Kabanata 32 - Farrah

4.6K 74 3
                                    

Nagulat ako nang biglang may lumapit sa aking mga bata may dala dalang mga lobo na iba't iba ang kulay. Bawat isang lobo may smiley. Binilang ko iyon. Fifty nine balloons pero wala pa rin si Kiel. Pagtatanungin ko naman yung mga bata kung nasaan yung nagbigay ng lobo ngingitian lang ako tapos ay tatakbo na.

Maya maya may narinig akong tumunog na kanta hindi kalayuan. Tapos naghiyawan na yung mga tao saka lumabas na si Kiel habang may hawak ng boquet of red and white roses at isang malaking pink na balloon na may nakalagay na 'Happy 3rd Monthsary Honeybabe and HoneyLove' tapos date na August 21, 2011. Date ng kasal naming dalawa.

Tapos may dalawang lalaking sumayaw bigla sa harap ko. Fallen by Jason derulo yung kanta. Lumapit si Kiel habang nakangiti sa akin.

Napatulala na lang ako.

"Happy third monthsary Honeybabe." Sabi ni Kiel tapos inabot sa akin yung roses at yung balloons, "Sixty Balloons kasi sixty days na tayong kasal."

Sa mga sinabi niya, ramdam na ramdam ko yung mabilis na pag init ng mukha ko. I know, I'm blushing.

Tapos biglang sumayaw na rin si Kiel kasabay nung back up niya. Marunong naman siyang sumayaw. Actually, dancer si Kiel noon kaso nagback out lang siya dahil mas gusto niya ang basketball kesa sa pagsayaw. Naghiyawan na yung mga babae sa paligid. Feeling ko, ako pa yung nasurprise dun sa dapat na surprise na pag hingi ko ng sorry kay Kiel.

"Now I can predict what the future holds, but I'll fight forever to keep you close," Kanta ni Kiel

Lalong akong nagblush. Kulang na lang ay tapunan na ako ng malamig na tubig dahil sa feeling ko nagaapoy na yung mukha ko.

"I'd give it all up baby, trade in the world to show I'm fallen, I'm fallen," Patuloy ni Kiel

Hinawakan ni Kiel ang dalawa kong kamay habang kinuha nung isang lalaki kanina na sumasayaw yung mga hawak niya.

"Don't need the fame or money, as long as I gotcha girl. I'm fallen, I'm fallen, for you.." Pagtatapos ni Kiel tapos ay ngumiti sa akin

"Ang cute mo talaga pagnagba blush.." tapos kinurot ni Kiel yung pisngi ko

Naluha na lang ako bigla sa sobrang touch. Dapat ako yung gumawa nun dahil ako yung may kasalanan kanina kung bakit kami nag away. Pero ewan ko ba, feeling ko ang haba haba ng buhok ko dahil sa ginawa ni Kiel.

"Wag ka nang umiyak. Halika na. Uwi na tayo." Sabi ni Kiel sabay yakap sa akin ng mahigpit

Kinuha ni Kiel lahat ng balloons tapos hawak ko naman yung bulaklak na binigay nila. Five dozen of roses. Nagtaxi na kami pauwi para yung mga balloons andun sa compartment.

Hawak hawak ni Kiel yung kamay ko habang ako nakatingin lang sa kabilang side ng taxi. Ramdam ko yung pag higpit ng hawak ni Kiel sa kamay ko.

"Kiel," Tawag ko

Pero imbis na sumagot ito, bigla niya akong niyakap, "Shh..." Sabi niya

Inihiga ko ang ulo ko sa balikat ni Kiel. Habang ang ulo ni Kiel ay nasa ulo ko din din. For the first time na nagging mag asawa kami, naging ganito kami. Sana lagi na lang ganito.

Nang makarating kami sa bahay, wala pa rin si Manang Medz at Ate Violy. Hindi na namin inoobliga pa si Manang Medz since kailangan nitong alagaan ang anak na may sakit. Hawak hawak pa rin ni Kiel yung kamay ko habang ako ang nagbubukas ng front door namin.

Yung isang kamay ni Kiel hawak hawak yung mga balloons tapos nakaipit sa kili kili nito yung hawakan ng bulaklak. Halatang hirap na pero ayaw pa rin bitawan yung kamay ko.

Binuksan ko na yung ilaw tapos dumaretso na kaming umakyat.

Binitawan na ni Kiel yung mga lobo hanggang sa lumipad ito sa ceiling ng kwarto ko. Magandang tignan yung mga lobong nasa ceiling kahit marami hindi naman nakakainis dahil iba't ibang kulay naman iyon. Kahit yung iba nahaharangan na yung ilaw. Hindi naman masakit sa ulo.

Nahiga si Kiel sa kama ko habang dmaresto naman ako sa banyo para magpalit ng damit at ilagay sa vase yung mga bulaklak. Kumuha ako ng isang rose tapos ay pinutol ang mga petals nito saka nilagay sa gitna nung librong paborito ko. Sabi kasi nila, remembrance daw yun.

Paglabas ko, nakita ko si Kiel na nakaupo sa kama.

"Gutom ka na ba? teka lang magluluto lang ako.." Sabi ko at akmang lalabas na nang kwarto nang biglang hawakan ni Kiel yung kamay ko

Sabay hila niya kaya nawalan ako ng balance tapos napaupo ako sa lap niya. Nasa likod ko ang isang kamay niya habang ang isa ay hawak hawak pa rin ang kamay ko.

With his eyes locked on mine, I wasn't sure my heart had ever pounded so fast in my life.

Napatingin na lang din ako sa mga mata niya. His brown eyes and long thick eyelashes. For a fleeting moment, I am amazed that he has this good looking eyes. Ngayon ko lang napansin o nakita yung mga mata niya ng ganito kalapit sa akin. Ang sarap titigan at gusto ko na lang titigan yun maghapon habang yung focus ng mga mata niya ay nasa akin lang.

But more than anything, I wanted to feel his lips on mine.

Just as the longing became unbearable, his lips met mine. The warmth of his mouth sent a current running through my body. It's my first kiss and he stole it.

I unconsciously threw my arms around his neck as I lost myself in his minty breath and soft lips.

Slowly, we were laying down the bed without pulling out the kiss.

He's kissing me but for me, I knew that he doesn't love me. I knew it.

I pulled away before I drowned in him and silently cried. Pinatay ni Kiel yung side light sa side table ko.

Kiel lay down beside me. Hugging me from my behind.

"Sorry.." He whispered

Umiling ako saka umupo facing him, "Kiel, ano... ano ba tayo?" Bigla kong tanong. Hindi ko na rin kasi maintindihan. Basta magulo.

Napaupo si Kiel, "Ano?"

"Ano.. ano mo ba ako? Ano ba meron sa ating dalawa?"

Hinila ako ni Kiel papalapit sa kanya and cupped my face on his hands, "Look at me Farrah, ikaw sumagot ng tanong mo.. Ano ba kita? Ano mo ba ako? Ano bang meron sa ting dalawa?"

Napaluha ako, "Nalilito ako. Naguguluhan. Kiel."

Pinunasan ni Kiel yung luha ko tapos hinawakan ang mga nanginginig kong kamay "Asawa na kita. Asawa mo na ako. Kasal na tayo." sabi ni kiel tapos sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Sa mga pagkakataong ito, dapat nasabi ko na na mahal ko si Kiel pero bakit ganon? bakit may something na napapahold back sa akin tuwing sasabihin ko na? Naguguluhan na ko.

"Let's start again. Be my wife without contract. Can you be my wife?" Tanong ni Kiel

Natawa ako bigla kahit na may tumutulong luha pa sa pisngi ko, "Wife agad? hindi ba pwedeng girlfriend muna?"

Tumawa din si Kiel sabay yakap ng mas mahigpit, "Be my girlfriend."

"That's not a question nor a request. It's a command."

Napa tingin siya sa akin, "Tss. Sasagutin mo ba ako o ano?"

"Wala naman kasing question dun eh! tapos girlfriend agad hindi ko man lang naranasang maligawan."

Nakasimangot kong tingin sa kanya pero siya, napa ngiti sa sinabi ko sabay bulong, "Be my wife and I promise to court you forever."

My Bestfriend, My Fiance (Original Version)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ