I was about to ask you out when I decided to pick you up. Pero sabi ng maid niyo wala ka doon. I ask her where were you, she said nasa kasal ka. Nagtaka ako kung kaninong kasal. Then she explained it to me. Siguro bago lang ang maid niyo na yun kaya hindi niya pa alam na ako ang girlfriend mo." She stops talking then tumingin sa akin at nagsmile

"Then?" Tanong ko na naghihintay ng kasunod.

Tumingin sa labas si Candice "I was shocked. Dumbfounded. I really don't know if it's a joke or what. Pero pumunta ako sa venue ng kasal. I saw you and Farrah on the altar. Nung sinabi ng minister na kung sino ang tututol ay tumayo na, I really wanted to. Pero ewan ko. I was stuck on my own feet at hindi ako nakakilos. Ang akala ko ay you betrayed me. Galit na galit ako sa inyong dalawa ni Farrah noon. Kasi feeling ko, ginawa niyo lang akong tanga..."

"You were at the Thailand?"

Nag nod si Candice"I followed you kaya nagpunta ako. Pero bago matapos ang kasal niyo ay umalis na ako. I really wanted to talk to you that time and ask you what happened to us pero as I ask questions on my own. Nawawala yung galit na nararamdaman ko." Huminga siya ng malalim tapos tumingin sa akin, "When I saw Farrah, ewan ko ba, gusto ko siya awayin pero bakit ganun? may something sa kanya na hindi ko magawa yung gusto kong gawin. I want to slap her, yell at her, curse her or whatever pero when I saw her eyes like she was pleading for something. Nawala yung galit sa dibdib ko. I hugged her and even tell her how much I miss her. Kahit na alam kong there's something bugging her ginawa ko pa rin para hindi siya maguilty."

Hinawakan niya yung kamay ko, "But it doesn't matter. I accept the marriage between you and Farrah. I even forgave her kahit na alam kong wala naman siyang alam sa lahat ng nangyari. She's my best friend. I love Farrah. Pero I love you too Kiel. Hihintayin kita. Kahit gaano pa katagal. Andito lang ako. Hihintayin kita."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Candice. "I love you too Candice." tapos ay hinalikan ang kamay niya, "Thank you for understanding us. Thank you so much."

"I know. Pero I want us to be friends for now." Sabi ni Candice

"What? Why?"

"Kiel,.." She pulled her hands "We don't know what will happen tomorrow. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako maghihintay or kung may hihintay pa nga ba ako. We can still date pero we have to consider that you're already married. Kahit pumayag si Farrah, we still have to consider her feelings. Masasaktan at masasaktan siya. She's your wife now, Kiel. She's not just a best friend. Parte na siya ng buhay mo kiel. You have to know that. Don't worry. I'm still here. Andito lang ako para sayo."

END OF FLASHBACK


I stared at the stairs where Farrah ran. Napailing ako. Minsan na nga lang kami magkausap ganito pa. Tss. Dumaretso ako sa kusina para kumuha ng tubig tapos ay pinanood lang si Ate Violy habang nagluluto ng dinner namin.

"Kiel, adobo ang niluto ko. Mahilig ba si Farrah sa adobo?"

"Hindi po masyado. Ang gusto niya po kasi ay piniprito muna yung manok bago iadobo."

"Ah. ganun ba? Oh sige, ipiprito ko muna itong isa saka ko isasama dito sa adobo. Buti na lang at sinabi mo agad." Humarap sa akin si Ate saka nag smile.

Nag nod lang ako tapos ay umakyat na. Napansin ko na medyo bukas ang pinto ni Farrah. Sumilip ako. Nakita ko itong nakahiga sa kama habang nakauniform pa.

Pumasok ako sa loob ng kwarto niya.

Kinuha ko ang bag nitong nasa lapag at nilagay sa may couch tapos inilagay ang mga libro sa desk nito tapos pinatay din ang laptop nito. Hinubad nko ang medyas niya tapos nilagay sa marumihan sa loob ng CR. Inilagay ko din ang sapatos nito sa cabinet saka bumalik kay Farrah.

Iniayos ko ito ng higa saka kinumutan. Isinara ko yung curtains ng bintana kaya medyo nagdim ang paligid. Binuksan ko ung lampshade sa gilid ng kama niya, lumabas at saka sinara ang pinto.

Dumaretso na ko sa kwarto ko saka naligo at nagbihis, naggawa lang ako ng assignments ko tapos ay bumaba na.

"Ate, ipagtabi mo na lang si Farrah ng pagkain niya kasi tulog na siya. Papakainin ko lang siya bukas." Sabi ko

Nagdinner muna ako kasabay si Ate Violy habang tulog si Farrah tapos ay nanood na ko ng TV. Mga bandang 10pm saka lang ako natulog.

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن