Kabanata 5 - Farrah

6.6K 117 13
                                    

Mabilis na dumaan ang mga araw. Tuesday na agad. Maaga akong nagising para pumasok. First time ata na hindi ako late nagising o dahil hindi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi.

Nagpahatid na ako kay Papa. Sakto kasi kailangan din siya ng maaga sa trabaho niya.

Pagbaba ko ng kotse ay nanibago ako. Wala si Kiel sa pwesto nito kung saan ito lagi nagiintay sa kanya tuwing umaga.

Naglakad na ako papunta sa locker ko sa may hallway ng building na nagkokonekta sa dalawang building ng school. Inilagay ko lang yung ibang libro ko dahil sobrang bigat at dinala yung mga gagamitin ko ngayon.

Dahil maaga pa. Dumaresto na muna ako sa gym ng school para umupo at magbasa. Pag kasi maaga pa, tahimik ang gym lalo na kung walang laro ang mga basketball players. Magbabasa na muna ako dahil isang linggo akong absent. Baka may quiz kami, ayoko naman mangolelat sa klase dahil sa Heart Problems ko.

"Farrah,"

Napatigil ako sa pagbabasa. Yung boses. Kilala ko. Kilalang kilala ko.

Tumingin ako saglit sa kanya tapos ay ibinalik yung atensyon ko sa libro. Pero hindi naman talaga buong atensyon dahil natensyon yung katawan ko. Ito na. Ito na yun.

"Farrah," tawag ulit ni Kiel sakin sabay upo sa tabi ko.

"Bakit?" tanong ko pero hindi ko pa rin siya tinitignan

"Bakit hindi mo sinagot lahat ng call ko? Pati sa landline at text? Nagpunta pa ako sa inyo pero sabi ni Gino may sakit ka daw. Akala ko naman migraine lang. Ano ba talaga nangyari sayo?"

"Migraine lang talaga. Sinabayan lang ng lagnat dahil sa fatigue."

"Fatigue? Ano bang ginagawa mo at wala kang pahinga? Iniwan mo pa ako nung friday. Bigla kang nawala ng hindi man lang nagsasabi sakin."

"Ka? Iniwan ka? Kasama mo kaya si Candice."

"Oo nga pero iba pa rin pag ikaw ang andun."

Napatingin ako kay Kiel at biglang hinawakan yung noo niya, "Wala ka naman lagnat. Adik ka ba? Nagaadik ka no?"

"Psh. Wala akong lagnat," sabi niya sabay hawak sa kamay ko, "Lalo hindi ako adik pero ewan ko ba, naaadik ako sayo." tapos hinila niya ako sa isang mahigpit na yakap

"Naaadik ka? Ano ako drugs? Sira ulo ka pala eh,"

"Miss kita," Bulong ni Kiel habang nakayakap pa rin sakin ng mahigpit

Napangiti ako. Magaling Farrah. Kahit papaano ay natatago ko pa rin yung nararamdaman ko o di kaya'y manhid lang talaga itong si Kiel?

"I miss you too, Kiel."

"Farrah Sabel, wag na wag mo nang uuliting yung aalis ka nang hindi ka nagpapaalam sakin ah," sabi niya pero hindi niya pa rin ako binibitawan

"Opo manong," Sagot ko

Bumitaw si Kiel at pi-nat yung ulo ko, "I love you Farrah baby," Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko

"Aray naman! I love you tapos nananakit? Tss. Anu ba yan. Kikiligin na sana ako kaso wala eh," tapos tumalikod ako bigla

"Ikaw naman. Nagsungit ka na naman sakin,"

"Kanino ba ako nagmana? Sayo din naman diba?"

Tumawa siya, "Tara basketball tayo." Aya niya

Napatingin ako sakanya. Saka ko lang napansin na naka jersey pala siya, "Ha? Bakit?"

"Bingi ka na ba? Sabi ko basketball tayo. Matagal tagal na din nung huling laro natin."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now