Kabanata 6 - Kiel

6.2K 108 14
                                    

Kanina pa ako tawag ng tawag kay Farrah pero kahit isa sa mga tawag ko ay hindi niya sinasagot. Nakakainis. Ewan basta gusto ko mainis. Walang dahilan basta naiinis ako. Kagabi ko pa kinokontak pero kahit isang text na nagsasabing ayos siya, wala man lang kahit ano.

Pagkahiwalay namin nung nagbasketball kami sa GYM, hindi na niya ulit ako pinansin. Kesyo busy siya, madaming ginagawa o kung anu ano pang pwedeng idahilan sakin para lang hindi kami makapagusap.

Sobrang miss ko na siya at hindi ako sanay na ganon sakin si Farrah ngayon. Para kasing may nagawa ako dahil nung last na ganyan siya sakin nung naggalit siya. At yun yung araw na pinaka ayaw kong maulit muli.

Ano bang nagawa ko? Mabait naman ako at sigurado naman akong hindi ko siya na offend o kung ano man. Ano ba yun? Nakakabaliw naman.

Si Candice na lang tinawagan ko.

"Babe," bungad ko

"Bakit babe?" Sagot niya

"I..uhm miss you,"

Pero mas miss ko na talaga si Farrah. Tsk. Nasan na ba kasi yun?

"Ang sweet naman ng boyfriend ko. Kakahiwalay lang natin tapos miss mo na agad ako?"

"Oo naman," sagot ko

"Sus. Oh sige na. Tama na yang drama mo. I miss you too,"

"Pero seryoso ako,"

"Alam ko. Kaya nga I miss you too diba?"

"Napilitan ka lang eh. Wag na nga,"

"Eto naman, miss na rin kaya kita babe,"

"Oh sige na nga... I miss and love you.."

"I love you too..."

"Maiba tayo, nakausap mo na ba si Farrah ngayong maghapon? Hindi ko kasi siya makontak."

"Ah kagabi lang. Bakit? eh diba magkasama naman kayo kagabi?"

"Oo. eh kaso hindi ko na siya nahatid sa kanila kaya nagaalala ako kung nakauwi ba siya ng maayos kasi sabi niya tetext siya pagkauwi niya."

"Ah. Kaya pala. Eh okay naman siya kasi katext ko siya kagabi tapos ay naglobat yung phone niya nung bandang 10pm na ata nun..."

"Ah ok sige."

"Ok...Bye na ha! mag aayos pa ko eh. Mamaya na lang.. See you later."

"Ok babe..See you."

Binaba ko na yung phone. Kahit papano nawala din yung init ng ulo ko at inis kay Farrah dahil hindi ko siya makausap.

Mahal ko si Candice. Mahal na mahal. Si Candice na nga ang babaeng papakasalan ko. Si Candice na nga yon wala nang iba. Pero pano si Farrah? Kahit matalino yun ay may pagkasintu sinto din yun. Baka kung sinong lalaki lang ang mapakasalan niya at saktan at paiyakin lang siya. Aba. Hindi pwede yun. Hindi ako papayag na mangyari yun. Sisiguraduhin ko muna na maayos ang buhay niya.

Naligo na ako saka ko na lang tatawagan si Farrah. Baka nga busy pa yun.

Nagayos na ako. Sabay nga yung party ng mommy ko at mommy ni Farrah. Kaya no chance talaga na pwede akong makapunta kila Farrah at bisitahin siya.

Nagbihis na ako sabay tinawagan siya. Pangalawang ring, sa wakas sinagot na niya.

"Kiel! Dumating na si mama! Tapos alam mo ba ang ganda ganda niya! Ang cool grabe! Ang dami kong ikukwento sayo pagnagkita tayo! Nag girls bonding kami kanina, ang dami kong bagong damit. Pinagshopping niya rin ako. Tapos may bago na kong phone!" Masayang bungad ni Farrah sakin

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Where stories live. Discover now