Kabanata 16 - Kiel

5.8K 80 8
                                    

Hindi ko alam kung maiihi ba o anong mararamdaman ko. Parang maraming ibon sa loob ng tyan ko at nakikiliti ako. Kinakabahan ako. Arrange marriage lang to. Arrange lang. Wag kang kabahan. Si Farrah lang yan. Si Farrah.

Dugdug.Dugdug

"Tss bakit ba ayaw tumigil ng puso ko?!"

Bigla kong natanong sa sarili ko. Kung anu ano nang sinasabi ko. Pag tumigil tong puso ko mamamatay ako for sure. Napailing na lang ako

"Oo nga naman. Hinga." sabay inhale exhale ako

Tumunog na yung music kaya humarap na ako sa likod kung nasaan dadaan si Farrah. May mga white chairs sa dalawang gilid, sa gitna may red carpet at mga bulaklak. Bago makarating sa kinatatayuan ko, may dalawang mahabang vase at puno ng yellow at puti na mga tulips at isang malaking arko na puno din ng mga bulaklak.

Nagumpisa na silang maglakad isa isa.

Si Kuya Spencer, ngumiti sakin kaya nagnod ako. Kasama niya yung isa kong pinsan. Tapos sunud sunod na.

Best man ko si Papa. Kaya mag isang naglakad si Mama. Kasunod niya si Gino na ring bearer namin.

Maya maya, may mga bumagsak na red and white rose petals na parang umuulan ng mga bulaklak.

Tinapik ako ni Papa sa balikat, "Be here with you son," Bulong niya sa tenga ko

Pero naka focus lang ako sa babaeng parating. Babaeng ngayon ko lang nakita. Isang babaeng nagpabago ng buhay at relasyon namin ng girlfriend kong si Candice at nang best friend kong patay na.

Nalulungkot ako.

Dahil sa pagkabuhay ng asawa ko, siyang pagamatay ng best friend ko.

Pero ngumiti ako. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Nasaktan ako ng sobra dahil sa mga ginawa niya sakin kagabi.

Pero katulad niya na alam kong ginagawa naman niya sasabayan ko siya sa pag papanggap. Unahan na lang kami kung sino ang susuko saming dalawa.

Ngumiti ako ng parang walang nangyari. Na parang hindi masakit sa kalooban ko. Na parang manhid siya sa lahat ng nangyari.

Tinitigan ko lang siya habang nakangiti.

Napa tingin siya sakin at medyo nagulat. Medyo natawa ako sa reaksyon niya.

Nakarating na siya sa harap ko at ilang na ilang na tumingin sa akin. Ngumiti ako kay Tito at humalik sa pisngi ni Tita. Inilagay ko yung kamay niya sa braso ko at sabay na kaming nag lakad na papuntang altar.

"Smile," bulong ko kay Farrah

Hindi siya kumibo.

"Sabi ko ngiti. Walang kwenta ang ganda ng gown at gwapo ng groom kung mukhang sadako ang bride," Bulong ko

"Paki alam mo ba?! Manahimik ka na nga lang at mag lakad!!"

"Pinangingiti ka lang nag susungit ka na! Bakit ba ang sungit mo?!"

"La."

"Pag hindi ka ngumiti titigil ako,"

"Edi tumigil ka!"

Bigla akong tumigil sa gitna ng paglalakad namin. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Akala niya siguro ay hindi ko gagawin. Naririnig kong nagbubulungan na mga tao kaya pag tingin ko sa kanila, nagtitinginan na sila. Sila Mama naman, nagagalit. Bakit daw ako huminto. Natatawa lang ako.

Hinawakan ako ni Farrah sa braso, "Ano ba?! Ano bang trip mo?" Bulong niya

"Ngingiti ka o ano?!"

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now